Chapter Ten

793 25 3
                                    

Dedicated toShyloreyRomanillos

Haunted

Patungo si Scarlett sa opisina ni Frederick Sandoval. Marami siyang mga dokumentong nangangailangan ng pirma nito. Abalang-abala siya sa mga hawak na mga papeles kung kaya naman hindi na niya nakikita pa ang mga makakasalubong niya. Hindi tuloy sinasadyang mabangga siya sa isang babae na halos kakalabas lang ng opisina ni Frederick.

"Ooopppsss, sorry, Ma'am." Agad niyang hingi ng paumanhin sa ginang.

Halos kasingtangkad niya ito, maputi, may balingkinitang pangangatawan ngunit nakatabing sa mukha ng babae ang mahabang buhok nito sanhi upang hindi niya masilayan ang hitsura nito. Lalo na at mukhang nagmamadali rin ang ginang. Nagtuluy-tuloy na ito at siya ay nagtungo na rin sa opisina ni Frederick.

Walang pasabi na pumasok na si Scarlett sa loob ng opisina upang mabigla lamang sa hitsura ni Frederick. Sapu-sapo nito ang dibdib habang ang mukha ay nakangiwi.

"A-Are you okay, Sir?" Nag-aalalang tanong ni Scarlett saka lumapit sa lamesang kinaroroonan ni Frederick.

Tiningala siya ng matandang Sandoval upang makitaan lamang niya ng sindak at pagkabigla sa mukha nito. Nanatili itong sapu-sapo ang dibdib at parang may kinalaman ang presensya niya sa takot na nababanaag niya sa mukha ng matanda.

"A-Anong g-ginagawa mo rito?" Pautay-utay na sabi nito.

Naguluhan siya. Parang nasisindak pa rin ang tinig ni Frederick.

"I-I have documents that have to be signed by you, S-Sir." Pautal-utal niyang sagot. "A-Are you o-okay?" Nag-aalala pa ring tanong niya.

Parang nanghihina na sumandal ang matanda at ipinikit pa ang mga mata. Animo'y nahimasmasan sa mga pangyayari. May kinalaman ba ang babaeng nakabangga niya sa labas sa iniaakto ni Frederick?

"Iwan mo na ang mga 'yan, Scarlett. Ipahahatid ko na lang sa sekretarya ko mamaya." Mahinang sabi nito habang nakapikit. Ni hindi nag-abalang buksan ang mga mata upang lingunin siya.

"A-Ayos lang ho ba k-kayo? W-Wala ho ba kayong dinaramdam?" Kahit na hindi maganda ang pakikitungo sa kanya ng matanda ay hindi naman niya mabalewala ang nakikita niyang pagkabahala sa hitsura nito. Nangingibabaw pa rin ang pag-aalala niya para rito.

Noon nagmulat ng mga mata si Frederick at tinignan siya. May naaninag siyang emosyon na dumaan sa mga mata nito ngunit hindi niya mapangalanan. Hindi niya maintindihan kung iyon ba ay pagsisisi. Kung magkagayon man, para saan? Then he gave her a fatherly look like the way he used to gaze at Penelope. Sandaling-sandali lang na sumingit ang tingin na iyon.

"I'm fine, Scarlett. Leave now." Sagot nito saka maawtoridad na inutos sa kanya ang paglabas.

Atubili naman siyang lumabas ng opisina ng matanda. Dumeretso siya sa elevator at sakto naman na iniluwa niyon si Penelope. Awtomatikong tumaas ang kilay nito pagkakit sa kanya. Nakapaskil sa labi nito ang isang nang-iinsultong ngiti.

"So," sopistikadang simula nito. "how's the new wife?" Nang-uuyam na tanong nito. "Oh, let me congratulate you first." Anito saka bigla na lang siyang sinampal. "Para 'yan sa ginawa mong panlalandi kay Andres." Matalim na sabi nito. "Kung hindi dahil d'yan sa kakatihan at kadesperadahan mo, hindi sana siya mawawala sa'kin para lang magpakasal sa'yo!" Singhal nito sa kanya. "Kung tutuusin ay kulang pa 'yan, Scarlett. Hindi lang dapat sampal ang ibigay ko sa'yo. But this isn't the time yet para gantihan ka. In fact, I still have all the time in the world para gawing miserable ang buhay mo." Then a wicked smile appeared on her lips. "I will make you suffer, Scarlett. You will crawl like a snake that you used to be." She subtly added bago siya nilagpasan at sinadya pang banggain.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now