Chapter Thirteen: She who hates games

5.5K 485 72
                                    

-chapter thirteen-
____________________

"These three really made my stay here much more entertaining."

[Vanadey Forest, City of Gaea⁠—]

NAGPAPAHINGA KAMI ngayon pagkatapos naming maggrind for levelling up. We had to resort back in the forest and the mountains because Hex' 50000 gold house was destroyed.

I could still remember the chaos back then. Halos hindi na nakalaban pabalik ang grupo nina Diaval, the leader's name. Feyre's Thief title has a steal skill - she can steal her enemy's speed, strength or defense. Hex continued on healing them when nearing death and activating a reversal skill as a final attack. The reversal skill converted all of the health points into damage. Kahit nga ako ay kinilabutan sa dalawang iyon.

Si Hiraeth naman ay parang nakikipaglaro lang. Tanging si Keiko lang ang pinaglalaban niya at minsan ay may makikita akong baraha na lumilipad. One thing I learned about him is that his weapon are cards.

The destruction was caused by the three. Lalo na nang magskill si Keiko sa huli and she (yes, female ito) let out a fire shock wave that had a round range. Ito ang nakasira sa bahay ni Hex. At nang mamatay ang pito ay siyang pagbalik din nila sa tamang wisyo.

"Sino ba ang taong 'yon, Sol?" Feyre asked, biting on an apple. Mukhang mansanas talaga ang pusa na 'to. "Walanghiya 'yon ah. Sinira ng alaga niya ang base natin tapos mawawala lang siya na parang bula!"

Tiningnan ko ang may-ari at nakitang kalmado lang itong umiinom ng potion. Ito naman si Feyre ay parang siya pa ang nawalan ng bahay. Masama ang timpla ng mukha.

"Bakit ba sobrang affected mo?" bulong ko sa kaniya. "Bahay mo? Bahay mo?"

Mahina niya akong hinampas. "Ano ka ba, siyempre kapag wala na 'yon, kailangan nating magpatayo ng bago. Gagastos pa tayo!"

I rolled my eyes at her answer. Akala ko naman worried siya sa nangyari sa bahay. Worried pala siya dahil sa pitaka niya.

"Hex, we're really sorry about your house. Kapag nakita ko ulit si Hiraeth, I'll ask him to pay you back." sabi ko.

Mapakla siyang tumawa. "Okay lang. 50,000 gold lang naman 'yon. Haha... 50,000 gold..." naging malayo ang tingin nito. Hala.

I nudged Feyre. "Pasayahin mo nga 'yan."

She glared at me. "Bakit ako?! Ikaw na. Nagagandahan 'yan sa'yo."

"I disagree. He laughs at you more."

"Sinasabi mo bang mukha akong clown?"

Umiling ako. "I'm saying you make him happy."

Pero pwede din naman ang clown.

Her face turned scarlet. Iniwas niya ang tingin at padabog na naglakad do'n. Pagkatapos ay walang-sabi niyang inihagis ang ahas kay Hex at nawala na lang bigla. Hex looked so taken aback when he saw the snake in his lap. Nagtatanong na tumingin siya sa'kin.

"Feyre's attempt at making you laugh because you look down." paliwanag ko.

Kumunot ang noo nito. Kalaunan ay tumawa-tawa. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Where's Feyre when you need her? Sabi na ngang mapapatawa niya ito.

Hex heavily sighed after laughing. Lumapit ako at tumabi sa kaniya.

"May problema ka ba?"

"I'm already Level 25 but Priamos is still online. He's 24 already, same level as you. Hinihintay kong magoffline siya para makausap ko."

Welcome, PlayerWhere stories live. Discover now