Chapter Fourteen

748 22 1
                                    

Dedicated touniques_101

Ruthless

Ilang araw ang lumipas bago tuluyang bumalik si Andres sa bahay nila. Umuwi siya isang gabi na lasing, katulad ng madalas niyang ginagawa. Ngunit mas marami siyang nainom nang gabing iyon.

Narinig pa lang ni Scarlett ang sasakyan ng asawa ay mabilis niya itong sinalubong. Ilang araw itong hindi umuwi kaya naman alalang-alala siya rito. Hindi nito sinasagot ang tawag niya at wala siyang ibang mapagtanungan ng kalagayan nito.

Binuksan niya ang pinto upang mabigla lamang sa hitsura ng asawa. Magulo ang kulot nitong buhok na nakatabing na sa kalahati ng mukha nito. Medyo humaba ang mga stubble beard nito sa paligid ng mukha. Gusut-gusot din ang suot nitong damit. Kalas ang ibang butones ng suot nitong puting longsleeves.

Awtomatiko siyang napaluha sa hitsura ni Andres. Simula nang nagsama sila ng binata ay hindi na ito tumigil sa pag-inom ng alak gabi-gabi. At alam niyang kasalanan niya. Parang mas nanaisin pa ng lalaki na masira ang sarili kaysa makita at makasama siya.

"Hi, my querida." Bati nito sa kanya nang masulyapan siya.

Isama mo pa ang napakasakit na salita na iyon mula rito. Wala nang paglagyan ang bigat ng kanyang kalooban.

Inalalayan niya ang asawa hanggang sa madala niya ito sa master's bedroom. Marahan niya itong inilapag sa kama. Tumulo ang luha niya ng haplusin niya ang guwapong mukha nito. Kasalanan niya kung bakit nito pinahihirapan ang sarili.

Hinubad niya ang suot nitong longsleeves. Pagkatapos niyon ay nagsalin siya ng maligamgam na tubig sa planggana. Patuloy siya sa pag-iyak habang pinupunasan ang asawa. Ikinuha niya ito ng t-shirt saka ito binihisan. Inayos niya ang pagkakakumot nito.

Ibinalik niya sa banyo ang planggana saka tumabi sa asawa. Nakatagilid ito patalikod sa kanya. Niyakap niya ito mula sa likuran. Pilit niyang pinipigilan na mapalakas ang hikbing kumakawala sa lalamunan niya. Niyakap niya ng buong higpit si Andres.

"Gusto ko lang naman, mahalin mo rin ako, eh." Umpisa niya sa gumagaralgal na boses. "Ikaw na lang 'yong taong inaasahan kong magmamahal sa'kin. Kahit kailan kasi, hindi ko pa naranasang mahalin. Hindi mo ba 'ko kayang mahalin? Hindi mo ba kayang suklian 'yong pagmamahal ko sa'yo?" Pagkausap niya sa lalaki na animo'y gising ito. "Kasi ikaw, mahal na mahal ko. Mahal na mahal kita at handa akong gawin ang lahat mahalin mo lang din ako." Patuloy niya.

"Ikaw ang kauna-unahang lalaki sa buhay ko. Sa'yo ko lang naramdaman ang ganito. Mali ba na hilingin ko sa'yo na mahalin din ako?" Dagdag ni Scarlett. "All my life, palagi na lang akong nanlilimos ng pagmamahal, ng atensyon. And this is the very first time I became selfish, I became greedy of you. Kalabisan ba kung angkinin kita ng buong-buo?" Umiiyak na sabi niya saka ibinaon ang mukha sa likod ni Andres. Pigil na pigil ang mapahikbi ng malakas.

Ilang sandali pa ay kinalma niya ang sarili. Bumangon siya at lumipat sa katabing silid. Hindi na kailangan pang sabihin ni Andres sa kanya na ayaw siya nitong makatabi. Sa kabilang silid ay umiyak siya nang umiyak.

Sa tatlumpung taon ng buhay niya ay wala siyang naalalang naging masaya siya ni minsan. Mula sa pagmamaltrato ng kanyang ina sa kanya hanggang sa pagmamalupit sa kanya ng mga Sandoval.

Sabi nila, iiyak lang ang problema. Sa pag-iyak ay matututo kang maging malakas, maging matapang, maging matatag. Ngunit ang sa kanya ay walang pagbabago. Bagkus, sa tuwina ay pahina pa siya nang pahina. Katunayan ay kaunting-kaunti na lang at bibigay na siya. Malapit na siyang sumuko.

Nanatili siyang lumalaban para sa relasyong ito. Nagbabakasakaling isang araw, magigising siya na mahal na pala siya ni Andres. Na hindi ito mabubuhay ng wala siya. Pero kahibangan ang isiping iyon. Dahil sa tinagal-tagal ng pagsasama nila ay hindi nila nagawang magkalapit at magkausap ng may saysay ni minsan.

Hanggang sa nakatulugan na niya ang sama ng loob. Kunsabagay, kailan naman siya natulog ng walang bitbit na alalahanin?

Naalimpungatan si Andres sa pumipintig na sakit ng ulo niya. Dahan-dahan siyang nagmulat at iginala ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan niya; master's bedroom. Sumandal siya sa headboard ng kama saka sinapo ang noo. Inaalala kung paano siya nakarating sa sariling pamamahay.

Hanggang sa unti-unting bumalik ang lahat. Halos maubos niya ang isang bote ng alak mula sa condo niya. Pagkatapos ng isang linggong pagpipigil niya sa sarili na umuwi sa sariling bahay ay pinilit niyang magmaneho upang umuwi. Na para bang may sariling isip ang kanyang mga paa't kamay pauwi sa kanyang bahay kung saan naroon ang kanyang asawa.

Hanggang sa may marinig siyang bulong.

Gusto ko lang naman, mahalin mo rin ako, eh. Ikaw na lang 'yong taong inaasahan kong magmamahal sa'kin. Kahit kailan kasi, hindi ko pa naranasang mahalin. Hindi mo ba 'ko kayang mahalin? Hindi mo ba kayang suklian 'yong pagmamahal ko sa'yo?

Nasabunutan niya ang sarili.

Kasi ikaw, mahal na mahal ko. Mahal na mahal kita at handa akong gawin ang lahat mahalin mo lang din ako.

Marahas niyang inalis ang kumot sa ibabaw niya.

Was it Scarlett? Kailan nito sinabi ang mga katagang iyon? Bakit parang hindi lang basta bulong? Bakit parang narinig niya ng personal? Bakit parang totoong nangyari?

Tumayo siya at nagpalakad-lakad. Hinihintay na magbalik sa silid si Scarlett. Ngunit halos kalahating oras na ang ipinaghintay niya ay walang Scarlett na dumarating.

Umahon ang kaba sa kanyang dibdib. Umalis na ba ito?

Lumabas siya at handa ng kalampagin sa ibaba si Nana Lora nang mapansin niya ang nakabukas na pinto ng katabing silid. Nakasindi rin ang mga dim lights nito sa loob. Pumasok siya at agad na nakahinga nang maluwag nang masilayan doon ang natutulog na si Scarlett. Dahan-dahan niya itong nilapitan uoang mahabag lamang sa hitsura nito; maga ang mga mata, namumula ang ilong, pisngi at labi at may luha pa sa pisngi nito.

Marahil ramdam nito ang pagkadisgusto niyang makatabi ito sa pagtulog dahil sa tuwina ay sa maliit na kwarto siya sa likod ng study room natutulog. Hindi niya pa ito tinabihan ni minsan man. At iniisip siguro nito na hindi niya magugustuhan makatabi ito kaya ito na ang nagkusang lumipat ng kwartong matutulugan.

A pang of guilt sliced his heart. Alam niya, sumosobra na siya sa dalaga. Hindi na makatarungan ang ginagawa niya rito. Ngunit anong magagawa niya kung sa tuwing aangkinin niya ang asawa ay umuukilkil sa isipan niya ang katotohanan sa pagkatao nito? He was not into the type of woman like her.

Ikaw ang kauna-unahang lalaki sa buhay ko. Sa'yo ko lang naramdaman ang ganito. Mali bang hilingin ko sa'yo na mahalin mo rin ako?

Muling gumitaw ang bulong na iyon.

Kauna-unahang lalaki? Napaisip siya. Should he believe her.

All my life, lagi na lang akong nanlilimos ng pagmamahal, ng atensyon. And this is the very first time I became selfish, I became greedy of you. Kalabisan ba kung aangkinin kita ng buong-buo?

Saad ng kanyang isip. Dala marahil ng labis na kalasingan ay kung anu-ano na ang naririnig at nararamdaman niya.

Ngunit ang puso niya ay nagtatanong; paano kung sinabi nga ni Scarlett ang mga katagang iyon sa kanya? Ano ang isasagot niya?

=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷

Deym, complications...

Unbreak My HeartHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin