Chapter Twenty Four

926 26 0
                                    

Dedicated to laradyngrey

How my heart beats

Tinitigan ni Andres ang natutulog na mukha ni Scarlett. Taglay pa rin nito ang isang malungkot na mukha katulad nang una niyang nasilayan. Ngayon niya pilit na inaalala sa kanyang isipan kung kailan niya ba nakitang masaya si Scarlett? Nagkaroon ba ito ng pagkakataong ngumiti? Mayroon ba sa buhay nito na pinalaya nito ang sarili mula sa kalungkutan?

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito.

Tinatahak na ni Andres ang daan patungo sa mansiyon ng mga Sandoval. Inimbitahan siya ni Paloma, ina ng kanyang nobyang si Penelope upang saluhan ang mga ito sa hapunan. Habang nasa biyahe ay may nakita siyang kotse na nakahinto sa gilid ng kalsada. Nilagpasan niya iyon ngunit nang tumingin siya sa rearview mirror ng kotse niya ay nakita niya ang nakataas na hood ng sasakyang nakatigil sa gilid ng kalsada. Napansin din niya ang babaeng nakasandal sa kotse ng pinto na may-ari siguro ng sasakyan. Maaari naman niyang ignorahin ang kung sinumang nasiraan sa daan ngunit hindi ang isang babae sa ganitong oras ng gabi.

Iginilid niya ang sasakyan saka iyon iniatras patungo sa nakahintong sasakyan. Dali-dali siyang bumaba ng kanyang sasakyan at tuluyang nilapitan ang sasakyang puntirya.

"What's the problem, Miss?" Bungad niya sa babae na ang pansin ay sa nakabukas na hood ng sasakyan. Matapos ang mabilisang inspeksyon ay saka niya lang tuluyang hinarap ang babae para lamang magulat.

It was her! The woman he met at the park!

At nakita niya ang pagkagulat sa magandang mukha nito nang marahil ay makilala siya.

"Oh, it's you." Mabilis niyang sambit sa babae.

"H-Hi!" She managed to shyly smile at him and he smiled back at her.

"Hello." He friendly said. "Anong problema?" Tanong niya.

He noticed how he composed herself. Bumuntong hininga ang babae saka lumunok bago nagkibit balikat sa kanya.

"Well, I am smelling something from the inside and I can't tell what it is." Sabi ng babae saka sinindihan ang ilaw ng cellphone nito at inilawan ang loob niyon.

Mabilis niyang sinuri ang mga parte ng makina ng sasakyan ng babae. At wala naman siyang nakitang problema sa sasakyan nito maliban sa nakulangan ito ng tubig.

"Ahh, just water." Aniya saka sinulyapan ang babae.

Nakita niya ang pagkatulala ng magandang babae.

"Ahh, Miss, do you have water?" Untag niya sa pagkawala nito.

Kumurap-kurap ito bago tuluyang kumilos.

"O-Oh, yes!" Nauutal nitong sagot. "S-Sorry! Just a sec." Anito saka mabilis na pumunta sa compartment at kinuha mula roon ang isang galon at iniabot sa kanya.

Sa pag-abot nito ng galon sa kanya ay hindi sinasadyang bahagyang magdaiti ang kanilang mga daliri. Kung hindi niya agad nahawakan ang galon ay maaari niyang mabitawan iyon dahil sa mabilis na pagdaloy ng kuryente sa kanyang mga himaymay. Sandali niyang sinulyapan ang mukha ng babae na katulad niya ay sandali ring natigilan.

Unbreak My HeartHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin