Chapter Three

864 18 2
                                    

Dedicated to radzsata

Sadness

"Miss, are you okay?" Mula sa pagkakayuko ay mabilis na tiningala ni Scarlett ang pinanggalingan ng baritonong tinig ngunit bago niya mabistahan ng husto ang anyo nito ay iniabot na nito sa kanya ang isang panyo na agad na niyang tinanggap at ipinunas sa kanyang luhaang mukha.

"S-Salamat." Pasalamat niya sa garalgal na tinig habang patuloy sa pagpahid ng luha sa mukha.

Naramdaman niyang umupo ang lalaki sa duyan sa tabi niya. At kahit nananatili siyang nakayuko ay nararamdaman niya ang intensidad ng titig nito sa kanya.

Malamang na nakakaramdam ito ng awa sa kanya nang mga oras na iyon. She was really a pity, afterall. At sino bang hindi maaawa sa kanya sa pagkakataong iyon? Isang babae, umiiyak na mag-isa sa madilim na parke. Na halos parang literal na pasan-pasan ang mundo.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ng lalaki.

"You can share with me things that bother you, Miss. Handa akong makinig." Panghihikayat ng lalaki sa kanya.

Bahagya niyang ikiniling ang ulo rito ngunit hindi ito lubusang tinignan. Pinasadahan niya ng tingin gamit ang peripheral vision niya ang nahagip niyang suot ng lalaki. Puting t-shirt, itim na pantalon at rubber shoes. Nakapatong sa hita nito ang isang denim jacket.

Kahit punumpuno ng kuryosidad sa hitsura ng lalaki ay hindi na niya ito tuluyang tinignan. Bagkus ay idineretso niya ang ulo saka bahagyang tumungo. Tagus-tagusan ang tingin niya sa panyong iniabot nito sa kanya. Wala rin naman siyang maisip na sabihin bukod sa nag-aalangan siyang banggitin dito ang pasanin. He is a stranger afterall.

"Other people said that it is easier to share problems with some stranger kasi wala ka daw aalalahanin na bad reactions mula sa kanila." Narinig niyang sabi ng lalaki na marahil ay nadama ang pag-aalinlangan mula sa kanya. "All what they are going to do is to listen and give some sort of advice based on what you told them. Some say that strangers are good at that. You know, telling people some unsolicited advices but at some point are very useful." Dagdag pa nitong panghihikayat sa kanya sa palakaibigang tinig.

Kakatwa ngunit wala man lang nararamdamang takot si Scarlett sa lalaki. Marahil ay hindi talaga ito masamang tao dahil kung isa man ito, malamang na kanina pa ito may ginawang hindi maganda sa kanya. Madali lang iyon para rito dahil base sa haba ng biyas nito ay masasabi niyang malaking tao ito. Idagdag pa ang katotohanang silang dalawa lang ang tao sa naturang parke, sa oras na iyon ng gabi. Magiging napakadali para rito ang gawan siya ng hindi maganda kung talaga ngang masama itong tao ngunit hindi iyon nararamdaman ni Scarlett.

But she has no intention of telling him her problems. Para sa kanya, kabaliwan ang magsabi ng problema sa isang estranghero dahil wala naman siyang mapapala na matino mula rito. How could a stranger give an advice to something they are not aware to? By using empathy?That's the least thing she would want others to feel towards her. Isa pa, magiging mahaba pang paliwanagan para rito ang sitwasyon niya. Mas maganda nang kakaunti lang ang nakakaalam ng pinagdadaanan niya.

Ang buhay niya simula pagkabata ay parang nakabukas na libro para sa mga taong nakakakilala sa kanya. Alam kung saan ang pinanggalingan niya at kung sino siya at walang ibang ginawa ang mga iyon kundi husgahan siya. And she's tired of being judge. Sawang-sawa na siyang naririnig ang mga patutsada ng iba na hindi naman talaga siya lubos na kilala.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now