47

1.8K 64 0
                                    

Kabanata 47
**Phoebe POV 

arghh!  

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pananakit ng ulo. Unti unti akong umupo sa kama habang hawak hawak parin ang ulo.

  "Shit, "  

Nakaramdam ako ng lamig at unti unti kong kinakapa ang kumot ngunit.   Napamulat ako ng mapansin kong wala kahit anong saplot ang nakatapis sa aking katawan.  Pilit kong inaala ala ang nangyari ng maramdaman kong presensiya sa gilid ko.  Unti unti kong nilingon ito at napagtanto kong may kasama akong isang lalaki. 

" Wahhhhhhh!! " 

Napasigaw ako dahilan ng pagkagising ng katabi ko.  Umupo ito kaharap ko at tinititigan ako ng mabuti.

" What the hell Phoebe,  problema mo? " Inis na wika nito sa akin.  Nakapikit pa ang isang mata nito.  

" Anong ginawa mo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.  

" WHAT? " Tila inosenteng tugon nito sa akin. 

Tumingin ito sa akin pababa at tila nagtaka at tumingin rin sa kanyang katawan na nakatapis ng kumot lamang ang nasa ibaba nito. Gulat itong tumingin sa akin.  

" Anong nangyari? " Naguguluhan nitong sabi. 

" ewan ko sayo. " Inis kong wika rito habang hinahawakan ng mahigpit ang kumot. 

" Did you? "

   " Anong did you,  Hoy Corpuz wala akong ginawa. " Singhal kong wika rito.  Parang ako pang may kasalan , ako na nga iyong nawalan. 

Napasinghap ito ng malalim. At tiningnan ang ilalim ng kumot.  

" Hey,  Hey,  Anong ginagawa mo? " Mas hinahablot ko pa ang kumot. Ayakong makita niya iyong hubad kong katawan aishh tanga Phoebe nakita na pala niya.

  " Masakit ba? " Inosente nitong tanong sa akin.

  " Anong masakit? " Tila naguguluhan kong sambat dito. 

" Iyong ano. " Ginamit niya yong nguso niya habang tumitingin sa pambaba ko.

  Namula ako ng mapagtanto ko kung anong tinutukoy niya.  Kinuha ko iyong unan at ibinato sa kanya na paka walang modo. 

" Arayy! " Nahulog pa ito sa kama.

  Bumangon ako at ika ikang naglakad papunta sa banyo.  Aishh masakit talaga.   

Binuksan ko ang Shower at ibinabad ang aking katawan sa malamig na tubig.  Gusto kong maiyak sa nangyari pero wala na akong magagawa nangyari na ang di dapat mangyari.  Sa isip isip ko ang swerto ng gagong iyon nakatikim nang presko.  Pero hindi naman siguro ako ang kauna unahang nakuha niya virgin. Napasinghap ako dahil sa sakit na nararamdam ko dumagdag pa ang sakit sa pribadong bahagi ng aking katawan.  

Matapos kong maligo binuksan ko ng kunti ang pinto at sumilip.  Wala na si Shyun tiyak umalis na iyon.  Pumunta ako sa closet at naghanap ng maisusuot.  May napansin akong isang mini skirt na may katamtamang iksi at off shoulder. Hindi na ako nag atubili pang maghanap ng iba tiyak naman kasya ito sa akin.  Pagkatapos kong magbihis tumingin ako sa salamin.  Nagulat ako, napaka sexy kong tingnan sa suot ko ngayon dagdag na tinali ko ang buhok at hinayahang maglaglagan ang buhok ko sa gilid ng aking mukha.  Mukha tuloy akong Japanese student nito hayss. 

Nagsuot narin ako ng strappy Shoes na babagay sa outfit ko ngayon. Tinitigan ko ulit ang aking postura sa salamin , Nakss ganda! Ngumiti ako sa sarili ko at tinahak ang pintuan palabas.    Habang naglalakad ako sa bodega , sumisilip silip ako sa paligid baka may makakita sa akin lagot na.  Nang wala naman akong napansin deri deritso akong naglakad palabas sa maruming bodega. 

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon