Chapter Sixteen

920 25 2
                                    

Dedicated toFrancineJavier530

Cold

"Nana Lora, nasaan ho si Scarlett?" Tanong ni Andres sa matanda kinabukasan.

"Naku, hijo, maagang umalis at marami raw aasikasuhin ngayon sa opisina." Saad ng matanda.

"Gano'n ho ba?" Sagot niya.

Awtomatiko siyang nakadama ng pagkadismaya. Balak niya pa naman itong yayain na lumabas ngayong araw. Nais niyang makabawi rito. Labis ang pagsisisi niya sa nangyari kahapon at gusto niyang gumawa ng paraan para makabawi sa asawa.

Papasok na lang siya marahil sa opisina at uuwi ng maaga mamaya katulad ng ginagawa ni Scarlett. Siya naman ang magyayaya rito na kumain sa labas.

Nanlulumong umakyat siya sa taas at tinungo ang master's bedroom. Sa ikalawang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pagkadismaya. Wala kasing damit pang opisina ang nakalapag sa kama. Ibig sabihin niyon ay hindi siya ipinaghanda ni Scarlett ngayon. Siguro nga'y kailangan nitong umalis ng maaga upang magtrabaho.

Malungkot siyang pumasok sa opisina. Malungkot siyang nakasandal sa upuan habang ang mga mata ay tutok na tutok sa screen ng computer niya. Naroon ang larawan nila ni Scarlett na kuha ni Mikael sa mismong araw ng kasal nila. Sinabi ni Mikael na ipinasa nga daw nito sa account niya ang litratong iyon ngunit ngayon niya lang napaglaanan ng pansin.

Isang taon na pala ang lumipas matapos ang araw ng kasal nila ni Scarlett. Isang madaliang kasal ang naganap sa pagitan nila. Walang mahabang preparasyon, walang napag-usapang plano. Isang araw lang ang lumipas at ikinasal na sila sa huwes. That very day, Scarlett already carried his name. She became Scarlett Guillermo, his wife.

But he took everything for granted. He took their marriage life for nothing. Inaksaya at binalewala niya ang isang taon ng kasal nila.

Ngayon, nagsisisi siya kung bakit hindi niya pinahalagahan lahat ng pag-aasikasong ginawa ni Scarlett para sa kanya. Kung bakit sinayang niya ang panahon na inilaan sa kanya ng asawa.

Muling pumasok sa isip niya ang sinabi ni Scarlett noong gabing umuwi siya na sobrang lasing. Ilang linggo pa ang kailangang lumipas bago niya mapagtanto na hindi lang iyon basta bulong kundi talagang pakiusap. Pakiusap ni Scarlett sa kanya habang nakayakap mula sa likuran niya.

Gusto ko lang naman, mahalin mo rin ako, eh. Ikaw na lang kasi ang inaasahan kong magmamahal sa'kin.

Paulit-ulit na pumapasok iyon sa isipan niya. Hindi lang iilang beses siyang kinain ng konsensya niya dahil sa mga katagang iyon. Lalo pa nang sabihin ni Scarlett na handa nitong gawin ang lahat para lang mahalin din niya ito.

At pinatotohanan nito ang salita. Walang araw ang lumipas na hindi siya nito inasikaso. Mula sa isusuot niyang brief, medyas, necktie, relo, suit hanggang sa gagamitin niyang panyo.

Palagi niyang dinaratnang maayos ang kwartong ginagamit niya sa loob ng study room. Linggo linggo ay bagong palit ang mga kubrekama niyon. Nang itanong niya kay Nana Lora kung ito ba ang nag-aayos ng naturang silid ay nagtaka ito. Hindi alam na ginagamit niya ang kwarto. Marahil ang alam nito ay magkatabi silang natutulog ni Scarlett. At hindi siguro nais ni Scarlett na pati ang bagay na iyon ay malaman pa ng matanda kaya ito na ang personal na nag-aasikaso.

Hindi rin pumalya si Scarlett na ipagluto siya ng almusal at hapunan kahit pa hindi naman niya pinagtutuunan ng pansin iyon. Sa tuwina ay nakaayos na ang lamesa para sa kanya.

Ngunit anong ginawa niya? Binalewala niya ang lahat ng iyon?

Isang taong pagtitiis ang ginawa ni Scarlett sa kanya. Nais lang nito na masuklian ang pagmamahal sa kanya. Ngunit hindi niya ginawa! Nabulagan siya sa pagkatao nito.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now