Chapter Twenty Two

965 27 3
                                    

Dedicated to Wittynaughty09

Ending Misery

Tanghali na ng magising si Scarlett kinabukasan. Dahil halos nakatulog buong maghapon ay nahirapan na siyang matulog nang gabi. Isama pa ang samu't saring isipin na pumasok sa sistema niya. Ang mga ipinahayag ni Andres, ang kagustuhan nitong manatili silang kasal at ang pagsasabi nitong mahal siya.

Nahihirapan siyang paniwalaan ang lahat ng iyon. Hirap ang puso niya na tanggapin ang lahat ng ipinahayag ng asawa. Hindi madaling intindihin ang lahat. Sapantaha niya'y naaawa lang si Andres dahil sa mga nalaman nito tungkol sa kanya. Sinasabi lang nitong mahal siya ngunit ang totoo ay wala naman itong pag-ibig sa kanya.

Bakit? Kung sinasabi nitong noon pa siya nito mahal eh 'di sana noon pa lang ay gumawa na ito ng hakbang upang magkalapit sila. Ngunit hindi! Ni halos ayaw na nga siya nitong makita. Napakadaling umiwas kung kausapin siya. Paano siya nito mapapaniwala gayong ang itinanim nito sa kanyang pagkatao ay isa rin ito sa mga taong hindi siya kayang tanggapin. Na ang tanging alam lang ng mga ito ay ang saktan ang kanyang damdamin.

Hindi magiging madali ang lahat para sa kanya kung ganito ang ipinapahayag ng lalaki. Mahihirapan siyang umusad. Mahihirapan siyang simulan ang plano. At kapag nagkataon ay mauubusan siya ng oras. Kailangan niyang makagawa ng paraan. Kailangan niyang makaisip ng panibagong plano. Hindi siya dapat na naroroon. Wala na siyang tiwala pa na magiging maayos ang lahat dahil sa una pa lang ay may lamat na. Lamat na mahirap nang burahin. At wala siyang balak na magtiis muli. Maghintay at umasa sa wala.

Sawa na siyang maging tanga at pagod na siyang maging manhid. Kung ganito nang ganito ang mararamdaman niya ay mas nanaisin pa niyang mamatay. Nang sa gayon ay matapos na lahat ng paghihirap niya. Hindi na niya kaya pang magpaalipin sa mga hinapis at pighati. Gusto niyang bumangon ngunit walang makakagawa niyon kundi siya lang. Ngunit paano niya gagawin iyon kung nawawalan na siya ng pag-asa?

Naputol ang pag-iisip niya nang biglang pumasok si Andres sa kwarto niya. May dala na naman itong tray na may lamang pagkain. Saglit na naghinang ang mga paningin nila.

"Good morning." Masiglang bati nito ngunit ang ngiti ay hindi umabot sa mga mata. "Hindi ka kumain kagabi, Scarlett. Kumain ka ngayon." Malumanay na sabi nito nang maipatong ang tray sa mesa.

"Hindi ako nagugutom, Andres. Gusto ko'y umuwi na." Malamig na tugon ni Scarlett.

Napabuntong hininga si Andres saka naupo sa paanan ng kama. Pinakatitigan siya ng lalaki. Nakita niya ang paghihirap sa mga mata nito.

"Please, Scarlett, huwag mong gawin 'to sa sarili mo." Pakiusap ni Andres sa asawa.

She looked away. Hindi niya matatagalang tignan ang mga mata ni Andres. Nababasa niya ang lungkot at hinagpis sa mga mata nito at parang dinudurog ang puso niya. Why can't she be hard? Bakit nagpapadala pa siya sa emosyon ng lalaki? Dapat wala na siyang pakialam. Pero bakit ganoon? Nahihirapan din siya sa paghihirap na nakikita dito?

"Huwag mo 'kong intindihin, Andres. Hayaan mo na 'ko!" Malamig niyang wika. "Kung pahirapan ko man ang sarili ko, wala ka na do'n." Patuloy niya.

"I can't just let you to do that, Scarlett."

"Kaya mo, Andres. Katulad ng ginagawa mo noon." Sabi ni Scarlett na singlamig ng yelo ang tinig.

"Kung maibabalik ko lang ang panahon, Scarlett, hindi ko gagawin lahat ng ginawa ko noon." Sabi ni Andres. "But you see, we can't turn back time. All we have is the time ahead of us. Doon, pwede tayong bumawi sa mga taong mahal natin. Bumawi sa mga pagkukulang. Gawin ang mga bagay na hindi natin nagawa." Patuloy ni Andres saka bumuntong hininga. Pinakatitigan si Scarlett. Pagkatapos ay inabot nito ang isang kamay ng asawa.

Lumipat ang pagkakatingin ni Scarlett sa kamay niya na hawak-hawak ni Andres at masuyong pinipisil.

"Please know that I am so sorry for hurting you. I just don't know yet how to deal with my feelings then. Pero sana, 'wag mo 'kong pagkaitan ng pagkakataon kung naisin kong makabawi sa'yo." Pakiusap ni Andres.

Marahas na kinuha ni Scarlett ang kamay.

"I wish I can grant your wish that easily, Andres. But I guess, you're late. Too late." Malungkot na sabi ni Scarlett bago tuluyang tumayo at tinungo ang banyo.

Napipilitan naman si Andres na lisanin ang kwartong iyon upang bigyan ng pagkakataon ang dalaga na mag-isip. Kaakibat ng kanyang pag-alis ay ang sakit ng kanyang puso dahil sa mga ipinahayag ng asawa. Bagaman inaasahan na niyang mahihirapan siyang paniwalain ito ay hirap pa rin siyang tanggapin na ibang-iba na ang Scarlett na nakilala niya noon. Malayong malayo. Mas naging malungkot ito kaysa dati. Kunsabagay, ano pa ba ang inaasahan niya? Maraming tao ang yumurak sa pagkatao nito at isa na siya roon. Kaya alam niyang hindi magiging madali para kay Scarlett ang basta na lang magtiwala at maniwala.

Hanggang sa sumapit ang gabi. May kakaibang nadarama si Andres. Hindi niya mapangalan kung ano iyon. Basta't hindi siya mapakali. Para siyang ewan na kanina pa pabalik-balik sa loob ng kwarto niya. Alas diyes na ng gabi at hindi siya dalawin ng antok. Nariyang humiga siya ngunit nagpabaling-baling lang sa higaan.

Something's wrong... sabi ng instinct niya.

Nagpasya siyang puntahan si Scarlett sa kwarto nito para lamang magulat; nakatuon ang mga mata ng babae sa palad nito na punung-puno ng mga tabletas. Nang akma ng itataas ng babae ang palad patungo sa bibig ay agad niya itong pinigilan at dinaluhan.

"Scarlett!" Sigaw niya na nakapagpahinto rito.

Nagulat ito at nabitawan ang mga tabletas. Nagkalat ang mga iyon sa sahig. Nilingon siya ni Scarlett. Masama ang tingin nito sa kanya ngunit nangingilid ang mga luha sa mga mata nito. Hanggang sa pumatak ang mga iyon nang mabilisan nitong pulutin ang mga tabletas.

Dali-dali niyang dinulugan si Scarlett saka ito pinigilan at niyakap mula sa likod nito. Napaupo silang dalawa sa sahig. Nararamdaman niya ang pagpalag ng babae. Ang iyak nito ay naging hagulgol.

Siya man ay naiyak na rin sa sitwasyon nito. Umiiyak siya habang ang baba niya ay nakapatong sa balikat ng babae. Yakap-yakap niya ito beywang nito. Magkasalikop ang dalawang kamay sa tiyan ng babae.

"Scarlett, please..." Pakiusap niya rito. Na ang ipinapakiusap ay hindi maiusal dahil sa nanginginig na kalamnan.

Hanggang ngayon ay nasisindak pa rin siya sa kaalamang pumasok na sa isip ni Scarlett ang pagpapakamatay. Na kung hindi siya dumating sa tamang oras ay malamang na hindi na niya ito maaabutang...

Hindi niya maituloy ang nasa isip. Hindi niya kayang isipin ng lubusan.

"Hayaan mo na 'ko, Andres. Pagod na pagod na 'ko, eh. Hindi ko na kaya." Umiiyak na sabi ni Scarlett habang pilit na kumakawala sa kanya.

Umiling-iling siya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa.

"No, Scarlett, please..." Umiiyak din na pakiusap niya. "Hindi solusyon 'yang gagawin mo na 'yan." Paalala niya rito. "I am here, love. I am here. We'll make things right." Bulong niya.

Tumigil si Scarlett sa pagpupumiglas. Ang iyak ay naging hikbi. Kumilos si Andres saka binuhat ang asawa. Marahan niya itong ibinaba sa kama. Pagkatapos ay ginawaran niya ito ng isang magaang halik sa noo.

=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh... You are so much late, Andres... Hindi mo agad kinuha 'yong opportunity na alagaan at mahalin si Scarlett.

Hello, sahanamae👋👋👋

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now