75

963 9 1
                                    

Kabanata 75
**continue..

Nagulat ako sa sinabi ni Cheska. Namumula ang mga mata nito at tila pinipigilan ang mga luha na gusto nang kumawala sa makipot nitong mata. Napatingin ako sa sugat nito.

" Hindi na kita kilala Cheska."

Natahimik ito.

" Nasaan na ang Cheskang minahal ko ng ilang taon. You changed a lot! " matigas kong wika rito.

Napatawa naman ito ng mapakla. " Shyun, ako parin ito iyong babaeng mahal mo. Mahal mo paba ako?"

Napayuko ako.

" Hindi.. "mahina nitong sagot. " Si Phoebe ba? "

Tumingin ako rito.

" Kahit hindi mona sagutin, nakikita ko sa iyong mga mata ang kasagutan. " malungkot nitong sambit.

" I'm sorry. "

" Hahaha!  Ba't ka mag so-sorry, eh sa akin ka parin naman babagsak. "

Nagtataka akong napalingon rito. " What do you mean? "   

" I can use everything Shyun even innocents people., marami na akong sinakripisyo Shyun at hindi ako papayag mawala ka. "

Sasagutin ko na sana ito ng tumunog ang aking cp. Napangiti ako ng si Phoebe ang tumawag.

" Who is it? " Inis na tanong ni Cheska.

"Its none of your business. " tugon ko rito. Pipindutin ko sana ang button ng.

"Phoebe right? Nakikinig ako Shyun,  alam mo iyan. "

Pumikit ako bago ako magsalita.

" What? " bulyaw ko ng sagutin ko ang tawag ni Phoebe. Labag mn sa kalooban ko kaylangan ko itong gawin.

" Stkk, papunta si mom sa bahay. " alam kong naiinis ito sa boses palang.

" Babe,  sino iyan. " Pag-aarteng sabat ni Cheska.

Biglang natahimik si Phoebe, siguro nagulat ito ng marinig ang boses ni Cheska.

" Fine,  magbibihis lang ako. " Naiinis kong wika ngunit nakatingin ang aking mga mata kay Cheska.

Pinatay ko ang tawag at humarap sa kanya.
" Aalis ako. "

"No, you'll stay. "

" Hindi mo ako alila Cheska. "

" Yes,  you're not. " bigla na lamang nitong nilabas ang kanyang cp. " But, may mga taong boss at ikay alipin. "

Kumuyom ang aking kamao. Kailan pa nagiging ganito si Cheska. " You can't do this to me Cheska. "

" Hahaha,  I can." pagmamayabang na sagot nito.

Umupo ako sa bakanteng kama sa unahan nito.  Mga isang oras tumawag uli si Phoebe upang ibalita na may dinner uli kami nila mom.

" Okay,  papayag ako, pero may kasama ka Shyun. Isang galaw mo lang may mangyayari kay Phoebe. Sa gabing ito kailangan hiwalayan mo siya. "

Kahit labag sa loob ko, sumunod ako sa utos nito.  Tila ako ay isang puppet na nakokontrol ni Cheska.

Nang makarating ako sa bahay nila Phoebe agad akong sinalubong nito ng matapis na ngiti. Gustuhin komang gantihan siya ngunit kailangan kong panatilin ang postura ko para sa ikabubuti niya.

"Shyun." salubong nito.

Tiningnan ko lang ito ng walang kahit expression makikita sa mukha ko.

" Come on,  hindi ako masaya na nandito ka Shyun,  ngunit titiisin kong magpanggap sa harap ni la mommy. " inis na wika nito. Nasaktan naman ako sa sinabi niya isinantabi ko nalang ang nararamdaman ko.

Tumango ako  at inakbayan siya papasok upang hindi niya mahalata na apektado ako.

" Hello son. " Si mom.

Napatingin ako kina dad,  tumango lang ang mga ito.  Tahimik lang ako habang nakikinig sa pinag-uusapan nila, ng biglang pumasok ang baby sa kanilang masayang kwentohan.

" Shyun,  Phoebe. Kailan niyo gustong magka baby? Matagal tagal narin ng nagsama kayo. " Si dad na tila excited masilayan ang magiging apo niya.

Tumikhim ako. " Soon daddy."

" darling, kwento mo naman ang pinaggagawa ni Shyun sa bahay. " malisyoso ni mom.

Tumingin si Phoebe sa akin. " Si Shyun." hinawakan nito ang pisngi ko na ikinagulat ko." Sobrang sweet nito sa akin mommy.  Kahit kailan hindi ako sinaktan nito at araw araw pinaparamdam niyang mahal niya ako. " Masaya nitong wika ngunit kabaliktaran na sinasabi ng kanyang mga mata.  Gusto kong humingi ng tawad at halikan ito pero isang galaw ko lang may mangyayari sa kanya. 

" Ohh,  ang sweet naman pala ng anak ko." kinikilig na wika ni mom.

Natahimik ako ng mag vibrate ang phone ko.
" Now! " si cheska.

Huminga ako ng malalim. " Mom, dad,  excuse me. " Hinawakan ko ang kamay ni Phoebe at kinaladkad ko palabas.

" Shyun,  aray masakit ang pagkakahawak mo. " inis nitong wika. Sorry Phoebe.

Tiningnan ko lang ito. I need to pretend! 

Bigla nitong binawi ang kanyang kamay at nakipagtitigan sa akin. "What do you want Mr. Corpuz?" Inis na tanong nito sa akin.

" Nice one Phoebe!  You are a great actress. They believe that the two of us were well together and that we could continue this lie".    Mapang-asar kong ngiti at isinandal ang aking sarili sa aking sasakyan.

Gusto kong matawa ng umasim ang mukha nito.  "Whatever Mr. Corpuz " Pagtataray nito.

Hindi ko mapigilan at napatawa ako.  Tawang totoo at hindi pagpapanggap. Lumapit ako sa kanya.

Napatingin ako sa kanyang mga labi, isa ito sa nagpapa miss ko sa kanya. " Your lips. " Wala sa sarili kong sambit.

Bigla itong lumapit at ngumiti ng mapang-asar. " Why?  Do you want to kiss me?  Are you regret now? "

Natigilan ako, muntik na. Napatingin ako sa mga gilid pansin ko ang mga tauhan ni Cheska.  " Seriously Phoebe, I'm happy that I've been with you for a few years. But lets correct the mistake now.  Mistake made by our parents. We're not for each other. I'll take back what you have supposed to be for Cheska. " Malakas kong wika marinig man lang ng mga tauhan nito.

Napatingin ako kay Phoebe ng tumahimik ito.

" Lets end this Phoebe."

" Paano pag ayoko Shyun. " Matigas na tugon nito.

" Don't force yourself on me because I will never love you. You will never be Cheska. " Huling wika ko at iniwan siya.

Nang makapasok ako sa sakyan, bigla kong sinapak ang manebela. Sa muling pagkakataon, umiyak ako dahil sa isang babae ngunit hindi dahil iniwan ako ngunit ako na ang nang-iwan.  Sorry my wife,  kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.

"Hoy brad!"

Nabalik ako sa realidad ng tapikin ako ni Karl.

" Ano?  Tinamaan kana ng alak? " natatawang wika nito.

" Stkkk. Ako pa,  laking alak to. " inubos ko ang isang alak,  at kumuha uli ng isa.

"brad, ipagpatuloy mona ang annulment paper niyo ni Phoebe,  sa tingin ko mas nakakabuti sa inyo iyon. "

Natigilan ako. F! Si Cheska ang dahilan ng lahat ng ito.

" Alam mo namang hindi ko gustong makipaghiwalay, kinokontrol ako ng babaeng iyon."

" Hahaha,  bakit mo kasi sinabi na kasal kayo,  oh ito napasubok ka tuloy. "

" Brad,  eh mas lahing satanas iyong ex ko, at nalaman lahat kaya nga narito kami diba. "

Kung hindi sana niya na laman na kasal kami ni Phoebe. Eh di okay pa! Pagod na akong maging sunod sunuran ni Cheska, ngayon oras na para kumilos ako sa sarili ko. Babawiin ko kung anong akin.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now