Chapter Eleven

722 23 3
                                    

Dedicated tocarlosheaven

In Love?

Katulad nga ng inaasahan ni Scarlett ay hindi na naman natulog sa kwarto nila si Andres. Dismayado na naman siya sa buong magdamag ng ikalawang gabi nila bilang mag-asawa. Gayunpaman ay bumangon pa rin siya ng maaga upang gawin ang responsibilidad nuya bilang asawa ni Andres. Una niyang inihanda ang susuotin nito bago siya bumaba at nagluto ng almusal.

Saktong inilalapag na niya ang mga naluto ng bumaba si Andres ng hagdan. Sa pangalawang pagkakataon, nadismaya na naman siya na hindi nito suot ang damit na inilabas niya. Pinilit niyang isinantabi ang disappointment na naramdaman. Binati niya pa rin ang asawa saka ito taos pusong nginitian.

"G-Good morning..." Aniya sa pinasiglang boses.

Sandali lang siya nitong tinignan dahil abala ito sa pagsusuot ng relo.

"K-Kain ka na." Yaya niya sa asawa saka inayos ang plato at kutsara sa mesa.

"Hindi na. Kailangan ko ng umalis, eh." Sagot nito.

Lumapit siya rito.

"G-Gusto mo, ipagbaon kita? Para makakain ka sa opisina pagkadating mo do'n." Suhestiyon niya.

"Don't tire yourself, querida." Diretsang sabi nito sa kanya. "I can suffice for a food." Dagdag nito saka siya iniwanan.

Kerida, kerida, kerida. Kailan siya nito ituturing na asawa?

Hinabol niya ito sa bandang pintuan.

"A-Anong gusto mo para sa hapunan? Ipagluluto kita." Masayang tanong niya rito.

"Ako na ang bahala sa sarili ko, Scarlett." Lantarang sagot nito.

Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa.

Hinubad niya ang apron saka ipinatong sa counter. Nalingunan niya si Nana Lora na puno ng simpatya ang mukha. Siguradong nalulungkot para sa kanya. Pinilit niyang ngumiti rito.

"A-Asikasuhin ko na ho ang sarili ko, Nana." Aniya saka umalis nang tumango ang ginang.

Hindi niya mapigilan ang mapaluha nang pumasok siya sa loob ng silid. Ni hindi man lang nagalaw ang inihanda niyang damit sa ibabaw ng kama. Naupo siya sa tabi niyon saka iyon hinawakan at umiiyak na niyakap.

"Gusto ko lang namang mahalin din ako, Andres, eh. Hindi ba pwede 'yon?" Aniya na puno ng habag sa sarili.

Maga pa ang mga mata niya nang pumasok sa opisina. Ang matalik niyang kaibigang si Stacey ay agad na naglaan ng oras para sa kanya upang pakinggan ang hinaing niya. Matiyaga siya nitong inintindi at pinayuhan. Malipas ang ilang sandali ay nakalma na ang kanyang kalooban sa tulong ng kaibigan.

"Siya nga pala, sinend ko na sa account mo 'yong picture niyong mag-asawa. Nakita mo na ba?" Sabi ni Stacey kapagkuwan.

"H-Hindi pa." Pagtatapat niya.

Masyado siyang okupado nitong mga nakaraang araw para bisitahin pa ang account niya.

"Hay naku," anito saka tumayo at nilapitan ang mesa nito. Kinuha nito ang cellphone sa ibabaw ng mesa. "Eto, oh. Ang ganda ng kuha niyong mag-asawa." Sabi nito nang makalapit na sa kanya.

Ipinakita nito sa kanya ang kuha nito noong nasa labas sila ng munisipyo ni Andres at pinilit silang kuhanan ni Mikael.

Nangiti siya sa ipinakita ng kaibigan. Maganda ang kuha nila ni Andres rito. Inilipat ni Stacey ang larawan sa susunod na litrato. Ang kuhang ito ay ang pagkakataon kung saan nagkatinginan sila ni Andres. Nakatingala siya rito habang ito ay nakatungo sa kanya.

"Alam mo, Scarlett, mas gusto ko pa ang candid shot niyo na 'to kaysa 'yong nakatingin kayo sa camera." Pahayag ni Stacey. "Kasi, dito, parang iba 'yong tingin sa'yo ni Andres. Alam mo 'yon? I mean, look at his eyes and his facial expressions, parang, in love..." Opinyon nito.

Tinitigan niyang mabuti ang larawan. Tinutukan niya ang mata at mukha ng binata. Hindi niya alam kung nabubulagan lang siya pero hindi niya nakikita ang nakikita ng kaibigan.

"Sa totoo lang, hindi ko makita ang nakikita mo." Pag-amin niya.

Eksaherada namang pinaikot ni Stacey ang bola ng mata.

"Hay naku, Iska! Ang labo mo!" Anito na tinatawag siya sa palayaw na ginawa nito para sa kanya.

"Hay naku, Ista! Ikaw ang malabo!" Nakangiting sabi niya na ginamit ang palayaw na ginawa niya para rito. Tumayo siya saka tinungo ang upuan niya. "Sa tingin mo, pa'no siyang magmumukhang in love d'yan, eh, napilitan lang siyang magpakasal sa'kin?" At siya naman ang nagpaikot ng mga bola ng mata.

"Sigurado ka bang napilitan?" Sabi ni Stacey. "Sabi mo nga, wala namang nangyari sa inyo. Kung tutuusin, madaling patunayan 'yon, 'di ba. Anong nagagawa ng teknolohiyang medikal? Pero, hindi. Hindi niya ginawa 'yon. Ni hindi niya itinama ang maling iniisip ng mga tao. Hindi niya itinuwid ang mga haka-hakang nabuo sa isipan nila. Tapos, bigla-bigla, nagdeklara ng kasal para sa inyo? Ni hindi hiningi ang opinyon mo. Kasi nga, tinamaan sa'yo, girl." Esplika nito sa kanya.

Sa totoo niyan ay pumapalakpak ang tainga niya sa naririnig sa kaibigan. Natutuwa siya sa mga ipinapaintindi sa kanya ng kaibigan. At magtatatalon pa siguro siya sa tuwa kung sakaling totoo ang bagay na iyon. Pero alam niyang taliwas iyon sa intensyon ng binata. Marahil nga ay hindi nito nagawang itama ang mga maling kaisipan ng mga tao ngunit malayong maging dahilan nito ang pagkakagusto sa kanya upang pakasalan siya.

Siguradong may dahilan si Andres kung bakit humantong sila sa kasalan. Hindi pa lang siya nabibigyan ng pagkakataon upang tanungin ang dahilan nito. At sa totoo niyan ay ayaw niya pang alamin sa ngayon ang totoong saloobin ng lalaki sa kasalan nila. Nais lang niya na paluguran ito, paibigin hanggang sa magmahalan na silang dalawa.

"Hay naku, Ista. Binobola mo lang ako 'no?" Aniya sa kaibigan. "Halika at ililibre kita ng lunch." Yakag niya rito. Tumayo na siya at isinukbit ang bag.

"Kung hindi ka naniniwala, bakit hindi tayo humingi ng opinyon ng iba? Para malaman mong nagsasabi ako ng totoo?" Hamon ni Stacey na tumayo na rin at isinukbit na rin ang bag.

Natawa siya sa suhestiyon ng kaibigan.

"Ano 'to, sakit lang? Kailangan ng second opinion?" Biro niya.

"Bahala ka!" Isnab sa kanya ng kaibigan. "Basta ako, iba ang nakikita ko. At alam ko, tinamaan sa'yo 'yang asawa mo kaya bigla na lang niyang iniwan sa ere si Penelope at pinakasalan ka." Komento pa nito na lalo niyang ikinatutuwa.

"Saan mo ba gustong kumain?" Pag-iiba niya sa usapan. Kahit pa ang totoo ay gusto niyang paniwalaan lahat ng sinasabi ng kaibigan.

Ayaw niya kasing umasa na iyon nga ang posibleng dahilan ni Andres sa pagpapakasal sa kanya. Basta't alam niya, mayroon siyang habambuhay upang makuha ang mailap na puso ni Andres sa kanya. Wala man itong pag-ibig sa kanya ngayon, mayroon naman siyang maraming pagkakataon para paibigin ito. Sa ngayon, iyon na lang muna siguro ang target niya; ang mapaibig si Andres sa lalong madaling panahon. At gagawin niya ang lahat upang magtagumpay siya sa kanyang plano.

=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=

I am so sorry, guys... I just finished this story... Paano ba naman kasi, tapos na po akong mag-aral pero parang nakaenrol din po ako ngayon dahil ako po ang sumasagot sa mga lesson ng magaling na pamangkin ng aking asawa... Sino dito ang katulad ko ang dinadanas??? Tapos, sa mga mommies diyan na katulad ko, panigurado, para rin tayong student sa new normal education ngayon... 😕😕😕

Anyways, nashare ko lang po ang mga iyon pero itong story na 'to, super happy ko pong ipepresent sa inyo. I'll be updating often. Yeheeeyyyy.👏👏👏.. Sorry to keep you guys waiting... Pasensya na... Pero heto na nga...

Next chapter, right away...

B O W T
K O M E N T
S H E R

Love lots,
Bhebe Cheekay

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now