71

777 7 0
                                    

Kabanata 71
(Baby)

Ilang buwan ang lumipas at ngayon kabuwanan ko na.  Naging masaya at panatag ang loob ko simula ng mapunta ako sa lugar na ito. At kung tatanungin niyo si Shyun,  ang huling balita ko ng tumawag si mommy at gustong pirmahan nito ang annulment paper.  Atat na atat yata itong pakasalan si Cheska. 

" Phoebe,  ready na ba yong mga gamit mo? " Tanong ni grama sa akin. 

"Opo, at kay baby okay narin. " ngiting tugon ko rito.  

Inihanda na namin ang mga gamit dahil kung sa kaling manganganak na ako nakahanda na ang lahat.

  " Kambal." 

Napatingin ako kay Prince.  Lumapit ito at hinaplos ang aking malaking tiyan.   " May lakad ka?" tanong ko rito. Napaka porma ka ng suot nito.  

" Yuhh,." mas lumapit ito sa akin. " Nakakapagod,  papapuntahin ako nila grama sa company natin. " bulong nitong wika. 

Napatawa nalang ako.  Alam kong ayaw na ayaw niyang maging isang businessman maliban nalang sa mga babae.  Tinapak ko lang ang braso nito. Umalis din naman agad ito, mas maaga daw siyang aalis mas maaga din siyang uuwi, ang galing hahaha.   Napalingon kami ni grama ng bumukas ang pintoan.

  " Excuse madam, your friends are waiting outside. " 

Tinanguan ko lang ito at umalis ki agad.  Friends?  Sina Micholo ba ito, noong isang buwan pa ito dumalaw dito ah.

  " Ahhhhh jusko!  Kung ako nalang sana ni landi niya. " 

Napairap ako,  kahit nasa malayo pa ako rinig na rinig ko ang tili ng aking kaibigang bakla.  Nang makita ko ang mga ito not including clarice, nakaupo ito sa malaking sofa habang titig na titig sa cp ni Micholo. 

" Ayy,  ano iyan?"  

Napatingin din agad ito sa akin at tumayo.  Lumapit ako sa mga ito at nag beso beso.

    " Ang dami niyong pera huh. " wika ko habang hinay hinay na umupo sa tabi ni Rochelle..

" Haha syempre bakla,  sponsor by mommy mo. " masayang wika ni Micholo.  

Napataas ang kilay ko sa narinig.  "Mom?  At bakit? " 

" Eh kasi Phoebe baka daw mainip ka rito kaya pinapunta ki agad kami. " explain ni Rochelle.  

Tumango tango din naman ako. " Wait,  where's Clarice? " 

Nagtinginan ang mga ito at tila kinakausap ang kanilang mga mata kung sino ang magsasalita.

   " Ano ba?  Para kayong mga bata. " Mataray kong wika sa mga ito.  

Napahinto naman ang mga ito. " Eh Phoebe may nagaganap kasi sa Pilipinas kaya ayon hindi mona siya makakapunta. " ani ni Rochelle.

  " Why?  Anong problema? " Nag aalala kong tanong.  

" Bakla,  may pictorial lang for Campbell Family at Shyun. " mahinang wika ni Micholo.  

Tumatango tango ako.  Ang saya siguro ni Shyun ngayon. 

  " ikukuha ko lang kayo ng pagkain." wika ko sa mga ito.

   Inaalalayan nila akong tumayo.  Ang laki laki na kasi talaga ng aking tiyan at never pa akong nagpa ultrasound para mas exciting. Nang nasa ikatlong hakbang ako bigla na lang sumakit ang aking tiyan. 

"Ahhh.. " impit ko. Mas tumatagal mas dumodoble ang sakit.  

" Bakla ayos ka lang? " 

" Mukha ba akong okay?  Ahh pakitawag niyong mga kuya ko manganganak na ako. "  

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon