Chapter Eight

678 24 1
                                    

Dedicated tomatasaiai

Man and Woman

Nang matapos ang munting selebrasyon ay napagpasyahan na nilang umuwi. Pagsakay pa lang ng kotse ay agad nang bumalik ang dominanteng mukha ni Andres. Seryoso nitong minaniobra ang sasakyan at walang imik na nagmaneho patungo sa bahay nito.

Sinabihan na siya nito na sa bahay na nito sila titira. Pansamantala niyang ipinaubaya kay Stacey ang townhouse niya. Ayaw niyang tuluyan iyong bakantehin lalo na't iyon ang kauna-unahan niyang naipundar. Nananatili pa rin doon ang iba niyang mga gamit.

Inihinto ni Andres ang sasakyan sa tapat ng isang modernong bahay sa loob ng isang subdibisyon. Tinitigan niya ang dalawang palapag na malaking bagay. Mula sa mga oras na iyon ay doon na siya titira kasama ang kanyang asawang si Andres.

"Pumasok ka na." Untag ni Andres sa kanya kapagkuwan.

Naguguluhang tinignan niya ito. Hindi ba ito papasok?

"I still have many works to do." Anito na ang mata ay nakatuon sa manibela. "Aasikasuhin ka nina Nana Lora habang wala ako." Malamig na sabi nito.

Napabuntung-hininga siya saka napipilitang bumaba sa kotse. Pagkababa niya ay agad nang pinasibad ni Andres ang sasakyan. Wala na siyang ibang nagawa kundi tanawin ito ng may panlulumo.

She smiled bitterly. Pati ang pagbuhat sa kanya ng kanyang groom papasok sa bahay ay hindi na rin nangyari. Ngunit ano pa nga ba ang inaasahan niya? She just dragged Andres into this kind of marriage out of her desperation. She teased him, she taunted him. At kasalanan niya kung bakit naririto siya sa ganitong sitwasyon.

Hinarap at tiningala niya ang malaking bahay. This will be their matrimonial house. Mabibigat ang paa na humakbang siya patungo sa front door. Mahaba ang pathway patungo roon kaya madaraanan niya ang malawak na bakuran sa harap ng bahay.

Kung bakit ay bigla siyang nakakita ng mga batang nagtatakbuhan doon. Naghahabulan at naghahalakhakan. At bigla ring sumungit sa kanyang balintataw ang masayang mukha ni Andres habang nakikipaglaro sa mga bata. Sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi. She saw a very happy family in her vision.

Right at that moment ay lalo pa siyang naging determinado na paibigin si Andres. Paunti-unti ay kukuhanin niya ang loob nito hanggang sa masuklian na rin nito ang pag-ibig niya. Pagsisilbihan niya ito kagaya ng ibang asawang babae. Lahat ay handa siyang gawin matugunan lang ni Andres ang pag-ibig niya rito.

Pinindot niya ang doorbell at ilang sandali pa ay pinagbuksan na siya ng isang matabang babae na higit singkwenta na ang edad. Marahil ay ito ang Nana Lora na tinutukoy ni Andres.

"Magandang hapon po, Nana Lora." Bati niya sa matanda. "Ako po si Scarlett. Ang... a-asawa po ni Andres." Alanganin niyang pakilala.

Ngumiti ang matandang babae sa kanya at buong kagalakang minasdan ang kanyang mukha.

"Kaygandang babae pala ang pinakasalan ng alaga ko." Nasisiyahang bulalas nito saka ginagap ang kanyang kamay. "Halika't pumasok ka." Anito saka siya hinila patungo sa loob ng bahay.

Napangiti na rin siya sa maayos na pagtanggap sa kanya ng matanda.

"Ibinilin ka sa'kin Andres kanina. Ang sabi niya'y ihahatid ka niya rito pagkatapos ng kasal niyo. Marami raw siyang aasikasuhing trabaho na natengga ng ilang linggo." Pahayag ng matanda nang marating na nila ang sala.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now