Chapter Nine

672 25 0
                                    

Dedicated tokayeleighleonor

Animosity

Naalimpungatan si Scarlett nang maramdamang parang may nakatingin sa kanya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at mula sa liwanag na nagmumula sa isang lampara ay namulatan niya ang mukha ni Andres na nakatungo sa kanya. At hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya ang dalawang emosyon na nagdaan sa mukha nito na mabilis na nagpalit sa oras na tuluyang nagising ang kanyang diwa. Kinusot niya ang mata at pupungas-pungas  na bumangon.

"H-Hi. K-Kumain ka na ba? S-Sandali at ipaghahanda kita." Sabi ni Scarlett.

Ngunit ang akma niyang pagbaba sa kama ay pinigilan ni Andres.

"Don't bother, querida." Anito na ang huling salita ay may bahid na pang-uuyam. "I'm dead tired I just want to rest." Patuloy ni Andres.

Agad na sumama ang mukha ni Scarlett sa salitang ipinantukoy sa kanya ng lalaki. Kerida? Hindi ba't kabit ang kahulugan niyon? Kunsabagay ay maaari na rin siyang tukuying ganoon dahil hindi naman siya ang unang nagmay-ari sa lalaki. Nang-agaw lang naman siya at hindi malayo sa ginagawa ng mga kerida ang ginawa niya kay Penelope. Maybe this is totally what she had to pay for.

Napabuntong hininga siya saka napakunot ng noo. Naaamoy niya ang alak mula sa katawan ng asawa. At natitiyak niyang nakainom ito.

"Nakainom ka ba?" Tanong niya rito.

Then a lopsided grin appeared on his lips.

"Just a simple celebration with some friends. You know, of my wedding." Sabi ni Andres saka siya hinagod ng tingin.

She was wearing a silk nightie like the way she used to wear for a comfortable sleep. Sinundan niya ng tingin ang tinititigan ni Andres at ganoon na lang ang gulat niya nang hindi niya namalayang bumaba na pala sa braso niya ang strap ng kanyang pantulog. Ngali-ngali niya iyong itinaas at kinakabahang sinalubong ng tingin ang asawa.

She swears, she saw desire flickered in his eyes. A fire crossed his bluish eyes. And just merely by his hot stare is enough to make her want him. Ito rin ang mismong dahilan kaya nagawa niyang magmakaawa rito nang gabing iyon. Nagmakaawang mapansin na malimusan ng kaunting panahon.

Nakita niya ang pagtagis ng mga bagang ni Andres. A desire from his eyes was now with anger. Narinig niya ang marahas na buntong hininga nito. Pagkatapos ay pabadog itong tumayo.

"Go back to sleep, Scarlett." Matigas na utos nito saka tuluyang nilisan ang silid na iyon.

Naiwang nakatanga si Scarlett sa loob ng malamig na silid na iyon. Naguguluhan sa inasal ng kanyang asawa. Nanlalambot ang pakiramdam niya. Inaasahan na niya na hindi magiging madali ang pagsasamahan nila. Nararamdaman niyang mahihirapan siyang tuluyan na mapasok ang puso ng asawa. Gayunman ay wala siyang balak na sumuko. Hinding hindi siya susuko kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan niya.

Mabigat ang katawan na pinilit ni Scarlett na bumangon. Halos wala siyang naitulog sa nagdaang gabi dahil sa kakahintay kay Andres na tumabi sa kanya ngunit nakuha na lang niya na makatulog ay walang Andres na tumabi sa kanya.

Alas singko ng umaga ang sinasaad ng relo. Oras ng nakasanayan niyang gising mula pagkabata. Kinuha niya ang roba at ipinambalot sa katawan. Bumaba siya sa kusina at doon ay dinatnan niya si Nana Lora na nag-uumpisa ng maghanda para sa almusal.

"Magandang umaga ho, Nana." Bati niya sa nakatalikod na matanda.

Tinignan siya nito ay nginitian.

"Magandang umaga rin naman, hija." Balik na bati nito. "Kumusta ang tulog mo? Ang aga mo atang nagising?" Puna nito sa kanya.

"Sanay ho ang katawan ko sa aga ng gising, Nana." Sagot niya. "Ako na ho ang magluluto ng almusal. Gusto ko ho sanang personal na gawin ang mga simpleng bagay para kay Andres gaya po ng pagluluto ng mga pagkain niya at pagsisilbi sa kanya." Walang paliguy-ligoy na sabi niya sa ginang.

Buong kasiyahang ngumiti ang matanda sa kanya.

"Magandang ideya 'yan, ineng." Sang-ayon nito sa kanya. "Hala, sige, mag-umpisa ka na." Dagdag nito.

Bilang panimula ay nagprito si Scarlett ng tapang baka at bacon. Nagluto rin siya ng garlic butter veggies na karots, mais, green peas at brocolli. Gumawa rin siya ng kape sa perculator na ayon kay Nana Lora ay matapang na kape ang gusto ni Andres.

Inayos niya ang lamesa. Pasado alas sais na nang matapos siya. Umakyat siya sa silid at ipinagkuha ng damit na pantrabaho si Andres. Inilagay niya ang mga napiling damit sa ibabaw ng kama. Saktong naayos na niya lahat ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Iniluwa niyon si Andres na mukhang bagong gising. Nakapagpalit na ito ng damit. Nakasuot ito ng itim na jogging pants at abuhing sando. Bahagya pang nakasabog ang kulot nitong buhok sa mukha nito.

"G-Good morning." Bati niya sa asawa saka ito nginitian.

Ngunit parang wala itong narinig. Pinasadahan lang siya nito ng tingin pati na rin ang inihanda niyang mga damit nito.  Hanggang sa tahakin na nito ang daan papuntang banyo na mabilis niyang sinundan.

"S-Sa'n ka natulog?" Hindi niya mapigilang itanong.

Humugot ng tuwalya ang lalaki bago siya tinignan.

"Why are you asking?" Singhal nito. "Dahil ba kinasal tayo ay kailangan na magtabi tayo?" He snapped.

Napakurap-kurap si Scarlett. Nabigla sa sinabing iyon ni Andres.

Totoo na inaasahan niyang magkakatabi sila ng asawa. Lalo na't unang gabi nila iyon. Ngunit dahil sa mabait na tadhana, pati iyon ay hindi niya nakamtan.

She opened her mouth to say something but closed it again. Doon na tuluyang tinungo ni Andres ang banyo. Ilang sandali pa ay lagaslas na ng tubig ang naririnig niya.

Bumaba siya at sa hapag na naghintay para sa kanyang asawa. Nagsasalin na siya ng kape sa tasa nang bumaba na sa hagdan si Andres. Upon seeing her husband, she instantly felt sad. Bakit? Ibang damit kasi ang suot nito. Hindi ang inihanda niya. Gayunpaman ay hindi niya ipinahalata ang lungkot. Marahil ay hindi nito gusto ang pares ng mga damit na inilabas niya.

"Hijo, gising ka na pala." Mula sa kwarto ay lumabas na si Nana Lora. "Mag-almusal ka na, Andres. Si Scarlett ang naghanda ng lahat na ito. Siguradong magugustuhan mo ang luto nitong asawa mo." Patuloy ng matanda habang iminumuwestra ang mga pagkaing nasa hapag. Inilapag na rin ni Scarlett ang tasa ng kape sa lamesa.

"Hindi na ho ako kakain, Nana. Masyado hong maraming trabaho sa opisina. Kailangan ko na hong umalis nang masimulan na ho ang trabaho." Tanggi ni Andres.

"Ngunit hindi ba't---"

"Mauuna na ho ako." Putol ni Andres sa sinasabi ng ginang saka siya sasandali lang na tinapunan ng pansin.

Malungkot na hinarap siya ng matanda.

"Hindi kailanman nagpalipas ng agahan iyang si Andres, hija. Ayon sa batang iyan ay almusal ang pinakaimportanteng pagkain sa buong maghapon." Malungkot na pahayag ng matanda.

Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pagkadismayang nararamdaman.

"B-Baka ho talagang maraming ginagawang trabaho, Nana." Katwiran niya ngunit hindi siya sinagot ng matanda. "Mag-aayos na rin ho ako, Nana. Kailangan ko rin hong pumasok sa trabaho. Kayo na ho ang bahalang mag-ayos rito." Saad niya saka mabilis na tinungo ang silid.

Kahit na anong pigil niya sa pagkawala ng mga luha niya ay hindi niya nagawa. Unang gabi ngunit hindi niya nakasama ang kanyang asawa sa pagtulog at ang unang umaga nila ay para silang estranghero sa isa't-isa. Tanging magagawa niya sa ngayon ay ang umasa na hindi magtatagal ang ganitong turingan nila.

=^,^=_=^,^=_=^,^=_=^,^=_=^,^=_=^,^=_=^,^=_=^,^=_

Hayyyssssttttt😔😔😔

Andres, bakit?
Bakit ang sakit mo sa heart?
How cruel can you be?
Grabe ka!
Grabe ka talaga!

Vote
Comment
Share

Unbreak My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon