41

1.9K 74 1
                                    

Kabanata 41
** Phoebe POV

  " Phoebe wake up. "  

Naalimpungatan ako ng maramdaman akong may pumisil sa mukha ko.  Dinilat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang gwapong lalaking nakangiti.  Inaayos ko ang aking pagkakaupo dahil halos mahiga na ako.  Tumingin ako sa salamin okay pa naman ang ayos ng buhok ko. 

" Where are we now? " Mahina kong tanong rito. 

" look at outside. " Tugon nito at naunang lumabas.  

Tumingin ako sa labas ng sasakyan.  Tila nasagubat kami.  Pinalilibutan ng mga malalaking puno ang lugar. 

" Phoebe come here. " Paanyayang wika ni Shyun sa akin.  

Lumabas ako at tumingin sa paligid. 

  " Wow ang ganda dito Shyun". Manghang wika ko rito.  

Kay ganda ng lugar.  Nasa itaas kami ng matarik na bundok. Nakikita ko ngayon ang buong syudad dagdag pa na hindi masyadong mainit ang panahon I can feel the spirit of the wind.  

Inilatag ni Shyun ang carpet sa ilalim ng punong mangga. Nakatingin lamang ako rito at ninanamnam ang ganda ng paligid. 

" Phoebe lets it for a while after this I will show you something. "

Tumango ako rito at lumapit sa kanya.  Umupo ako sa katapat ni Shyun.  Habang kumakain nag kwekwentuhan kami sa nangyari sa amin noong mga bata pa kami.  Tawang tawa ako sa mga ikwenikwento niya.    Hindi ko alam kung pangmatagalan ba ito basta alam ko komportable akong kasama siya. 

  " Shyun malayo paba? " Naiinis kong tanong rito.  Ilang minuto narin kaming naglalakad. Hindi ko alam kung saan papunta ito.

  " Shhh ..

Huminto ato at parang may pinakikinggan. Maya maya bigla na lamang itong tumakbo kung saan.

   " Shyun wait.. " 

Hindi ko na siya nakita.  Palinga linga ako sa paligid haggang sa..   Gumalaw ang mga dahon sa unahan ko.  Nakaramdam ako ng takot at panginginig. Tila may namumuong luha sa aking mga mata.  Gusto kong tumakbo ngunit hindi ako makagalaw . Iniisip ko na baka mababangis na hayop ito at susunggaban lang ako kaagad hanggang mamatay.   

" Ahh Phoebe.. " 

Nabigla ako ng lumabas si Shyun mga damong iyon.  Gusto kong matawa dahil isang gwapo ang kinatatakutan ko at the same time gusto ko ring magalit dahil sa ginawang pananakot nito.   Gusto ko sana siyang sermonan ng biglang hinatak niya ang aking kamay at iginayak papunta sa daang tinahak niya ganina.  

Nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya. Masakit ang pagkakahigpit nito sa kamay ko. Susumbatan ko na sana ito ng huminto si Shyun at nakatitig lamang sa unahan.  Tumingin ako sa kung anong tinitingnan niya at..

   " Wow!  " 

" Ganda diba? " Ngiting wika nito.  At lumapit sa maganda at napaka linis na talon. 

Sumunod din ako dito.  Hindi ko na namalayan na naghubad ng damit si Shyun at lumusong sa malinis at malamig na tubig.  

" Phoebe halika ka. " Paanyayang wika nito.  .. 

Hindi narin ako nag dalawang isip. Hinubad ko ang sandal na suot ko at dress. Buti nalang naka short ako. Pagkatapos tumalon agad ako sa may unahan ni Shyun. 

Splashhhh..

  " Woohh..  Ang ginaw Shyun".  

" Hahaha ito pa Phoebe.. 

Para kaming batang naglalaro sa tubig.  Na puno ng halinghing ang lugar na iyon. Mga ilang oras kaming nagbabad sa tubig hanggang sa..  

" Halika na Phoebe baka magkasakit ka."  

Umahon narin ako kasabay ni Shyun.  Pagkatapos sinuot uli ang dress ngunit binitbit ko na lamang ang aking sandal. Ayokong naglalakad ng naka heels at tumulo ang basang damit ko sa may paanan .

  Pagkarating namin sa kotse agad kaming pumasok at hinanap ang mga tuwalyang dinala ni Shyun.  Kaya pala nagdala ang lalaking ito.  

" Are you okay? " Pag aalang tanong ni Shyun. 

Ngumiti lang ako rito at sumandal sa kotse.   Habang nagmamaneho si Shyun , bigla kong naisip na tanungin siya tungkol sa lugar na iyon.

   " Shyun paano mo pala nalaman ang lugar na iyon? "

Tumingin ito sa akin at ibinaling ang paningin sa pagmamaneho.  Ilang minuto pa bago ito sumagot.

  " Its my family place, Tuwing linggo pumupunta kami sa lugar na iyon upang magsaya.  Ang lugar na iyon ay puno ng ala ala,  masayang ala ala na kailanman hindi ko na maibabalik."

Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binibitawan ni Shyun.  Parang nay gusto siyang sabihin ngunit tila nahihirapan ito.  Tumango lamang ako sa kanya at ngumiti hudyat na kontento na ako sa sagot niya pero ang totoo gustong gusto ko pang magtanong. 

Dahil sa pagod nakatulog ako habang yakap yakap ang teady bear sa likod ng sasakyan.   Naramdaman kung huminto ang sasakyan.  Pagdilat ko naanigan ko ang magandang bahay namin ni Shyun. Tila nagbago ang aura sa loob ng sasakyan.  Naunang bumaba si Shyun at tumingin sa akin sa huling sandali bago pumasok sa bahay.    Napasinghap ako at bumaba sa sasakyan at pumasok narin sa loob.  

Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako upang pumunta sa kusina gusto kong uminom ng gatas. Napansin kong nakabukas ang ilaw sa veranda. Hindi ko na lamang pinansin ito at dali daling tumango sa baba...   Habang umiinom ako ng gatas ramdam kong may taong nakatayo sa likod ko.  Unti unti akong lumingon at nakita ko si Shyun na nakatayo at may hawak hawak na bote ng wine.

   " Shyun kanina kapa? "  

Tumango ito at pa suray suray na naglalakad papunta sa ref.   Halos matumba na ito kaya agad kong hinawakan ang katawan nito.

  " Shyun enough lasing ka na. "  

" Stkkk I'm okay..

  " No..  Lets go..   

Nahihirapan akong umakyat sa hagdan lalo na sa bigat niya na hindi kaya ng lakas ko.

  " Shyun malapit na wag kang susuko. " 

Nang malapit na kami sa pintuan ng kanyang silid bigla na lamang natumba ito at dahil nakahawak ako rito natumba kami pareho.  Nakapatong ako sa kanya habang ang mga labi namin ay magkadikit.  Una akong kumawala at tumayo agad. 

" I'm sorry. " Paumanhing wika ko rito.. 

Tumingin lamang ito sa akin at unti unting tumayo.  Tinulungan ko siya hanggang sa kanyang kwarto.   Nang mailagay ko siya sa kanyang kama ay kinumutan ko ito at tiningnan ang kanyang maamong mukha. 

Mga 5 minuto ang nakalipas ng maisipan kong umalis na ngunit..  

" Babe I need you.. "  

Napahinto ako sa narinig..  Babe?  Sino ang tinutukoy niya?  May babae kaba Shyun?  Kung meron man wala akong karapatang magalit ngunit bakit masakit. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang malungkot niyang mukha bago nilisan ang silid na puno ng pighati at pangungulila. 

***

A/n: Feel niyo ba na Monday ngayon?  Haistt Keep safe everyone.

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now