Chapter Thirty Eight

1.1K 24 10
                                    

Dedicated to brinthethan

Te Quierro, Querida

Everything went fine with the relationship between Andres and Scarlett. It was official, nagkabalikan sila. Iyon nga lang, hindi bilang mag-asawa kundi bilang magnobyo. Naninirahan pa rin si Scarlett sa Aurora habang si Andres naman ay linggo-linggong umuwi sa bahay ng nobya. They will spend their weekends together by travelling to places they want to go. They are establishing a good foundation for their relationship. At sa smooth sailing na relasyon nila sa loob ng anim na buwan ay walang paglagyan ang kasiyahan sa puso ni Scarlett. Gayundin sa binata na hindi tumitigil sa panliligaw sa kanya. Lagi itong may pasabog at pampakilig na inihahanda sa tuwing magkikita sila.

Katulad na lamang noong nakaraang linggo kung saan may inabot itong sobre sa kanya na naglalaman ng travel ticket nila patungo sa Cappadocia, Turkey. Iyon daw ang regalo ng nobyo sa kaarawan niya. At ngayon nga ay ang unang araw nila sa nasabing lugar.

Gabi na nang makarating sila sa destinasyon. Mabuti na lamang at mayroon na silang na-book na hotel sa Sultan Cave Suites. At napakaganda ng lugar dahil nakatayo ito sa ibabaw ng isang burol. The rooms are perfectly carved giving the cave ambiance inside the suites which is equipped with modern amenities. Kung nakakamangha na ang silid ay mas nakakamangha ang labas dahil para ka nitong dinala sa unang panahon. At dahil nakatayo ito sa isang burol ay makakakita ang mga panauhin ng isang malawak at magandang tanawin.

"Happiest birthday, love." Bati ni Andres sa natutulog na si Scarlett bago niya ito siniil ng halik.

Kahit inaantok ay pinilit ni Scarlett ngumiti kahit nakapikit at ipinulupot ang mga braso sa batok ni Andres at ginantihan ito ng halik.

"Thank you, love." Pasalamat niya. "I am indeed the happiest." Sabi niya saka tinignan ang nobyo. "Anong oras na ba?" Tanong ni Scarlett.

Sandaling tinignan ni Andres ang relong pambisig.

"It is now 12:03 here in Turkey and 5:03 in the Philippines." Eksaktong pahayag ni Andres. "I want to be the first person to greet you, querida." Malambing na sabi ng lalaki.

She made a face upong hearing the endearment he used.

"That endearment again. You used to call me that noong nagsasama pa tayo." Malungkot niyang saad.

Kumunot ang noo ni Andres.

"What's wrong with that?" Nababahalang tanong nito sa kanya. "Querida is a spanish word that when translated to english language, it means, dear." Paliwanag ni Andres.

Tumaas ang kilay ni Scarlett.

"We are living in the Philippines. You should know that kerida in our country means someone who is having an affair to an already committed person. Sa madaling salita, kabit. And you made me feel one. Lalo na nga at pumasok ako sa relasyon niyo ni Penelope." Himutok ni Scarlett.

And he was sorry upon hearing her side.

"I'm sorry." Sinserong saad niya saka hinaplos-haplos ang pisngi ng nobya. "How can I make it up to you?" Napapaisip na sabi niya.

Ngumiti naman si Scarlett saka lalo pang diniinan ang pagkakayapos sa batok ng nobyo.

"A kiss will do." Masayang sabi niya.

Napangiti din si Andres. "You know you don't have to ask because I will gladly obliged." Saad nito bago siya siniil ng isang marubdob na halik.

Pagkatapos ng ilang sandali ay pinutol na rin ni Andres ang halik.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now