Chapter Twenty Eight

899 19 3
                                    

Dedicated to Rosemariecoz23

Impulsive Heart Decision

Out of anger, he decided to marry Scarlett. Ang nais niya ay parusahan ito, pagdusahin. Sa ganoong paraan ay matitigil na ito sa mga kalokohang ginagawa nito. Na sa oras na maitali niya ito ay unti-unti itong magbabago. Na mawawala na sa sistema nito ang mga maruruming gawain.

Hindi naging madali para sa kanypa ang bawat hakbang. Sa tuwina ay lagi ng nakabalakid sa isip niya ang katotohanang sumisingaw sa pagkatao nito. Lagi nang nasa isip niya ang nakaraan nito. At nahihirapan siyang tanggapin ang mga katotohanang iyon.

But he had proven himself wrong. He wronged her. Mali ang pagkakakilala niya rito. Mali ang lahat ng panghuhusgang ginawa niya kay Scarlett. Mali lahat ng impormasyong ibinigay sa kanya ni Penelope. Well, he couldn't blame Penelope for the imformation she gave him dahil wala rin itong alam sa tunay na pagkatao nito. Katulad ito ni Scarlett na naging biktima ng mga mapanlinlang na tao.

At hindi niya lubos maisip kung hanggang kailan magiging biktima si Scarlett. Kung hanggang kailan ito mabubuhay sa isang kasinungalingan. Kung hanggang kailan ito malulugmok sa putik.

He wants to make it up with her. Itama ang mga pagkakamaling ginawa niya. Gusto niyang bawiin ang mga panahong pinagdusa niya si Scarlett sa piling niya. He wants a clean slate. Magsimulang muli, silang dalawa, at ang bubuuin nilang pamilya.

He is positively looking forward in creating a future with Scarlett. Not that he feels guilty because of what he acted but, it was truly what his heart desires. Sadyang naging napakakomplikado lang ng lahat ng bagay sa paligid nila kaya nangyari ang mga bagay na iyon. Pero handa siyang bumawi. Handa siyang gawin ang lahat ng bagay mabago lang ang lahat. At sana nga ay hindi pa siya huli sa bagay na iyon.

Dahan-dahang namumbalik ang kamalayan ni Scarlett. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. She adjusts herself from the bright lights occupying the room. Hindi pa man niya lubos na naibubukas ang mga mata ay alam na niyang nasa ospital siya base sa amoy ng paligid.

Napangiti siya sa sarili. Isang nakakalokong ngiti. Her suicidal attempt failed. Bakit ganoon? Bakit hindi siya mamatay-matay? Gusto lang naman niyang makawala sa impyernong kinalulugmukan niya. Gusto lang naman niyang matapos ang paghihirap niya. Gusto lang naman niyang mawala ang lahat ng pighati at sakit. Pero bakit parang pati iyon ay ipinagkakait ng langit?

Tuluyan niyang iminulat ang mata at iniikot ang mukha sa paligid. Ang nag-aalalang mukha ni Andres ang agad na bumungad sa kanya nang mapansin ang paggalaw niya.

"Oh, god, Scarlett. You're awake!" Awtomatikong sabi nito saka sinapo ang magkabila niyang pisngi at hinalikan pa siya sa kanyang noo.

She wanted to feel his kiss but she failed. Wala siyang naramdaman sa halik na iyon. Bagkus, parang lalo lamang siyang nanghina. Parang lalo lamang siyang nakaramdam ng panlulumo.

Lumayo si Andres saka may pinindot na buzzer na nakadikit sa pader. Nakailang pindot ito roon. Siya naman ay tinignan ang kanyang pulupulsuhan kung saan natatakpan iyon ng benda. Tinignan niya rin ang iba't-ibang mga kableng nakadikit sa kanyang katawan. She was indeed alive but doesn't know if she'll consider that as a blessing or a curse.

Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyon ang isang nurse na agad na ngumiti sa kanya but she was too empty to smile back at her. Hindi nawala ang ngiti nito hanggang sa nakalapit na sa kanya.

"Kumusta po ang pakiramdam niyo, Miss?" Masayang tanong nito sa kanya.

She forced a little smile in her lips and slowly nod at her.

Kinuha nito ang presyon ng kanyang dugo at kung anu-ano pa ang tinignan sa mga aparatong nasa gilid niya. Pagkatapos niyon ay muli itong ngumiti sa kanya.

"Stable naman po lahat ng vital signs niyo, Miss. Sasabihin ko lang po ito sa doktor para maabisuhan ang paglabas ninyo." Pagbibigay-alam nito sa kanila.

Muli ay tumango lang siya. Sinundan niya ang papalayong bulto ng nurse hanggang sa makalabas na ito sa silid. Nang mawala na ito ay bumuntong hininga siya saka yumuko. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang mainit na palad na bumalot sa isa niyang palad.

"Scarlett..." Halos pabulong na sabi ni Andres.

Tinignan niya ang kamay niyang hawak ni Andres. Pinakiramdam niya ang sarili. Napapailing siya sa loob. Dahan-dahan niyang tiningala si Andres. Sinalubong niya ang mga tingin nito. Kitang-kita niya ang lungkot at pagsisisi sa mga mata ng asawa.

These were all her fault. Dinamay niya sa magulo niyang buhay si Andres. Masyado siyang naging bilib sa sarili kahit wala naman talaga siyang kayang patunayan.

Pinilit niyang ngumiti kay Andres. A smile of reassurance though it doesn't reaches out her sad eyes.

"I'm fine, Andres." Sabi niya.

Nakita niya ang pagbuka ng bibig ni Andres ngunit dahil sa muling pagyuko niya ay pinili na lang nito na huwag magsalita.

"Pwede na daw po kayong lumabas, Mrs. Guillermo." Anunsyo ng nurse nang makabalik sa kwarto niya.

Pinakatitigan niya ang nurse. It was actually the first time that she was address by Mrs. Guillermo. Isang taon na ang lumipas ngunit hindi niya narinig ang mga katagang iyon sa trabaho man o personal na buhay. Well, she was a nobody, afterall.

"Aayusin ko ang bills." Narinig niyang saad ni Andres ngunit hindi siya nag-abalang tignan ito ngunit naramdaman niya ang pag-aatubili nito na bitawan ang kanyang kamay kaya siya na ang bumawi ng kamay mula rito.

Naunang lumabas ng kwarto ang nurse at napipilitang sumunod si Andres dito. Naiwan siya sa kwartong iyon na may malayong nilalakbay ang pag-iisip.

She has to decide. Decide onto something that will change the flow of her life. Masyado na siyang maraming maling desisyon sa buhay at kailangan niyang makagawa ng desisyon na sa tingin niya ay magpapatama sa lahat.

Marahan siyang sumandal sa headboard ng kama. She has to think fast. Hindi maaaring maging ganito na lang ang lahat. Kailangang may mabago. Kailangang may mangyaring angkop sa magiging desisyon niya. Iyong wala siyang pagsisisihan sa huli lalo na at sa kanya naman nagsimula ang lahat ng problemang ito.

=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷
(10/04/20)
It took me almost a month to be able to continue writing a scene for this chapter. Ang hirap mangapa at humugot ng mga eksena. Idagdag pa ang mga problemang hindi maiiwasang dumating sa buhay natin.

Five days ago, I started writing a new story titled "Chasing Pavements". For 3 consecutive days, I've already done ten chapters. If I were to write a short story pala, I will be able to finish it within 3 days. Hindi ko lang alam kung pasok ba 'yon sa standard ng mga publishing house. You know, their deadlines of submission. Ahahaha. I keep on challenging myself when it comes to writing but I always end up failing kasi hindi ko nasusunod 'yong standards na binubuo ko. But, I will still try harder. Give my best for my works. And always be inspired by my readers.

Hello kay SheaneCagitla who wrote a comment today, September 25, 2020, saying that she's a new fan! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko matutukan ngayong araw ang istorya na 'to. I atleast able to finish this chapter because of her. Sa mga walang sawang nag-aabang ng updates, I truly appreciate it na may nagbabasa agad kapag nakapag-update ako. 'Wag po sana kayong magsasawa at mapapagod dahil sa inyo nakasalalay ang pagsusulat ko.

Love lots,
Bhebe Cheekay

P.S. Present time na po 'yong scene sa taas.

Unbreak My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon