Chapter 11

2.2K 80 0
                                    


**Phoebe POV

" Kiss me ." deritsong sabi niya sa akin.

" H.. huh.." Parang nabingi yata ako at kung ano anong naririnig ko ngayon. Pakibatok nga girls..

" Ano gagawin mo na? " Ngiting tanong ni Shyun sa akin.

" Baliw ka! " Inis kong sabi sa kanya. Tatalikuran ko na sana siya ng sumigaw ng malakas ang bakulaw na nakakuha ng atensyon sa buong tao na nasa loob ng canteen. Anong trip ng lalaking ito.

" Guyss hihingi sana ako ng favor sa inyo. " Nagmamakaawang wika ni shyun sa mga estudyanteng naroon.

" Oo naman king, malakas ka sa amin eh." Malanding wika ng isang babae habang walang tigil na nagpapa cute sa lalaki. Napairap siya ng wala sa oras. Landi landi di naman maganda.

" Ano ba iyon king nang matulungan ka namin agad. " Wika ng isa pang babae na nasobraan sa make up.. Girl school to hindi bar .

" Nakikita niyo ang babaeng iyan." Wika ni Shyun sa kanila habang nakaturo ang kamay nito sa kanya. Nagsitanguan naman ang mga kausap nito habang nakatingin ng malagkit sa kanya.

" Lumapit ang babaeng iyan sa akin kanina, nakiusap siya na halikan ko siya ng magkaroon ng matibay na ebedinsya upang tantanan siya ng ex boyfriend niya. " Ngiting malapad na wika ni Shyun. Parang gusto niyang kainin na lamang siya ng lupa kaysa makipaglokohan sa lalaking ito. Bwesit! binaliktad pa ang sitwasyon. At syaka ano daw? Ex boyfriend? Nanggigil ako sa lalaking ito sarap ibaon sa lupa.

" Ohhhh so ano gusto mong magyari king? " Malanding wika ng babaeng kinulang sa tela ang suot na uniform.. Pwede pala dito iyan.

" Gusto ko sana maging audience kayo para sa amin at sana may mag vivideo para mas kapa ni paniwala na may relasyon kami." Malambing na wika ni Shyun sa kanila. Paawa effect pa ang gago..

" Ang bait mo talaga King, biro mo hahalikan at tutulungan mo pa ang babaeng iyan kahit hindi mo naman kilala." Masaya at proud na wika ng isa pang tagapaghanga ng lalaki.

Bigla na lamang huminto ang mundo ng makita niyang papalapit ng papalapit ang lalaki sa kanya kasama ang mga estudyanteng kausap nito. Gusto niyang tumakbo at iwanan ang baliw na lalaki ngunit parang may kung anong inilagay sa Kanyang paa at hindi niya maigalaw.

" Baliw kang lalaki ka ! ano naubos naba iyong mga babae mo at ako naman iyong pinagtritripan mo!" Mahina at may diin kong wika sa kanya.

" Shhhh.. Alam ko naman mag eenjoy ka. " Ngiting mapang asar na sagot ng lalaki sa kanya. Magsasalita na sana siya nang maramdaman niyang may malambot at mainit na hininga ang dumampi sa kanyang mapupulang labi. Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng sigawan ng mga tao sa loob. Ito na nangaba ang kinatatakotan niyang mangyari.

Gusto niyang itulak ang lalaki ngunit nanghihina at namamanhid ang kanyang buong katawan. Nang bumitaw ang lalaki nakita niya kung paano ngumiti ito sa kanya.

" Sweet." Huling sabi nito bago siya iniwan na nakatayo at nakatulala dahil sa nangyari.

********

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now