Kabanata 51

1.7K 67 0
                                    


" Khalil. "

Nagulat ako ng makita ko si Khalil sa lugar na ito.  

" Anong ginagawa mo rito? " Tanong nito sa akin.  

" Hinahanap ko si Shyun, Khalil. " Malungkot kong tugon.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? " 

Umiwas ito ng tingin at Tumalikod. "Follow me." Seryoso nitong sagot.

   Nagtaka man,  sinundan ko na lamang ito.  Pumasok ito sa maliit na pintuan.  Nang makapasok kami napansin kong puro silid ang nasa ka loob looban nito.

   " Khalil,  anong gagawin natin dito? " Mahina kong tanong rito.  

Bagkos sagutin ako pinagpatuloy na lamang nito ang paglalakad.  Huminto ito sa isang silid.  Sumulyap ako rito "VIP Room 612".  

Tumingin ito sa akin, puno ng pag aalala at lungkot.    " Nandito siya sa loob. " Malungkot nitong wika. 

Papasok na sana ako ng biglang bumukas ito. Lumabas ang isang lalaki galing sa loob.  Basi sa suot nito tiyak employee ito ng bar. 

" Ano po kailangan nila? " Tanong nito sa amin.

   " Ahh, nandiyan kasi sa loob ang mister ko. " Tugon ko rito. 

" Po, sino po ba kayo? " Nagtatakang tanong nito sa amin. 

" Phoebe,  Phoebe Corpuz. " Sagot ko rito.  

Nakita ko kung paano nagulat ang lalaki.

"Huh?  eh maam may pumasok po na babae akala ko po ikaw iyon. Sabi nya po kasi boyfriend niya ang nasa loob. " Naguguluhang wika ng lalaki sa amin.  

Hindi na ako sumagot at binuksan ang pintoan.  Tumambad sa akin ang maliit na sofa at transparent table.  May tv rin sa harap nito, samantala sa gilid ng sofa may many refrigerator.  Napansin kong may ibang pintuan. Tuloy tuloy akong pumasok ngunit bago ko pamang mabuksan ang silid hinawakan ni Khalil ang aking kamay.   Napaharap ako rito.

" Khalil. " 

" Wag kang padalos dalos Phoebe, kung bubuksan mo iyan siguraduhin mong panatag ang loob mo. " Seryosong wika nito sa akin. 

  Huminga ako ng malalim at unti unting binuksan ito.  Madilim ang paligid, ngunit hindi naging dahilan ito para hindi ko makita ang nangyayari sa loob.    Napapikit ako at naglandasan ang aking mga luha. Walang pag aatubiling binuksan ko ang ilaw.    Nagulat pa ang babae habang hawak hawak ang mukha ni Shyun.

  " Who are you? " inis na tanong ng babae sa akin.  She looks familiar. 

Lumapit ako sa kanila at sumulyap kay Shyun.  Walang malay itong nakahiga sa kama,  habang ang babae ay nasa gilid nito. Nakabukas ang damit ni Shyun pati na ang zipper nito.  Tumingin ako uli sa babae.  

" Ako ang dapat magtanong sa iyo iyan?  Who are you?  At sinong nagbigay karapatan sayong pagsamantalahan siya? " Galit kong wika rito.  

Tumaas pa ang kilay nito " He is my boyfriend. "

  Napairap ako, sasabunutan ko na sana ito ng mahawakan ni Khalil ang aking kamay.  

" Phoebe.."  

" Get out bitch or else I will call a police ! I SAID GET OUT!! " malakas kong bulyaw rito.  Bumangon ang babae at lumabas agad sa kwarto.    Napansin kong tumingin pa ito kay Khalil bago lisanin ang lugar. 

Agad akong Lumapit kay Shyun at hinawakan ang kanyang mukha.   

" Phoebe,  I need to go. " Wika ni Khalil.   

Tumango lamang ako rito at nagpasalamat Habang nakatingin parin kay Shyun. 

Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto at pagtahimik ng lugar.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon