Chapter Twenty Nine

980 26 2
                                    

Dedicated to maryjeanluna28

The End

Imbes na bumalik sa Tagaytay ay pinilit ni Scarlett si Andres na bumalik na sa bahay nila. Mabilis namang sumang-ayon si Andres sa ideya niyang iyon at sinabi pang mas makabubuti raw iyon dahil naroroon si Nana Lora na makakatulong sa pag-agapay sa kanila.

Iyon nga lang, pagdating nila sa bahay ay siya ring pagpapaalam ng matanda dahil manganganak ang anak nito at kailangan itong tumulong sa pagbabantay. Agad nila itong pinayagan. Tutal naman ay ilang araw lang din itong mawawala.

Inihatid siya ni Andres sa kwarto. Gusto na niyang magpahinga. Naging mahaba rin ang byahe nila.

"Scarlett." Tawag ni Andres sa kanya nang makarating na sila sa kwarto. Bakas sa boses nito ang paghihirap at pag-aalala. At alam niya kung para saan ang mga iyon.

Pinilit niyang ngumiti bago humarap dito.

"I'll be fine here, Andres." Sabi niya. "Wala akong gagawin na kahit na ano." Umiiling na sabi niya. "Alam kong... masyado na 'kong nagiging pabigat sa'yo at nahihirap ka na sa sitwasyon. I'll be fine. Wala akong gagawin na kahit na ano." Magaang sabi niya.

Matamang nakatitig sa kanya si Andres. Wari'y binabasa kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

"I've harmed you enough. You've had enough. It's now time to get back to my senses." Marahang patuloy ni Scarlett saka humakbang palapit kay Andres. Nang sapat na ang distansya sa pagitan nila ay tiningala niya ang lalaki. "About the annulment," nahihirapang dagdag niya. Suddenly, her eyes went misty but she remains still. "I want you to consider it now." Aniya.

Parang natuklaw ng ahas si Andres sa kinatatayuan nito.

"After what we've been through, I don't think that we can work things out kahit gaano pa natin pilitin." Nahihirapang sabi ni Scarlett saka bumuntong hininga. "Things between us will never be easy. Nagsimula tayo sa mali at nasisiguro kong walang magiging tama kung parehas natin ikokompromiso ang mga sarili natin sa relasyong ito." Ani Scarlett.

Nahagod ni Andres ang batok saka tumingala sa kisame. Larawan ng paghihirap ang nakasaad sa mukha nito. Kinagat nito ang ibabang labi bago nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Scarlett---"

"I actually hoped for a better outcome from this marriage, Andres." Putol ni Scarlett sa sasabihin ng lalaki. "Pero tignan mo, sa loob ng isang taon, we just became miserable and our lives have been full of sufferings. Tingin mo ba, may pupuntahan pa 'to? Malabo 'di ba?" Iling niya.

Hindi makaapuhap ng sasabihin si Andres. Ayaw tanggapin ng sistema niya ang mga sinasabi ni Scarlett. At nababasa ni Scarlett ang saloobin ng lalaki.

"Alam mo naman na 'yong istorya ng buhay ko, 'di ba?" Nakangiti si Scarlett na taliwas sa talagang nararamdaman niya. "I've been through a lot of miseries and sufferings. And I don't think that I can take the next couple of years na ganoon ulit ang mangyayari." Naiiyak na sabi niya saka muling sinalubong ang tingin ni Andres. "Don't you think I've had enough, too? Will it be too much if I ask you this?" At sa huling mga katagang iyon ay tuluyan ng pumatak ang mga luha niya. Hindi na niya napigilan ang sarili.

Mabilis siyang niyakap ni Andres. Ipinaloob siya nito sa maiinit nitong bisig. Hindi siya kumawala. Bagkus, ipinikit pa niya ang kanyang mga mata.

I want to be part of your burden, Scarlett. I want to be part of your sufferings. Bulong ng binata sa sarili habang yakap-yakap si Scarlett. Seeing you like this cuts my heart into pieces. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang nahihirapan.

Napapikit din si Andres saka marahang hinaplos ang buhok ni Scarlett. Hindi na niya namalayan ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha sa mga mata niya. Basta ang nais lang niya ay ipadama sa dalaga na karamay siya nito. Na naririto siya para rito. Na handa siyang makinig sa lahat ng bagay na nagpapalungkot dito.

Tama ka. Patuloy na pag-iisip ni Andres. Lahat ay nagsimula sa pagkakamali. I've wronged you at hinayaan ko na lang ang sarili ko sa pagkakamaling iyon. Hindi na 'ko tumingin sa tama. At nalulungkot ako dahil hindi mo ipinamukha sa'kin ang mga pagkakamali kong iyon when I should be the one to blame about what happened in this marriage.

Hanggang sa tuluyan ng humagulgol si Scarlett. Lumakas ng lumakas ang mga hikbi nito. And it pierce his heart to the core.

You never know how much I wanted to start over again pero pinipigilan ako ng mga hinala ko. Pinipigilan ako ng mismong sarili ko. Parang wala akong kakayahang itama ang pagkakamali ko. Pinangungunahan ako ng takot. Pagdating sa'yo, nawawalan ako ng lakas when I want to be the source of your strength.

Nais niyang isatinig ang lahat ng iyon kay Scarlett. Gusto niyang sabihin ang mga bagay na iyon para sa asawa. Ngunit naroroon ang pagdududa niya na hindi rin tatanggapin ni Scarlett ang mga salitang iyon ngayon. She was too preoccupied by many thoughts and it will be hard for her to accept everything that he will say. At paano pa nga ba siya paniniwalaan ni Scarlett gayong wala naman siyang ibang ibinigay rito kundi pahirap at sakit ng loob.

Inilayo niya si Scarlett sa kanya. Masuyo niyang pinunasan ang luhaang mukha nito. Magaan niyang sinapo ang pisngi ng babae. Parang pinupunit ang puso niya sa nakikitang hitsura ni Scarlett.

She's so fragile but she was the toughest, too. Bakit? Dahil sa loob ng isang taon ay hindi niya ito nakitang umiyak man lang ng ganito kahit pa nga sobrang hirap na ng mga pinagdaanan nito. Hindi niya ito naringgan ng kahit na anumang daing. Hindi niya ito nakitang umayaw kahit sobrang sakit.

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at inalalayang makaupo sa ibabaw ng kama. Tumalungko siya sa harap nito at tinitigan itong mabuti.

"Please rest for now, Scarlett. Ayokong may mangyari na naman sa'yo." Masuyong saad ni Andres saka hinalikan ang noo ng asawa.

Bumuntong hininga siya bago tumayo at tuluyang lumabas ng silid na iyon. Ngunit nanatili siya sa labas ng pinto. Sumandal siya roon at ganoon na lang ang bilis na tumulo ang kanyang mga luha nang marinig niya ang muling paghagulgol ni Scarlett sa loob ng silid nito.

×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷

Ang mga babae, hangga't kaya pa, magtitiis at magtitiis 'yan. Kahit ilang beses nasaktan at natalo ng lungkot, kakayanin at kakayanin niya 'yan. And those things are her keys to be stronger than her old self. Bukod sa nagiging malakas na, natututo pa siya. Kaya minsan, nakakagawa siya ng mga desisyong kailangan na niyang piliin dahil napagod na siya, nasaktan na siya ng sobra at hindi na talaga niya kaya.

😌😌😌
Ewan ko kung saan galing 'yan! 🙄🙄🙄

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now