Chapter Thirty Five

929 20 5
                                    

Dedicated to mildredolegario

Malevolent Doom

Patungo si Scarlett sa isang business seminar sa bayan ng Baler. Isa siya sa mga inimbitahan bilang guest speaker sa nasabing seminar. Sakto rin naman dahil kaunti na lamang ang dapat ayusin sa ipinapatayo niyang restaurant sa bayan kaya magkakaroon ulit siya ng pagkakataon upang matignan iyon.

Nasa kahabaan siya ng daan ng Casiguran kung saan walang masyadog tao at walang masyadong kabahayan. At dito siya natiyempuhan ng pagsumpong ng kanyang sasakyan. Muli siyang itinirik ng kanyang Honda Civic 2017 at hindi niya alam kung saan makakahingi ng tulong. Hindi niya rin sigurado kung makakapagbook siya ng nirerentang sasakyan sa lugar na iyon. Kung bakit naman ngayon pa siya itinirik ng sasakyan niya.

Lumabas siya ng kotse at binuksan ang hood niyon. Sinubukan niyang silipin kung ano ang problema. She mentally noted to herself to enroll on a vocational mechanic class wherein she can learn some information about cars. Dahil sa mga sitwasyong kagaya nito, wala talaga siyang alam na makakalkal sa utak niya tungkol sa iba't-ibang pagkasira ng sasakyan at kung paano kumpunihin iyon.

Hanggang sa may huminto at umatras na sasakyan patungo sa harap ng sedan niya. Mukhang may makakatulong naman sa kanya. Hanggang sa tuluyan ng bumaba roon ang may-ari ng kotse. At laking gulat niya nang makilala kung sino iyon. Si Andres! Pinigilan niya ang sariling mapasinghap. Lalo na at ang eksenang ito ay parang naulit lang dahil sa ganitong sitwasyon niya nakitang muli si Andres sa pangalawang pagkakataon noon. She bit her lips from the inside.

"Let me just atleast see the problem." Kaswal na sabi nito nang makalapit sa kanya pero hindi man lang siya sinulyapan.

Sinilip nito ang makina at humawak pa sa ilang wire na naroroon.

"Kailangan 'tong madala sa talyer. Paulit-ulit ka na lang ititirik nito kung hindi mo pa 'to ipapagawa." Deklara nito na marahil ay nalaman na ang sira ng sasakyan niya. "Gustuhin ko mang tulungan kang magawa 'to ngayon, I don't have the right tools. Isa pa, this will take a lot of time. I have to attend to some urgent matter." Dagdag nito pero hindi pa rin tumitingin sa kanya.

Nawalan siya ng pag-asa. Hindi pa naman siya pwedeng mawala sa dadaluhang seminar. Napabuga siya ng hangin. Kailangan niya pang tumawag ng tow truck para ipahatak ang sasakyan niya.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong ni Andres sa kanya habang ibinababa ang hood ng sasakyan niya.

Patagilid niya itong tinignan bagi sumagot.

"Sa Baler." Kaswal niyang sagot.

"Doon din ang punta ko." Saad ni Andres habang nagpapagpag ng kamay. "Kung gusto mo, hatakin natin 'yang sasakyan mo hanggang sa makakita tayo ng talyer. Tapos, kung gusto mo, kung gusto mo lang naman, pwede kitang isabay hanggang sa Baler. Iyon ay kung gusto mo lang naman." He offered hesitantly.

And how can she decline an offer in times like this?

"Okay lang ba sa'yo?" Alanganin niyang tanong dito.

"Well, that's the least I can offer you for a help." Sagot ni Andres.

At ilang sandali pa ay tinatahak na nila ang daan patungo sa pinakamalapit na talyer. Iniwan nila ang sasakyan niya doon at tinahak na nila ang dalawang oras na byahe patungo sa Baler.

At sa umpisa ng byahe nila ay hindi malaman ni Scarlett kung ano ang akmang gawin. Kung kakausapin niya ba si Andres habang nasa byahe upang kahit papaano ay mabawasan ang tensiyon sa pagitan nila sa loob ng sasakyan. Kung kakausapin naman niya ang lalaki ay hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin. Bumuntong-hininga siya.

"Don't think, Scarlett." Untag sa kanya ni Andres. "Hindi mo kailangang pag-isipan kung ano ang gagawin mo habang magkasama tayo sa byaheng 'to. Hindi mo 'ko kailangan kausapin kung ayaw mo at napipilitan ka lang. Just think of me as your driver." Pormal na saad ni Andres.

Sandali niya itong pinasadahan ng tingin bago muling tumanaw sa bintana. For the nth time, she sighs. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng taong pwedeng tumulong sa kanya sa panahong gaya nito, si Andres pa. At ano pa ba ang ginagawa ng lalaking ito sa Aurora?

"I'm starving." Deklara ni Andres saka inihimpil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Kung gusto mong kumain, mamili ka na lang ng kakainan mo sa mga 'yan." Tukoy nito sa ilang magkakahilerang karinderya sa gilid ng daan bago nagpatiuna sa pagbaba ng sasakyan.

Now he's being pormal and casual to her? She exaggerately rolled her eyeballs. Sabagay, what does she expects? Ito naman ang gusto niyang mangyari, hindi ba?

Dahil gutom na rin naman talaga siya ay bumaba na siya ng sasakyan. At kung saan pumasok si Andres ay doon din siya pumasok. Pumila siya sa likod ng lalaki.

"Let me pay for your food. It's the least I can do for you in return." She said nicely.

"Don't worry about it." Tanggi ni Andres.

At nang tignan niya ang kanyang wallet ay iisang daang piso lamang ang laman niyon. Madalas kasi ay mga card ang ginagamit niya sa paggasolina, pagbayad sa mga mall o groserya. At hindi kasya ang isang daan sa pagkaing nasa karinderya. Dahil puntahan ng turista ang lugar na iyon ay may kamahalan ang presyo ng mga pagkain. Napangiwi siya.

"Dalawang order ng papaitan, dinuguan at chopsuey. Saka tatlong kanin. Samahan mo na rin ng softdrinks." Sabi ni Andres sa tindera. "Maupo ka na lang doon. Ako na ang bahala sa mga pagkain." Pantay na sabi nito.

At wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Now, she owes him not just one but two. Kagat-labing naupo siya sa isang bakanteng mesa. Hanggang sa dumating na si Andres sa mesang inookupa niya bitbit ang isang tray na may lamang pagkain kasunod ang isang babaeng may bitbit ding tray. Isa-isang inilapag ni Andres at ng babae ang mga pagkain at nang matapos ay umupo na ang lalaki sa kaibayo.

"Salamat." She sincerely said at him.

Sinalubong ng binata ang kanyang tingin ngunit wala siyang narinig na kahit na ano mula rito. Bagkus ay sinimulan na nitong pigain ang kalamansi sa papaitan nito na siya ring ginawa niya.

They silently ate together. Kakatwa pero ito ang pangatlong beses na nakasalo niya ang lalaki. Una ay sa mansiyon ng mga Sandoval nang ipakilala ito ni Penelope sa kanila. Pangalawa ay noong magcelebrate sila ng kasal sa restaurant ng kaibigan nito. At ang pangatlo ay ngayon. It is ridiculously strange for two people who once a husband and wife.

=÷π÷=÷π÷=÷π÷=÷π÷=π÷=÷π÷=÷π

Eto na po... Bisi-bisihan po ang peg ko this past few days... 😅😅😅

Hi po, ElizabethMarcella7👋👋👋

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now