Chapter Thirty Two

984 20 0
                                    

Dedicated to JoyContado

Making it up

"Good morning, Ma'am." Bungad na bati sa kanya ng isa sa mga tauhan niya na si Jeth.

"Good morning din." Masayang balik niya sa tauhan.

Bahagya siyang nagulat nang mula sa ilalim ng frontdesk ay may inilabas na isang bouquet ng bulaklak si Jeth.

"May nagpapabigay po, Ma'am." Nakangiting imporma sa kanya ni Jeth.

Napanganga siya. Sa wakas, sa loob g tatlong taon niya sa islang iyon ay may nakapansin din sa kanya. Nangingiti siya sa birong iyon sa sarili.

"Sino daw?" Naiintrigang tanong niya kay Jeth.

At ganoon na lang ang panlulumo niya nang inginuso nito ang isang lalaki na nakaupo sa isang sulok sa restaurant. Si Andres. Kumaway ito sa kanya saka ngumiti.

Ang masayang awra niya ay biglang nawala. Ibinalik niya ang tingin kay Jeth na bigla ring sumeryoso ang mukha nang makita ang pagkaseryoso niya.

"Pakibalik mo na lang ito sa kanya. Kung ayaw niyang tanggapin, itapon mo sa basurahan. Kung kaya mo siyang paalisin, paalisin mo na. At sabihin mo sa kanya na 'wag na 'wag na siyang babalik dito. Kuha mo?" Dire-diretso niyang sabi sa empleyado.

Napakamot sa batok si Jeth bago alanganing tumango sa kanya. Tinanguan niya rin ito bago tuluyang tinungo ang kusina kung saan siya babati sa kanyang mga tauhan. Na kahit na mahirap gawin nang nga sandaling iyon ay pinilit niyang gawin bago niya tinungo ang opisina sa ikatlong palapag.

Pinilit niyang magtrabaho ng buong maghapon dahil marami siyang dapat asikasuhin. Lalo pa nga at plano niyang magbukas ng isa pang branch ng restaurant niya sa Baler.

Pasado alas siyete na ng gabi nang matapos siya sa lahat ng gawain niya. Pinatay na niya ang kanyang desktop saka nag-unat-unat bago tuluyang tumayo.

Tinungo niya ang kusina at hinanap doon ang kanyang assistant store manager na si Yvo. Isang binatilyo na limang taon ang kabataan sa kanya ngunit walang sawang nagpapalipad hangin sa kanya.

"Kumusta?" Kaswal na tanong niya sa binata nang makita niya ito.

Nagkibit-balikat ito habang palabas sila ng kusina.

"Mukhang nakita ko na ang dahilan kung bakit hindi mo 'ko masagot-sagot." Sabi ni Yvo.

Pinangunutan niya ito ng noo. "Huh?" Takang tanong niya.

"Ayun, oh!" Nakabusangot na turo ni Yvo sa lalaking nasa isang sulok ng resto.

Si Andres! Sa pwestong kinaroroonan nito kaninang umaga. Tumayo pa ang lalaki nang makita siya. Sa ibabaw ng lamesa nito ay ang bulaklak na galing dito kanina.

"Nadatnan ko na 'yan kaninang pagdating ko dito." Sabi ni Yvo na dumarating ng ala-una ng hapon dahil hanggang alas doce ng hating-gabi bukas ang resto niya. "Sabi ni Jeth, nauna pa raw 'yan dumating sa'yo kaninang umaga." Patuloy ni Yvo.

Napailing siya saka napatingin kay Jeth na ngumiwi sa kanya. Pinapaabot marahil nito na wala itong nagawa. Kunsabagay, hindi naman niya ito masisisi.

"Hayaan niyo na lang. 'Wag niyo ng pansinin." Aniya. "Aalis na 'ko. Ikaw na ang bahala rito." Paalam niya saka dumiretso na sa labas.

Inilalagay na niya ang mga gamit sa loob ng kotse niya nang maramdaman niya ang taong nasa likod niya. At base sa mabilis na pagtibok ng puso niya, si Andres iyon. Syempre, wala na siya sa restaurant kaya malamang sa malamang ay sundan siya nito.

"Scarlett, let us talk, please." Anito mula sa kanyang likuran.

Napipilitan siyang humarap kay Andres. Nasa mukha nito ang determinasyon na makausap siya.

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan, Andres?" Naiiritang tanong niya. "Hindi pa ba nakakaabot sa'yo ang balita? The court has finally granted out annulment. At wala akong natatandaang bagay na dapat kong ipakipag-usap sa'yo." Diretsa niyang sabi.

Biglang lumungkot ang mukha ni Andres.

"Sa tingin mo ba, masaya ako sa annulment grant na 'yon?" Malungkot nitong tanong sa kanya. "If you really think I am happy with it, then think again, Scarlett. 'Cause me, I feel totally devastated since that day happened. Since the day that you left me." Patuloy ni Andres na ikinagulo ng isip niya.

Umatras siya. Saka napangisi. Isang mukha ng hindi makapaniwala.

"I don't get it, Andres. Not at all. Not by any chance." Umiiling na sabi niya habang ikinukumpas ang mga kamay. Pilit na itinatanggi ang katotohanang sinasabi ni Andres sa kanya.

"Alam ko namang hindi ganoon kadaling paniwalaan ang mga sinasabi ko, eh. But I want you to know na kaya ako nandirito ay para magsimula tayong ulit---"

"Are you kidding?" She cuts him. "Andres," malumanay niyang sabi. "our marriage has just ended. We just had our annulment granted. Bakit ngayon mo naiisipang sabihin ang mga bagay na 'yan?" Hindi siya makapaniwala.

"Because our marriage started from a farce. And I want us to start over a clean slate. Liligawan kita. Kahit gaano katagal. And then we'll get married again." Andres said positively.

Mas lalo siyang hindi makapaniwala sa mga sinabi nito.

"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Andres?" She asked with disbelief. "If this some kind of a joke, please stop it already kasi hindi ka nakakatuwa."

"I am not joking." He cuts her off. "Give me another chance. Let me court you, let me pamper you. I am willing to do all the things that you want just please, please give me another chance." Pagmamakaawa nito.

"I don't see any significance of what you are doing right now, Andres." Siya muli ang pumutol dito. "Hindi kaya naengkanto ka sa islang 'to? Maybe it's now time for you to go back to where you truly belong." Aniya saka tuluyan ng sumakay sa sasakyan at nagmaneho pauwi.

Habang nagmamaneho ay napansin niya ang maliit na lukot na papel sa dashboard na natatandaan niyang itinapon niya roon kahapon. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang papel na iniipit ni Carlotta sa kanyang kamay. Puno ng kuryosidad na inabot niya ang papel saka dahan-dahang binuklat. Nakasaad doon ang isang kilalang pangalan ng ospital sa Maynila.

"Anak," Sabi ni Carlotta habang nakahawak sa kamay niya. "nasa ospital ngayon ang tatay mo. Matagal ka na niyang gustong makita. Gustung-gusto niyang makahingi ng tawad sa'yo, anak." Lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. "Sana... Sana, bigyan mo rin ng pagkakataon ang ama mo na makahingi ng tawad sa'yo, Scarlett, anak. Sana..." Umiiyak na pakiusap ni Carlotta sa kanya.

Nahulog tuloy siya sa malalim na pag-iisip nang maalala ang eksenang iyon.

Marahil, masyado na ngang huli para sa paghingi ng tawad ng mga ito sa kanya ngunit wala namang hinihinging panahon ang pagpapatawad. Ang kailangan lang, sinsero ang paghingi ng tawad ng isang tao at ang magbibigay ng kapatawaran ay handa na talagang magpatawad. Iyong wala na siyang kinikimkim pang sama ng loob. Mas nakakagaan pa ng dibdib kung wala ka ng pinanghahawakan pang hinanakit sa iyong puso. Mas makakapagsimula ka ng maayos. At ito na nga rin siguro ang hinihintay niyang pagkakataon para sa simulang ninanais niya.

#+#+#+#+#+#+#+#+#+#+#+#+#+#
Alright, mga bhebe labsss. Bigay ko na ulit itong isang 'to para sa inyo. 😘😘😘 Malapit na po ang ending...

Salamat po sa mga patuloy na tumatangkilik sa istoryang 'to. I am currently writing two stories. Sana po, suportahan niyo rin po ang mga iyon. 😍😍😍

Keep safe...

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now