Chapter Thirty Six

944 24 7
                                    

Dedicated to LynPanaglima

Treasured in many ways

Hindi alam ni Scarlett kung pinaglalaruan sila ng tadhana ni Andres ngunit ang dadaluhan niyang seminar ay siya rin palang event na dadaluhan din ni Andres. Isa sila sa mga guest speaker ng business seminar na iyon. Kung suswertehin pa nga siya ay sa iisang table sila nakapwesto ni Andres kasama ang iba pang mga bisita sa seminar na iyon. At magkatabi pa talaga sila ng upuan ni Andres.

Ang mas lalo pang nakadagdag sa pagkabalisang nadarama niya sa mga oras na iyon ay ang pangalan niya. Mrs. Scarlett S. Guillermo. Dahil sa sobra siyang abala sa isa pang bubuksang restaurant, idagdag pa ang mga nangyari sa nakalipas na linggo ay nawala na sa isip niyang ipabago ang pangalan niya sa imbitasyon. Kunsabagay ay mahigit isang buwan nang naipadala sa kanya ang imbitasyon na iyon at nang mga panahong iyon ay hindi pa pormal na naibababa ng hukuman ang pagkawalang bisa ng kasal nila ni Andres.

Lumapit sa kinaroroonan nila ang nag-imbita sa kanila sa event na iyon; si Mr. Chen Licauco. A successful chinese-filipino businessman whose aim is to gain more invetors and help those small businessmen be known in the industry. Nauna nitong binati ang iba pang kasama nila sa lamesa bago tuluyang lumapit sa kanila..

"Hello, Mr. and Mrs. Guillermo!" Bati nito na parehas nilang ikinabigla. Mabilis pa silang nagkatinginan. "Oh, no, no, no. I'm sorry. I don't mean anything. What am I saying?" Mabilis na bawi ni Mr. Licauco. "Good evening, Mr. Guillermo." Pormal na sabi nito saka inilahad ang kamay na tinanggap ni Andres na mabilis ding nakabawi.

"Magandang gabi din sa'yo, Mr. Licauco." Nakangiting bati ni Andres dito.

"Good evening, Mrs. Guillermo." Baling nito sa kanya na magalang niyang nginitian.

They had a little chitchat before the seminar actually started. Hindi lang sila ang naging mga panauhing pandangal sa gabing iyon kundi marami pang iba. Makalipas ang humigit-kumulang tatlong oras ay natapos na ang seminar. Bigla rin kasing sumama ang pakiramdam ni Scarlett sa bandang huli ng event. Mabuti na lamang at sadyang nay nakalaan ng mga hotel suite para sa mga guest speaker sa hotel na pinagdausan ng seminar.

Hindi na siya nag-abala pang magpaalam kay Andres na abalang nakikipag-usap sa mga bago nitong kakilala. Magpapasalamat na lang siya dito sa susunod na pagkikita nila. Sa ngayon, ang nais niya ay makapagpahinga.

Tinungo na niya ang silid na inookupa at mabilis na pumailalim sa maligamgam na tubig. Makakabawas din iyon sa mabigat niyang pakiramdam kahit sandali lang. Pagkatapos ay isinuot niya ang roba at pinunasan ng tuwalya ang basa niyang buhok. Habang ginagawa iyon ay kinalkal niya ang bag para sa gamot na maaari niyang inumin. Habang binabasa ang mga gamot na mayroon siya ay may kumatok sa pinto ng silid niya. Hindi na siya nag-isip pa kung sino ang kumatok kaya naman nang makitang si Andres ang nasa harap ng pinto ay bahagya pa siyang nagulat. Bitbit nito ang tray na may lamang pagkain.

She wanted to roll her eyes exaggerately because this scene reminds her of some stupid stuff she did way back but she stops herself.

"Napansin kong hindi ka masyadong nakakain kanina, kaya heto, pinagdala kita ng pagkain." Kaswal na sabi ni Andres sa kanya.

She sighed.

Hindi ba't ganito rin ang sinabi ni Andres noong kinatok din nito ang silid niya sa hotel? Hindi niya alam kung tadhana ba ang may problema o ginagamit na rin talaga ng lalaking ito ang bawat pagkakataong makita.

She holds herself. Maraming nagawa ang lalaki para sa kanya. Being generous is the least she can do to him in return.

"Actually, I'm not feeling well. Pinilit ko lang talagang tapusin 'yong event." Makatotohanang saad niya saka inabot mula kay Andres ang tray. Nawalan iyon ng balanse kaya mabilis na nakakapit sa kanya si Andres.

"Mainit ka, ah." Puna nito sa kanya. At ang mukha nito ay kababakasan ng pag-aalala.

And she was not even aware of her temperature. Tuluyan niyang kinuha ang tray mula rito at pumasok na sa loob.

"I'll be fine. May gamot naman akong maiinom d'yan." Sabi niya nang makatalikod dito.

"Where are your meds then?" Tanong nito na sumunod pala sa kanya.

Nilapitan nito ang mga nagkalat na gamot sa ibabaw ng kama at inisa-isang binasa ang mga iyon. Nagbukas ito ng isa saka lumapit sa kanya.

"Take this now." He said hastily. As if panicking saka inabot ang tubig na nasa baso.

Tinanggap niya ang gamot at dinala iyon sa kanyang bibig. Gayundin ang tubig.

"I'll be fine in a minute now. Pwede mo na 'kong iwan." Sabi niya sa lalaki.

Nasa mukha nito ang pagtutol ngunit may ilang sandali itong hindi nagsalita upang kumontra. Wari'y nag-iisip. Siguradong naglalaban ang kalooban nito.

"Pero paano ka?" Kapagkuwan ay sabi nito. "Paano kung hindi bumuti ang lagay mo sa buong magdamag?" Pag-aalala nito.

She drily smiles at him.

"Andres," malumanay niyang sabi. "buong buhay ko halos mag-isa lang ako. Bata pa lang ako, wala ng nag-aalaga sa'kin. Ngayon ko pa ba hindi kayang alagaan ang sarili ko?" Panunuya niya.

Nabanaag niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng binata. Marahil ay tinamaan sa sinabi niya.

Napabuntong hininga siya.

"Oh, para sa ikapapanatag ng loob mo," aniya. "I'll be fine, okay. Kaya kong alagaan ang sarili ko. There's no need to worry." Sabi niya then forced a smile.

Humugot din ng malalim na buntong hininga ang lalaki. Senyales ng pagsuko.

"Fine." Anito saka muling lumapit sa kama at kinuha roon ang cellphone niya.

Dahil wala namang password ang kanyang cellphone ay mabilis iyong nabuksan ng lalaki. At mabilis na ibinadya ng mukha nito ang isang emosyong hindi niya mapangalanan. At ang emosyong iyon ay dahil sa pagkakakita nito sa wallpaper ng cellphone niya. Silang dalawa iyon. Noong araw ng kasal nila na kuha ng kaibigan nito. Hindi niya pa iyon napalitan mula pa noon at hindi pa rin sumasagi sa isip niya na palitan iyon.

Mataman siyang tinitigan ni Andres. Bigla ay nawalan ng kulay ang mukha niya. Parang bigla siyang nanlambot. Kung bakit ba naman kasi hindi niya pa naiisipang palitan iyon gayong nahatulan na ng korte ang hiwalayan nila.

Ibinalik ni Andres ang atensyon sa cellphone ni Scarlett at pinindot doon ang numero niya na isesave niya sana para sabihin kay Scarlett na tawagan siya nito kapag hindi bumuti ang lagay nito. Ngunit hindi na pala niya iyon kailangan dahil naroroon pa ang numero niya. At ang pangalang nakasave doon ay "❤️Asawa Ko❤️".

He tried his best not to laugh because of the joy he instantly felt. Mula sa wallpaper nilang dalawa at sa numero niya sa cellphone ni Scarlett ay nakadama siya ng pag-asa.

At hindi na siya nakatiis. Sa sobrang tuwa ay mabilis niyang nilapitan si Scarlett at inangkin ang mga labi nito. Siniil niya ito ng isang marubdob na halik. Halik na matagal na niyang gustong maramdaman at maiparamdam kay Scarlett. Naramdaman niya ang paglaya ng sarili mula sa matagal na panahong pagkakasikil niya rito.

Hindi agad nakakilos si Scarlett dahil sa isang mabilis na akto ay nasakop na ni Andres ang kanyang mga labi. At hindi niya alam kung dahil ba masama ang pakiramdam niya o dahil lang sa sadyang marupok siya ay hindi niya mapaglabanan si Andres. Bagkus, tinugon niya pa ang mga halik nito. Parang may sariling pag-iisip ang mga braso niyang pumulupot sa batok ng binata.

~°•°~°•°~°•°~°•°~°•°~°•°~°•°~°•°~°•°~

Ang rupok mo, ate ghorlll!!!

Sarap mong kurutin sa singit... Lantong, eh

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now