Chapter Four

761 21 5
                                    

Dedicated to petetekunad

Again

Itinigil muna ni Scarlett ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nakakaamoy kasi siya ng hindi maganda na nagmumula sa makina nito.  Nasa kahabaan siya ng main road at wala siyang natatanaw na malapit na talyer o kahit gasolinahan man lang.

Iniangat niya ang hood ng sasakyan. Sinilip niya ang mga parte sa loob niyon kahit na wala naman talaga siyang alam sa kung ano ang mayroon sa loob niyon. Ginamit niya ang ilaw ng cellphone upang suriin ang nasa loob dahil nagsisimula ng gumabi na at nababalot na ng dilim ang kapaligiran.

Nang wala namang makita na problema ay sumandal siya sa pinto ng kotse. Magbu-book na lang siguro siya ng grab. Iiwan na lang niya roon ang kotse at tatawag ng magtotow niyon.

Pasyado alas sais na ng gabi at magsisimula ang dinner sa mansiyon ng mga Sandoval pagpatak ng alas siyete ng gabi. Nagpatawag ang mga ito ng dinner dahil mayroon daw sasabihin si Penelope sa pamilya. At kataka-taka ang pag-iimbitang iyon ni Frederick sa kanya. Gayunpaman, bilang pagpapalugod sa mga ito ay makikisama siya sa pagkain kahit na napipilitan lang. Anong malay niya? Baka makipag-reconcile na ang mga ito sa kanya. Iyon nga lang, may malaking bahagi ng pagkatao niya ang duda sa bagay na iyon. Imposibleng lumapit ang mga ito ng gano'n-gano'n lang sa kanya.

Kasalukuyan na siyang naghahanap ng available na grab car nang mapansin ang umaatras na sasakyan papunta sa harap ng kotse niya. Tumigil ito at bumaba mula roon ang isang lalaki na biglang nagpatahip ng mabilis sa tibok ng puso ni Scarlett. It was him! The guy she met at the park that night!

And on her second look at him, mas lalo pa itong gumwapo. Nakasuot ito ng blue denim pants at gray close sweater na hindi naitago ang magandang pangangatawan nito. At animo'y bumagal ang takbo ng paligid niya habang naglalakad ang lalaki at hinahangin ang kulot nitong buhok na mabagal pang hinawi nito.

Naglalakad ito palapit sa kanya ngunit ang buong atensyon ay nasa nakabukas na hood ng kanyang sasakyan. Ni hindi rin nga siya nito sinulyapan man lang. Napalunok siya ng wala sa oras nang wala ng isang dipa ang layo nito sa kanya.

"What's the problem, Miss?" Anito na sandali lang tinapunan ng tingin ang nakabukas na parte ng sasakyan bago siya tinignan.

At nakita niya ang pagkagulat na rumehistro sa mukha nito nang marahil ay mamukhaan siya. Hindi rin siguro nito inaasahan na magkikita silang muli.

"Oh, it's you." Mabilis na sambit nito.

"H-Hi!" She managed to smile at him which he also did showing his perfectly set of white teeth with a pair of dimples on his cheeks. Na kahit na mabigote ang lalaki ay hindi niyon naitago ang naggagandahang dimples na iyon sa pisngi nito.

"Hello." He friendly said. "Anong problema?" Tanong nito.

She composed herself. Bumuntong hininga siya saka lumunok bago nagkibit balikat dito.

"Well, I am smelling something from the inside and I can't tell what it is. To be honest, I did know little things about car." Sabi niya saka muling sinindihan ang ilaw ng cellphone at inilawan ang loob niyon.

Mabilis na sinuri ng lalaki ang mga parte ng makina. At hindi maiwasan ni Scarlett na mapagmasdan ito habang may kung ano itong kinakalikot sa makina. At kung bakit ba kasi napakaswabe nito habang hinahawi ang kulot nitong buhok na nawawala sa pagkakaayos.

"Ahh, just water." Anito saka siya tiningala.

At natulala siya sa tinging ibinigay nito sa kanya.

"Ahh, Miss, do you have water?" Narinig niyang untag nito sa sandaling pagkawala niya sa sarili.

Kumurap-kurap siya bago kumilos.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now