Chapter Twelve

693 24 2
                                    

Dedicated tonorthville6

Hiding in Anger

Halos naging ganoon na ang naging araw-araw na buhay ni Scarlett. Ihahanda niya ang susuotin ni Andres  pangtrabaho para lamang mapagod dahil hindi naman din iyon susuotin ng asawa. Maghahanda siya ng almusal upang ignorahin lang din ng lalaki. Sa hapo'y sisiguraduhin niya na makakauwi ng maaga upang ipagluto rin ng hapunan ang esposo ngunit hindi rin naman nito iyon kakainin.

Ni hindi pa sila nagkasabay kumain kahit na minsan. Ni hindi magawang suotin ni Andres ang inihahanda niyang damit para rito. Wala ring gabi na hindi ito umuwi ng lasing. Nalaman niyang mayroon palang maliit na silid ang study room na malamang ay ginagamit ni Andres upang tulugan sa gabi dahil hindi pa rin ito nakatabi sa kanya na matulog. Kahit sabado't linggo pa nga ay hindi rin napipirmi sa bahay ang lalaki.

Nais man ni Scarlett na sukuan na ang sitwasyon ay hindi niya magawa. May kung anong bagay na pumipigil sa kanyang pagkatao. Sa tuwina ay idinidikta ng kanyang damdamin na huwag siyang mawalan ng pag-asa. Kaya ngayon, nagtitiis siya.

Sa katunayan ay anim na buwan na siyang nagtitiis sa pagsasamang ito. Anim na buwan na siyang umaasa sa isang relasyong wala naman talagang kasiguraduhan, walang label.

Walang gabi na hindi siya umiiyak, nagtatanong sa Diyos kung anong kasalanang nagawa niya at walang magkagusto na mahalin siya kahit isa. Lalo na mula sa mga taong mahalaga sa kanya. Pakiramdam niya ay nabubuhay lamang siya upang maparusahan sa mga kasalanang ni hindi niya matandaang ginawa niya.

Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Hanggang ngayon ay wala pa ring nabago sa hitsura niya. Wala pa ring kasiyahan ang mga mata niya. At mukhang wala ng pag-asa pang magkaroon ng ningning ang mga iyon.

"Let's go!" Pukaw ni Andres sa atensyon niya.

Tinignan niya ito saka tumayo. Nauna na itong lumabas ng silid.

Anibersaryo ng kompanya ng mga Guillermo. At obligado siya na dumalo sa pagtitipong iyon dahil asawa siya ni Andres. Nananatili sa dibdib niya ang kaba. Malipas ang anim na buwan ay ngayon niya lang muli makakaharap ang pamilya ng asawa. Sabihin pang hindi dumalo ang mga ito sa kasal nila dahil sa matinding pagkadisgusto sa kanya. Siguradong mapapabilang na naman ang gabing ito sa isa sa mga hindi magandang tagpo ng kanyang buhay.

Bumuntong hininga siya bago tuluyang nilisan ang silid. Habang nasa gitna ng hagdan ay natanaw niya ang naiinip na mukha ni Andres. Nagtuloy siya sa pagbaba hanggang sa sulyapan siya ng lalaki. At kung tama ang basa niya sa emosyon ng mukha nito ay nababanaag niya ang namamanghang tingin nito sa kanya.

Why, she is indeed beautiful. Glamorously beautiful, perhaps. She was wearing a red off shoulder dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba. Hapit na hapit ang tela ng damit sa kanyang kurbadang katawan. Nagmake-up siya ngunit hindi gaanong makapal. Itinaas niya ang kanyang buhok ngunit may ilang hibla na inilaglag sa mukha. She could pass as a beauty queen especially that her height is a plus. Not to even mention her wit.

Nang nasa pinakaibabang baitang na siya ay bigla na lang tumayo si Andres at dali-daling tinungo ang sasakyan. She could not help herself but to smile bitterly.

Hindi niya pwedeng maipagkamali ang nakita sa mukha ng asawa. Namangha ito sa kanya. He was astonished for a moment. But then, all of a sudden, astonishment vanished. At basta na lang siya nitong iniwan.

Mahirap bang aminin para rito na namamangha ito sa kanya? Natatakot ba ito sa kadahilanang hindi niya malaman? Bakit? Magiging kabawasan ba dito kung mapagtuunan siya nito ng pansin?

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now