Chapter 23

2K 70 3
                                    


** Still Phoebe POV

" So ano plano mo girl ?" Tanong ni Rochelle sa akin. Kibit balikat nalang ang aking itinugon sa kanyang katanungan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga fans ng malanding lalaking iyon. Sa pagkakaalam ko nagkakaroon na ng labanan kontra sa Fans nila cheska at sa Fans din naming dalawa. Napatakip nalang ako sa aking mukha dahil sa maraming problemang dumarating sa buhay ko.

" Bakit hindi mo siya kausapin Phoebe, siya lang ang makakapag ayos sa gulong sinimulan niya. " Seryoso at malungkot na wika ni Clarice sa akin.

" korek ka diyan bakla. " pagsang ayong na wika ni Micholo dito. Pumikit nalang ako at ninanamnam ang malamig na hangin na tumatama sa aking buong katawan. Nandito kami sa Japanese Garden ng School nagpapahinga at nag iisip kung paano malulutas ang problemang hindi ako ang nagsimula .

Nanahimik kami ng ilang segundo bago ko napagdesisyunan na gawin ang plano na kailanman hindi ko inisip gawin.

At ngayon nakatayo ako sa isang napakalaking bahay, mansyon na to. Tumitingin tingin ako sa paligid kung may tao bang maaaring magbukas dahil wala naman akong nakitang doorbell dito. Pero laking gulat ko ng bigla itong bumukas at may nagsalita na kung saan.

" Good afternoon Miss Son welcome to the palace of Family Corpuz". Lumilinga pa ako kung sino ang nagsalita nang mapagtanto ko na hightech pala ang bahay na ito. Ang yaman ng playboy na iyon. Habang papasok ako sa bahay may sumalubong sa akin ng labing dalawang maid at binati pa ako ng mga ito. Ang weird ganito pala ang kanilang ginagawa pag may bisita sila..

" Maupo ka mona madam at ipaghahanda na namin ang iyong makakain". Wika ng isang katulong sa akin.

" Ayy hindi napo aalis rin naman ako". Ngiti at nahihiyang tugon ko rito.

" Hindi mo kailangan mahiya iha ".

Napatayo ako ng marinig ko ang boses ng isang babae. Hinanap ko ang boses na iyon ng makita ko ang isang napakagandang babae na pababa sa kanilang mamahaling hagdanan. Kay ganda niya .

" Naparito ka yata Phoebe ". Ngiting wika nito sa akin.

" Po .." hindi ko makapaniwalang wika. Kilala niya ako.

" Kay gandang bata talaga, si Shyun pa ang pinuntahan mo? " masayang tanong nito sa akin.

Napatango nalang ako sa kanya dahil wala akong maisip na isagot dito. Ba't kilala niya ako siguro dahil sa pinakalat na larawan ng lalaking iyon. Siguro nga!

" Gusto ko pa sana makasama ka ngunit may importanteng lalakarin pa ako". Malungkot na wika nito sa akin.

" Ayy okay lang po sa akin. " Nahihiyang tugon ko dito. Baka namang sabihin niya sa akin na ang feeling close ako sa kanila.

" Call me Tita Margareth okay ." Ngiting wika nito. " Tita... Marga.. reth nice to meet you po. " Kay ganda ng ina ng lalaking iyon at hindi rin nakapagtataka kung bakit ganon ka gwapo ang playboy na iyon. Napaisip tuloy ako sa ama ni Shyun siguro pang Hollywood din ang mukha ng daddy niya.

" Next time pag pumunta ka dito sabihin mo sa anak ko para naman mapa cancel ko ka agad iyong mga appointment ko at nang makapag bonding tayong dalawa". Masayang wika ni tita margareth bago ako hinalikan sa pisngi at tinahak ang pintuan palabas.

Bat parang tingin ko matagal na kaming magkakilala ngunit ngayon ko lang siya nakita .. Hindi ko na lamang inisip iyon ng mabuti at tinahak ang hagdanan patungo sa kwarto ng playboy niyang anak. Itinuro kasi ng mommy niya ang kwarto ng anak niya bago siya umalis kaya ito ako ngayon hinahanap ang silid ng lalaki. Kay dami naman kasing pintuan dito. Mga ilang minuto rin akong naghahanap at masakit narin ang pinti ko kakalakad may takong pa naman iyong school shoes ko. Nang mapagtanto kong wala akong mapapala sa kakahanap ay naisipan kung umalis ngunit napadako ang tingin ko sa isang silid. Hindi naman sa napaka pakilamera ko talaga eh no kaya lang parang hinihigop ang aking katawan papunta sa silid na iyon. Sinilip ko mona ang nasa loob dahil nakabukas naman. Pero bago paman ako makasilip ay may narinig akong kaunting ingay sa loob. Ingay ngaba oh ungol. Dahil nga sa pagiging kuryosidad ko binuksan ko ang pintuan at pinasok ang silid na iyon. Hindi naman agad ang kama ang bubungad sayo kundi para isang mini kitchen lang at may nakasabit na malaking larawan ni Shyun habag yakap yakap ang isang batang babae. Sino to?

Secretly married to Mr,Playboy _ Campus kingWhere stories live. Discover now