Chapter 82

1.9K 60 0
                                    

Shyun POV

" Makakatayo kaba? "

Napalingon ako kay Phoebe,  busy na busy ito habang nililigpit ang lahat ng gamit ko.  Ilang araw mula nang magising ako sa nakakatakot na pangyayari,  naging maayos na ang pakiramdam ko at makakalabas narin ako.  Sa bahay ko nalang tatapusin ang lahat ng treatment ko. 

Sinubukan kong tumayo ngunit masakit parin talaga. Agad lumapit si Phoebe sa akin.

" Huwag monang pilitin." wika nito sa akin.  " Hintayin natin sina mommy."

Tumango na lamang ako.  Ilang sandali dumating sina dad na may dala dalang wheelchair.  Napangiwi ako,  hindi ko na pinangarap sumakay rito. Tinulungan nila ako upang makaupo rito. 

" Ayan,  bagay na bagay. " natatawang wika ni Phoebe sa akin.  Ngumiti lang ako rito para inisin ito. Sobrang kumakabog ang puso ko. Ito na,  mahahawakan kona ulit ang mga anak ko.

Habang nakasakay kami sa kotse,  si Phoebe nakatingin lang sa labas.  Tila humahanga parin ito sa ganda ng bansa.  Hinawakan ko ang kamay nito at napalingon rin sa akin.

" Hmmp."

" Ang ganda mo kasi." ngiting wika ko.

Tumawa naman ito ng mahina at sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

" Mahal kita. " bulong ko rito.

Naramdaman ko nalang ang pagpisil nito sa aking kamay.

" Mahal din kita sobra. " mahina nitong sagot ngunit sakto lang na marinig ko.  Inilapit ko ang aking labi kanyang ulo at hinagkan ito.

Napansin kong bumibigat ang pagkakasandal ni Phoebe sa akin.  Sumulyap ako sa mukha nito at napangiti ng mapagtanto kong natutulog napala ito.  Tinititigan ko ang maganda nitong mukha.  Maswerte ako na malaman na mahal parin ako nito sa kabila ng lahat ng nangyari.

" We are here. " si dad.

Halos lumabas ang puso ko ng makita ko ang bahay nila Phoebe. 

" Wake up mahal. " hinahalikan ko ang ulo nito.

" Hmmmm. "

" Narito na tayo." agad din naman itong nagising.  Tinulungan uli nila akong makaupo sa wheelchair.  Tulak tulak ni Phoebe ang wheelchair habang papasok kami sa bahay.  Tahimik ang mansyon ng makapasok kami.

" Nasaan sila? " takang wika ni Phoebe. 

Bigla na lamang kami napalingon sa mommy ni Phoebe na may dala dalang cake.  Si daddy naman ay may hawak hawak na balloons.  Ang mga kuya ni Phoebe nakisali nalang at nagdala pa ng banner na may nakasulat na "Welcome back Mrs. And Mr. Son. Narito rin ang mga kaibigan ni Phoebe. 

" Mom. " masayang wika ni Phoebe at lumapit sa ina at hinagkan ito.

Napatingin ako sa mga kuya nito.  Tinangoan lamang ako ng mga ito.  Samantal si Rafhael nakangiti sa akin. 

" Phoebe. " Tawag ko rito.

Lumapit naman ito sa akin. " Bakit? "

" Twins. " tugon ko.

Napangiti naman ito. 

" Hello,  mommy at daddy. " Napalingom ako sa kaibigan ni Phoebe na bakla.  Dala na dala nito ang isang batang babae na kamukhang kamukha ko. Sumunod naman si Rochelle na dala dala ang batang lalaki na kamukha ko parin.  Nakita ko na ang dalawang ito ng aksidenteng nagtagpo ang aming mga landas ni Khalil ngunit isinintabi ko ang mga katanungan sa pag aakalang anak ito ni Khalil. 

Ibinaba ng dalawa ang mga bata at lumapit ki agad kay Phoebe.  Kinausap ni Phoebe ang dalawa at agad rin tumitingin sa akin ang dalawa.

" Go,  Lythan and Lythanie "

Nag aanlinlangan lumapit ang dalawa sa akin.  Nang makalapit na ang mga ito, agad kong yinakap ang dalawa.  Sobrang saya ko na mayakap ang mga batang galing sa akin.

" Why are you crying? " tanong ng anak kong babae.

Napangiti ako." Because daddy is happy."

Tumango naman ito at ngumiti sa akin.  Samantala ang lalaki naman ay nakatingin lang sa akin.

"You're our deddy? " Tanong ng anak kong lalaki.

" Yes,  I am. "

Bigla itong ibinuka ang kanyang mga kamay. Agad ko siyang kinuha at ikinandong. Ganon din ang prinsesa ko.

" Deddy, Memmy always told us that you are working in a far away. " inosenteng wika ni Lythanie.

Napalingon ako kay Phoebe at nakangiti ito habang pinagmamasdan kami.

" You'll stay now? " Si Lythan.

" Of course, para kay mommy at para sa mga baby ni daddy. "

Sobrang tuwa ng dalawa sa sinabi ko.

" Lythan, Lythanie, wag niyong pagudin si daddy niyo. " bulyaw ni Phoebe sa dalawa.

" Phoebe,  okay lang masaya ako. " ngiting wika ko rito.

Napairap naman ito.  Maldita talaga haha.

" Masaya ako. " wika ko kay Phoebe. Narito kami sa aming silid. Magkatabi at magkayakap.

" Alam ko at nararamdaman ko. " tugon nito sa akin.

" Namimiss ko na ang mga  anak ko."

Napatawa ng mahina si Phoebe. " Nasa kabilang kwarto lang ang dalawa,  miss mona agad. "

Hinalikan ko ang noo nito. " Thank you. "

" Para saan? "

Hinawakan ko ang mukha nito. " Para sa lahat.  I love you."

Napatingin si Phoebe sa akin at ngumiti. " Mahal din kita. "

Hinaplos ko ang mukha nito at inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha hanggang maglapat ang aming mga labi. 
**
A/n: Hello I'm back, so guys here it is! Enjoy reading. Sa mga laging nag ko-comment ng like if mag uud na ako pero inuulit ko sorry guys,  di talaga pwede so you need to be updated. Yun lang. 

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin