Chapter 13

2.1K 71 0
                                    

Chapter 13
** Third Person POV

Sa isang sulok ng kwarto may isang lalaking nakaupo. Tinitingnan ang mga larawan ng isang mangandang dalaga. Ito ang kanyang pangatlong trabaho ang bantayan ang babaeng nangangalang Phoebe. Nahinto ang kanyang pagtingin sa mga larawan nang tumunog ang telepono sa kanyang lumang lamesa.

" Boss .. Opo nagawa ko na .. Nakikilala ko na po siya ." Mahinang sabi ng lalaki sa kanyang bagong amo. Trabaho niyay sundan at tingnan ang bawat kilos ng bababe at ilayo ito sa mga taong may masamang balak dito.

" Bantayan mo siyang maigi maliwanag. " Ani ng boses sa kabilang linya. Tumango lamang ang lalaki at ibinaba ang telepono.. Isang malakas na hininga ang ipinakawalan nito makikita sa kanyang mga mata ang pagod at pangungulila ngunit mapapansin paring kung gaano kaamo ang mukha niyo. Isang lalaking ubod ng gwapo at angas na makakabighani agad ng mga dalaga.

Tumayo ang lalaki at lumapit sa bintana tinitingnan ang maliwanag na buwan na siyang nagbibigay ilaw sa kanyang buong silid. Naglandasan ang luha ng lalaki sa kanyang gwapong mukha.. Hikbi lamang ang maririnig sa buong sulok ng kwarto. Parang isang batang lalaki na nawalay sa kanyang mga magulang makikita mo sa lalaking ngayo'y nakaupo sa gilid ng bintana. Pagkatapos malabas ang nararamdaman pumasok ang lalaki sa kanyang silid at kinuha ang kahong nasa ilalim ng kama. Kinuha ang larawan ng isang batang babae na may dala dalang manika habang nakangiti .

" I miss you so much Kenny ." Mahinang bulong ng lalaki sa kanyang sarili. Pagkatapos ng isang oras na nakatitig sa maamong mukha ng bata sa larawan ibinalik ang larawan sa lumang kahon at ipinasok uli sa ilalim ng kama. Nagtungo ang lalaki sa banyo at ninamnam ang lamig ng tubig na dumadaosdos sa kanyang buong katawan. Pagkatapos ng kalahating oras ay lumabas ito at nagbihis ng itim na Jacket at tuluyang umalis sa luma at madilim na bahay.
***

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now