Chapter Thirty One

1K 25 4
                                    

Dedicated to joyceyuson169

Appeasement

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Sabi ni Ava, ang sekretarya niya sa kanyang seafood restaurant.

Nagtatakang tinignan niya ang kanyang sekretarya saka kunot ang noong napabuntong-hininga. Sa loob ng tatlong taong pananatili sa islang iyon, walang sinuman ang naghanap sa kanya. Muli niyang binalingan ang kanyang sekretarya na sa dating nito ay seryoso ang taong may pakay sa kanya. Ngumiti siya kay Ava saka tumango. Tumayo siya saka lumabas ng kanyang opisina.

Itinuro sa kanya ni Ava ang taong naghahanap sa kanya. Isang matandang babaeng nakatalikod sa isang sulok ng restaurant. Nilapitan niya ang kinaroroonan ng babae at ganoon na lang ang kanyang pagkabigla nang makilala kung sino ito --- si Carlotta!

Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo at sinalubong ang kanyang tingin. Sa kabila ng halo-halong damdamin at emosyon ay pinanatili niyang blangko ang kanyang mukha. Ngunit ang kaharap ay punumpuno ng emosyon. Mababanaag ang mga iyon sa mukha nito lalong-lalo na sa mata nito na pinangingiliran ng mga luha.

Lumunok siya saka humugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi siya pwedeng magpadala sa nakikita niya sa mukha ng ina.

"Maupo ka." Aniya saka lumapit sa bakanteng upuan at naupo roon.

Tinignan niya ang babaeng nasa harap. Carlotta still looks beautiful. She must be in her fifties ngunit hindi man lang kumupas ang ganda nito. Syempre nga naman, siguradong wala itong naging konsumisyon sa buhay simula nang nawala siya sa buhay nito. Halatang napangalagaan pa rin nito ang mukha, katawan at kutis. Mukhang nagpasarap lang ito sa buhay sa mga nakalipas na taon.

Ngunit wala na ang bagsik sa mukha nito. Wala na ang anino ng kalupitan sa mga mata nito. Ang kaharap niya ngayon ay animo isang maamong tupa, isang anghel na bumaba sa lupa. Gone with the power and authoritative look, isa na itong animo'y huwarang ina.

"S-Scarlett, anak..." Nananantyang umpisa ni Carlotta sa kanya. Medyo gumagaralgal pa ang boses nito. Marahan nitong inabot ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

She stays stiff still. Hindi hinahayaang humulagpos ng tuluyan ang tunay na nararamdaman.

"A-Alam ko, malaki ang pagkakasala ko sa'yo." Dugtong nito na tuluyan nang nagpatulo ng luha nito. "Inaamin ko ang mga naging pagkukulang ko sa'yo, anak. Kung tutuusin ay hindi ako karapat-dapat na ituring na isang ina dahil hindi ko naman nagampanan ng maayos ang responsibilidad ko sa'yo bilang nanay mo." Tuluy-tuloy na sabi nito. "Alam kong kahit na anong paliwanag ang sabihin ko ay wala na ring halaga ang mga iyon dahil sa laki ng pagkakasala ko sa'yo. At hindi na rin niyon maitatama ang lahat ng masasamang nagawa ko sa'yo." Humihikbing sabi nito. "Pero maniwala ka sana sa'kin, anak, na matagal ko ng pinagsisihan ang mga nagawa ko sa'yo. Hindi ko hinihingi sa'yo na paniwalaan mo 'ko. Naparito ako upang humingi ng tawad sa'yo, anak ko. Patawarin mo 'ko." Anito na lalong humigpit sa pagkakahawak sa kamay niya. "Alam kong hindi ganoon kadali ang magpatawad, anak, ngunit handa akong hintayin ang kapatawaran mo. Sana ay mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran para sa akin." Punumpuno ng pagsisisi ang mukha nito. "At para kay Frederick, ang tatay mo." Nakikiusap na sabi nito.

At hindi niya kinaya ang puntong iyon. Hindi niya kinaya ang hinihiling nito. Mabilis siyang kumawala sa pagkakahawak nito at tumayo. Handa na siyang iwanan ito at nag-umpisa nang humakbang ngunit dahil madadaanan niya ito ay nahawakan nito ang kanyang isang kamay. Mahigpit ang pagkakahawak roon ng ina at parang may isinuksok pa sa loob ng kanyang kamay.

"Anak," Sabi nito. "nasa ospital ngayon ang tatay mo. Matagal ka na niyang gustong makita. Gustung-gusto niyang makahingi ng tawad sa'yo, anak." Lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. "Sana... Sana, bigyan mo rin ng pagkakataon ang ama mo na makahingi ng tawad sa'yo, Scarlett, anak. Sana..." Umiiyak na pakiusap nito.

Ganoon na lang ang pagpipigil niya sa sarili na huwag makisimpatya sa ina. Nagmatigas siya. Mabilis niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito at mabilis na lumayo mula rito.

She went to the parking lot at mabilis na tinungo ang kanyang sasakyan. Sa mabilisang kilos ay nakapagmaniobra siya at maya-maya pa ay tinatahak na niya ang daan palayo sa restaurant niya. She drove somewhere.

Papadilim na nang makakita siya ng isang parke. Isang walang taong parke. Inihimpil niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada at tinungo ang parke. Habang nasa entrada siya ay hindi na niya napigilang sumigaw kasabay ang halo-halong emosyon.

"Bakit?" Umpisang sigaw niya. "Bakit ngayon lang? Bakit ngayon niyo lang naisipang humingi ng tawad sa'kin?" At ang kanyang mga luha ay animo nagmula sa isang bukal na hindi nauubusan ng tubig sa pagtulo niyon. "Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan hindi ko na kailangan ang pagsisisi niyo? Bakit ngayon pa, ha? Bakit ngayon pa?" Patuloy niya sa pagsigaw at pag-iyak.

Hanggang sa mapagod siya. Napagod siya sa kakasigaw at kakaiyak. Nanghihinang naupo siya sa isang swing at sinapo niya ng dalawang palad ang kanyang mukha. Nagpatuloy siya sa pag-iyak hanggang sa wala nang ibang naririnig sa parkeng iyon kundi ang kanyang mga hikbi.

"Ngayon hindi na ako magtatanong kung okay ka ba dahil alam kong hindi." Sabi ng isang pamilyar na tinig na nagpatingala kay Scarlett.

At sa kanyang pagtingala ay nasalubong niya ang nakikisimpatyang mukha ni Andres. Hawak nito mula sa nakalahad na kamay ang isang panyo.

At mabilis na bumalik sa alaala ni Scarlett ang una nilang pagtatagpo ni Andres. Sa isang madilim na parke na walang kahit na sinong tao. Ang damdamin niya sa mga oras na iyon ay katulad din ng damdamin niya sa mismong sandaling iyon. At naroroon muli si Andres.

Subalit nang mga sandaling iyon ay hindi siya nasiyahan sa pagkakakita nilang iyon ng lalaki. Bagkus, parang lalo lamang iyong nakadagdag sa mabigat na damdamin niya. Dahil ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay para siyang pinaglalaruan ng tadhana.

Una, mula sa kung saan ay bigla na lang nagpakita ang kanyang inang si Carlotta sa kanyang restaurant. Pagkatapos ay mula rin sa kung saan ay bigla na lang din nagpakita sa kanya si Andres. Kanina ay naintindihan niya ang pakay ng ina ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya mawari kung ano ang intensyon ni Andres sa kanya.

Marahil ay natanggap na nito ang annulment grant mula sa korte at naroroon ito upang magpasalamat sa kanya. She mocks at herself. Bakit ba kung kailan handa na siyang mag-umpisa muli sa buhay niya ay saka naman nangyayari ang lahat ng ito?

Pinahid niya ang luha saka tumayo at tinalikuran si Andres. Ngunit bago siya tuluyang makahakbang ay mabilis na hinawakan ni Andres ang kanyang braso at sa isang iglap ay nakakulong na siya sa mga bisig ng lalaki. Yakap-yakap siya ni Andres ng buong higpit. Iyong tipong wala siyang balak na pakawalan.

"I want to feel your pain too, Scarlett. Let me stay beside you while you're agonizing." Maya-maya ay masuyong sabi ni Andres sa kanya habang masuyong hinahaplos ang kanyang ulo na nakayukyok sa dibdib nito. "I know that you are hurting. And everytime that you are hurting, I am hurting, too. I am completely dying inside." His voice cracked.

Ramdam na ramdam ni Scarlett ang sinseridad sa boses na iyon ni Andres. Bakit ang bilis naman yatang paniwalaan ng puso niya ang mga sinabing iyon ng lalaki? Ganoon na lang ba iyon? Pagkatapos ng lahat, tatanggapin niya na lang ng ganoon kabilis ang mga bagay?

Marahan siyang kumawala sa binata saka muling pinahid ang mga luhang tumulo sa kanyang pisngi. Matapang niyang sinalubong ang tingin na ibinibigay ni Andres sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong ginagawa mo dito, kung bakit ka narito at bakit mo ginagawa ito. Hindi ko alam kung paano mong nasabi ang lahat ng 'yan." Naguguluhang sabi niya. "And even if you'll answer me, I doubt kung tatanggapin ng isip ko because I'm damn tired." Madaliang paliwanag niya saka hinagod ang kanyang buhok. "I've had so much today. Iisipin ko na lang na hindi nangyari ang lahat ng ito ngayong araw." Aniya saka tuluyan ng lumayo.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Aba, bumalik pa talaga... 🤦🤦🤦

Ewan ko na lang sa'yo, Andres... Ang dami mong sinayang na panahon. 🙄🙄🙄

Kayo po dyan, 'wag po kayong magsayang na panahon. Vote lang po ng vote para makarami... 😅😅😅

Unbreak My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon