Chapter Thirty Three

949 22 2
                                    

Dedicated to user954439430811

Twisted Fate

Nang sumunod na mga araw ay naging abala si Scarlett sa pag-aasikaso ng restaurant na bubuksan niya sa Baler. It is a two-hour drive from Casiguran kaya pansamantala siyang tumutuloy sa isang hotel sa Baler.

Kasalukuyan siyang kumakain ng hapunan sa isang restaurant sa ibaba ng hotel nang biglang may lumapit sa pwesto niya.

"Mind if I join you?" Tinig ng isang babae.

Tiningala niya ito at laking gulat niya nang makita niya si Penelope. May hawak itong frappe sa isang kamay nito.

Hindi siya naniniwalang nagkataon lang ang pagtatagpo nilang iyon. Nasisiguro niyang alam na ng babae ang kinaroroonan niya. At talagang may sadya ito sa kanya.

Nagdadalawang isip siya kung kakausapin niya ito ngunit sa huli ay nagpasya na rin siyang kausapin ito. Pormal niya itong pinaupo sa kaibayong upuan.

For a while, they are just oddly staring at each other. Pinagmasdan ni Scarlett ang kaharap. Ang maganda ngunit mapagmataas na si Penelope ay nasa kanyang harap ngayon na animo isang anghel dahil walang mababakas na tapang sa mukha nito. Maamong-maamo ang mukha nito na dati-rati ay laging nakaangil sa kanya.

"Daddy's sick, Scarlett. And he wants to see you." Umpisa ni Penelope. Her voice was full of pain and agony.

But she remains stiff. Walang mababakas na kahit na anumang emosyon sa kanyang mukha.

"Daddy badly wants to see you, Scarlett. Sabi niya, gusto niyang makita at makausap ka. And I came here to convince you." Anito saka marahang inabot ang kamay niya. "And to apologize." She sincerely added. "Alam kong hindi ako naging mabuti sa'yo sa kahit saang aspeto ng buhay natin simula noong mga bata pa tayo. At alam kong hindi magiging madali sa'yo ang magpatawad. Pero hindi kami magsasawang humingi ng tawad sa'yo until you have forgiven us all." She softly added.

Bumitaw ito sa kanya saka umayos ng upo. Ibinabadya ng mukha nito ang matinding lungkot.

"Kung tutuusin, parehas lang naman tayo na pinagsinungalingan. Parehas lang tayong pinaglaruan ng tadhana. Iyon nga lang, naging masaklap ang buhay mo. And I feel sorry for that." Deklara ni Penelope. "You know how I love Dad so much. He had given me everything. He spoiled me. At ni minsan man ay hindi ko pinagdudahang hindi ko siya tunay na ama." Dagdag ni Penelope saka pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito.

She looked away. Pilit na nilalabanan ang damdamin. Tama na ang mga panahong ipinakita niya sa mga ito ang kahinaan niya. Na kahit kailan man ay hindi siya nanalo sa mga ito. Ngunit hindi sa pagkakataong ito.

"Had I known about all these earlier, hindi na sana ako nakidagdag pa sa gulo." Punumpuno ng pagsisisi ang boses nito. "But those ifs will do nothing good to us now. All we have is future. Na pwede nating baguhin." Anito saka alanganing ngumiti sa kanya. "Sana hindi pa maging huli ang lahat at mahanap mo pa rin sa puso mo ang kapatawaran. Alam kong hindi madali at maiintindihan ko kung matatagalan ang kapatawaran mo but we ate willing to wait for your acceptance." Then she leans forward. Muling inabot ang kanyang kamay. "Just please know that my apology is sincere. That is the least that I can offer you, for now." Anito saka tumayo at walang lingon likod na iniwan na siya.

Naiwan siyang napapaisip. Everybody wants her forgiveness. Sa panahong hindi niya inaasahan. Sa panahong iniisip niyang hindi na niya kailangan. But if she truly wants the peace and freedom that she is longing for, isn't this the right time to grab it? Isn't it the right time to have it? Baka sa pagkakataong ito, mahanap na niya ang bagong simula na nais niyang makamtan.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now