Chapter 81

2K 64 0
                                    


**part2continuation

" Kumain kana Shyun. "

Nagbabalat ako ng mga prutas para kay Shyun. Laking pasasalamat namin ng malaman namin na okay na ito.

" Ayoko. "

Napatingin ako rito.  Nakanguso ito habang nakatingin sa akin.

Napataas ang kilay ko. " Ano problema mo? "

Napatawa ito. " Subuan mo ako. "

Napairap ako at lumapit sa kanya. Habang pinapakain ko ito bigla itong nagtanong sa kambal.

" Kailan ko sila makikilala? "

Napahinto ako. "Pag magaling kana. " tipid kong sagot.

Napangiti naman ito. " Ba't di mo sila dalhin rito?"

Napataas ang kilay ko. " Ayoko nga, remember hospital ito, baka mahawa pa ang anak ko sa mga sakit rito at syempre no ang bata bata pa nila." di pagsang-ayon kong sagot.

Tumango tango ito.  Nang matapos itong kumain, pinagpahinga ko mona ito.

" Pahinga kana. " wika ko habang hindi man lang ito dinadapuan ng tingin.

" Aalis kaba ngayon? " Mahinang tanong nito.

" Oo, hinahanap na ako ng kambal. "

Bumuntong hininga ito. " Baka nandoon naman si Khalil. "

" Di imposibleng wala siya roon,  he became part of our life especially the kids."

Natahimik ito at napayuko. "Parang wala akong kwentang ama. "

Naawa ako sa tono nito. Tiyak sisisihin na naman nito ang sarili,  at hindi ito makakatulong sa kondisyon niya. " Shyun, kaya nga diba magpagaling kana,  alam mobang hinahanap kana ng kambal. "

Umaaliwalas naman ang mukha nito." Talaga? "

Tumango tango ako. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. " Pag dumating na si mommy,  aalis na ko. "

" Babalik kapaba? " malungkot nitong tanong.

" Oo naman, sisiguraduhin ko lang na maayos ang kambal. "

Ngumiti naman ito at pumikit. Nakatingin ako sa kanyang mukha,  kawawang Shyun.  Kung alam kolang sana ang lahat tiyak mababago ko pa ang kapalaran nito.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko,  bigla na lamang bumukas ang pintoan.   Napangiti ako si Mommy kasi.

" Hello darling. " masayang wika nito at hinagkan ang aking pisngi.

" Mom,  kayo napo bahala sa anak niyo. " ngiting wika ko rito.

Tumango naman ito at kumindat. Bago pa ako makaalis may huling hirit pa ito. " Phobe, pag okay na Shyun,  sundan niyo na ang kambal huh. "

Natahimik ako. "Mommy naman. "

" Hahaha,  go na hinahanap kana ng mga anak mo. " pagtataboy nito.

" Mommy dumalaw kaba sa kambal?"

Tumango ito at ngumiti. " Alam kong may ginawa ka mom. "

" Hehe, I just brought them chocolates. "

Napasinghap ako. Talagang binibigay niya lahat ng luho ng mga bata. " bye mommy. " hindi ko nalang pinansin ito at iniwan sila ni Shyun.

Pagkarating ko sa bahay agad akong sinalubong ni Kuya Micko na nakasimangot.

" Hi kuya." bati ko at hinalikan ito sa pisngi.

"Princess,  tulungan monaman ako oh. " naiiyak nitong wika.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now