63

1.7K 65 3
                                    

Kabanata 63
SORRY

  "its time." wika ni Khalil na mas lalong nagpakaba sa akin.

Tumingin mo na ako kay Micholo na nasa stage . Tumingin rin ito sa akin at nag thumbs up. 

Bigla na lamang nag-iba ang tugtog, kasabay ng aking paglalakad papunta sa harap. Nang nagtagpo ang aming mga mata ni Shyun, napalitan ang takot ng kagalakan ang aking nararamdaman.   Inilahad nito ang kanyang kanang kamay sa akin, at inabot ko ito hanggang papalapit ang aking katawan sa kanyang katawan. Sa muling pagkakataon naramdaman ko ang init ng kanyang palad at ang kanyangu makisig na pangangatawan. Inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat , at inilagay rin niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang. Sumasabay kami sa musikang pilit pinapaalala ang aming pinagsaluhan. Idinikit ko ang aking noo sa kanyang noo. 

" I miss you." mahina kong wika rito.

  Lumayo ito ng konti sa akin at tumingin sa bandang kanan. Wala nang mas masakit na kahit nasa harap kana , tumitingin pa rin siya kay Cheska. Nakita ko ang kanyang pagsambit sa salitang I love you sa babaeng pinangakoan niyang papakasalan.

" Can we talk Shyun?" Naiiyak kong wika rito. 

Bagkos sagutin ako, binitawan niya ang aking kamay kasabay ng paghinto ng musika. Napalingon ako ng may naramdaman akong humawak sa aking kamay.

  " Khalil." 

" Can I dance with you my Queen?" wika nito sabay ng paglahad ng kanyang kamay. 

Inabot ko ito at agad inilagay ang aking kamay sa kanyang balikat at sumiksik sa katawan nito.  

" Kung gusto mong umiyak , iiyak mo lang nandito lang ako." Bulong na wika ni Khalil.  

Nagsigbagsakan ang aking mga luha, impit na pag iyak lamang ang aking pinakawalan. Sumulyap ako sa paligid halos lahat ng estudyante sumasayaw narin kasama ng kanilang mga partner. Hindi ko na rin nakita si Shyun, siguro sumama na sa kanyang mahal na mahal na Cheska.

Pagkatapos ng sayaw, umupo rin kami agad ni Khalil dahil masakit na ang paa ko. 

" Uminom ka mona ng tubig." mahinang wika ni Khalil sa akin sabay abot ng isang basong tubig. 

Kinuha ko rin naman ito at nagpasalamat.

" Nagkausap ba kayo?" Tanong nito. 

Umiling lang ako rito. 

" Phoebeeee.."  

Napalingon ako kina Micholo na tumatakbong papalapit sa akin.

" Come on bakla , wala ng time." Nagmamadali nitong wika habang hinahawakan ang aking kamay at pinipilit akong tumayo.

  " easy Micholo, baka nakalimutan mong buntis iyang hinahawakan mo." Matigas na wika ni Khalil rito. 

"Khalil mamaya nayang sermon mo okay , Phobe kailangan monang kausapin si Shyun." Seryosong wika ni Clarice.

  Agad din naman akong tumayo at sumunod sa kanila na kung nasaan naroon si Shyun. Nadatnan ko siyang nakaupo sa may damuhan. Lumilinga linga ako wala si Cheska. 

" Shyun." Tawag ko rito. 

Napalingon din naman ito at nagulat. Tumingin tingin din ito sa paligid bago lumapit sa akin.

  " Phoebe, anong ginagawa mo rito?" Tanong nito sa akin. 

Yinakap ko agad ito at umiyak sa kanyang balikat. Kumalas ito sa aking pagkakayakap at lumayo ng kunti sa akin. Bakit ba , bakit parang may sakit akong nakakahawa para layoan niya.

  " Umalis kana Phoebe." Seryosong wika nito sa akin. 

" Ayoko, Shyun mag usap naman tayo . Ayoko ng ganito." Naiiyak kong wika rito.

" Ako rin Phoebe." Mahina nitong wika habang ng kanyang mga mata ay puno ng lungkot. 

" What do you mean?" Takang tanong ko rito.

" Sorry, pero mas pipiliin ko si Cheska ." Matigas nitong wika sa akin.

Lumapit ako rito, at hinawakan ang kanyang mukha.  " You can't do this to me , Shyun . Please., stay with me." Umiiyak kong wika rito.

Ngunit tila bingi yata ang puso't isip nito .

  " I ca..n't." Malungkot nitong wika. 

" Why?"  

" I don't love you." Matigas nitong wika sa akin. 

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang mukha at lumayo ng kunti.  " Paano iyong nangyari sa atin , Shyun ramdam kong mahal mo ako." Naiinis kong wika rito. 

Napatawa naman ito." Are you kidding? Lalaki ako Phoebe at may pangangailangan ako at saktong nasa tabi kita. Katawan mo lang ang minahal ko at hindi ang buong pagkatao mo."  

Nagulat ako sa sinabi ito. " Shy..un, what if buntis ako ?" Naiiyak kong wika rito. 

" buntis ka?" Gulat pa nitong tanong. 

" Paano nga ?" Sigaw kong wika rito." Paninindigan mo ba ako?"  

Napahawak ito sa ulo niya at tumalikod." Hindi ! Kung mabuntis kaman Phoebe , ipalaglag mo ang bata. Hindi ikaw ang pinangarap kong maging ina ng mga anak ko kundi si Cheska . Si Cheska lamang." Matigas nitong wika at naglakad palayo sa kinatatayoan ko. 

Napaupo ako sa damuhan , ngayon ramdam kona ang sakit at lungkot na ginawa niya. Iyak lang ako ng iyak nagbabakasakaling bumalik ito at yakapin ako . Ngunit wala , walang Shyun na bumalik. 

" Phoebe..!!

" Baklaa.."  

Narinig ko pa ang mga pamilyar na boses. Tumingin ako sa paligid tila tumatakbo ang lahat ng nakikita ko hanggang sa wala na akong naanigan na liwanag kundi kadiliman na lamang.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now