Chapter Fifty-Four: The Guardians of Giants

4.2K 314 17
                                    

-chapter fifty-four-
____________________

"See you in game, then, Sol?"

"PUTANGINAAAA! AYOKO na!"

Malalakas ang sigaw ni Feyre habang tinatakbuhan ang isang higanteng gawa sa bato. She jumped over a rock and hide behind it, para lang lumipad ito pataas at makita siya.

"Why the fuck is this stupid giant head chasing me?!" naiiyak niyang sigaw at nadadapa pa minsan.

"Pusa! Ayusin mo! Huwag mo siyang ipatingin sa gawi namin!" sigaw pabalik ni Hex sa kaniya.

Nakatayo ako sa harap ng isang malaking bato na hinaharangan ang dating talon. Tumulong sina Hex at Priamos sa pagkuha habang si Feyre ang bahala sa higanteng bato.

"Tangina! Bakit ba kasi ako ang hinahabol nito?!"

"Kasi po ang ganda mo daw!" Minerva assured her. "Kaya nga po kami hindi pinapansin kasi po pangit kami."

"Wengya kang bata ka! Si Sol pangit?! Gusto mo ibato ko 'tong bato sa'yo?! WAH TANGINA MONG ESTUPIDONG HIGANTE KA WAG MO AKONG SUNTUKIN- AH PU-"

Minerva sighed and positioned behind me. "Napaka-reklamador talaga ni Ate Feyre..."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit nga tayo ulit nandito?"

Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin.

Yes, it all began an hour ago.

"Sa tingin niyo ba masarap din ang bear meat dito?" tanong ni Feyre habang tumutulo na ang laway sa napatay naming bear.

Hindi ito nawala kagaya ng ibang monsters. Maybe because it was a quest specialized for cooks. Kailangan na lang namin itong hiwain ngayon at mapupunta na siya sa bag namin. Si Feyre ang nakaatas sa paghiwa dahil tinulugan niya ang paghunt namin. However, panay ang tulo ng laway niya dahil sa matamis na karne.

"Yuck," nandidiring wika ni Voldmir. "Ayokong kainin 'yan."

"Hindi mo malalaman kung makakain mo 'yan o hindi," ani Hex na gumagawa ng sariling barbecue party.

May isa kaming maliit na osong nahunt din at nilagay namin under sa cooking function kaya hindi ito nawala. Sa ngayon ay bina-barbeque ito ni Hex at panay naman ang kuha nina Minerva at Priamos dito. Si Vesta ay may kinakaing isda na prinito niya. Nakuha niya ito mula sa ilog kung saan nagpraktis siya ng aiming skills.

"Is it even safe to eat bear meat?" tanong ko at kumain ng mansanas.

"Importante masarap ang kinakain, Sol!" nag-approve pa siya sa'kin habang may laway sa labi.

Ngumiwi ako. "Mabilis ka sa food poisoning."

"But bear meat really stinks," may takip ang ilong ni Voldmir.

"Like you." hindi nagpapigil si Feyre.

"Stop drooling over our quest please," tira sa kaniya ni Voldmir. "Remember what you did to our last quest? May deduction ang rewards natin dahil nilason mo ang dapat na sasagipin natin."

"Well, duh. He didn't talk or behave like an NPC kaya siyempre akala ko halimaw!"

"Tapos last last quest po hindi tayo binigyan ng reward dahil pinasabog niyo ang lugar." dagdag ni Priamos.

Itinaas ni Feyre ang kamay niya. "Oi! Bakit ako, it was Voldmir!"

"I could have controlled my powers kung hindi ako pinalakas ni Minerva!" Voldmir passed the blame.

Nanlaki ang mata ni Minerva. "Bakit parang kasalanan ko pa po? It was Kuya Hex who told me to strengthen everyone!"

"Only because Vesta said we should do it," kalmang pagpasa ni Hex ng kasalanan.

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon