Chapter Thirty Four

963 20 3
                                    

Dedicated to susmeroother

The Power of Possitivity

Bumalik siya sa Aurora na dala-dala sa kanyang puso ang kapayapaang hinahangad. Nasisiguro niyang makakapagsimula siya ng maayos dahil wala na siyang dinadalang bigat ng damdamin sa kanyang puso. Natapos at natuldukan na ang lahat. At may positibo na siyang pananaw sa buhay ngayon.

Narealized niyang hindi lang ang buhay niya ang naging unfair. Bagkus, pati ang mga taong nakapaligid sa kanya ay pinaglaruan din ng tadhana. O mas angkop na sabihing sinubok ng mapagbirong panahon.

Sino bang mga tao ang hindi nakaranas ng pagsubok? Ang hindi nakaramdam ng kapighatian at paghihirap? Ang hindi nakaranas ng pait at sakit? Dahil ang katotohanan, kung sino pa ang mga mayayaman, sila pa ang may pinakakomplikadong buhay. Sila pa ang may pinakatinatagong sikreto. Sila pa ang may pinakaini-ingat-ingatang lihim na hindi maaaring ibunyag.

At hindi madali ang lahat. Ang bawat isa ay kailangang dumanas ng pagsubok upang maging matatag at malakas. Ang bawat isa ay kailangang mahubog sa kung ano ang misyon sa buhay. Dahil kung hindi dadaan sa paghubog ay hindi matuto sa iba pang aspeto ng buhay.

And for Scarlett, she was indeed scarred for a very long time. Pinagkaitan ng halos lahat ng bagay sa mundo; pamilya, payak na buhay, kasayahan at pagmamahal. But she was well-molded. Just like a precious diamond, she was cut into perfect places. Just like a seed, she was transformed from darkness. And now, she was a well-grown woman whose understanding is beyond the reach of anyone.

Magaan ang pakiramdam niya nang bumaba siya ng kanyang kotse. Nasisigurado niyang ito na ang simula ng magandang pagbabago sa kanyang buhay. Pumasok siya sa loob ng kanyang restaurant upang mabigla lamang.

Walang mga costumer sa loob. Wala si Jeth sa pwesto nito. Lalo pa siyang nagulat nang biglang may nagbagsakang mga pulang rose petals mula sa confetti machine na nasa magkabilang gilid ng entrada na hindi niya agad napansin. At mula sa kung saan ay lumabas si Andres hawak ang isang bouquet ng mga pulang rosas.

Hindi nga siya nagkamali. Tama nga ang hinala niya na may kinalaman si Andres sa mga pakulong ito. Ipinormal niya ang mukha saka naglakad at tinungo ang kusina. Nasa entrada palang siya ay sinalubong na siya ni Yvo.

"Ano 'to, Yvo?" Naiinis niyang bungad kay Yvo na halatang nagulat sa reaksyon niya. Marahil ay inaasahan nitong masosorpresa siya sa pakikipagsabwatan ng mga ito kay Andres.

"Eh, kasi, mapilit si Sir Andres, eh." Napapakamot sa batok na sagot nito. "He rented the place for the whole day and even doubled the price of our everyday profit. He said, he would like to surprise you. So, we helped him." Atubiling pag-amin nito.

"Ang dali niyo namang magpauto sa lalaking 'to!" Sigaw niya na ikinawindang ng lahat.

She never shouted at them before. Ngayon lang dahil sa pinaghalo-halong pagkainis at pagkairita. She felt betrayed. Ilang araw lang siyang nawala, tapos ang dadatnan niya, ganito.

Mabilis na lumapit sa kanya si Andres saka siya hinawakan sa braso.

"Ang kapal din naman ng mukha mo para suhulan ang mga empleyado ko!" Sigaw niya kay Andres nang harapin niya ito saka mabilis na hinaltak ang braso mula sa pagkakahawak nito.

"Please, Scarlett, sa'kin ka na lang magalit. Wala naman silang kinalaman dito, eh. 'Wag mo silang idamay. And let's talk." Panghihimok nito sa kanya.

"'Wag idamay?" She snaps. "The mere fact na nakipagsabwatan sila sa'yo, damay na sila." Sabi niya saka pinasadahan ng tingin ang mga empleyado. "And do you really think I would want to talk to you? Na makukuha mo 'ko sa ganito? Think again, Andres. Dahil ultimong anino mo, ayoko ng makita!" Singhal niya rito.

Hanggang sa hindi na niya nakontrol ang emosyon. Humulagpos na ang kanyang mga luha. Hindi na rin niya nakontrol ang sarili at pinagbabayo na niya ang dibdib ng lalaki. She was mad. She was hurting.

"Dahil sa tuwing nakikita kita, naalala ko lang ang lahat ng sakit na dinanas ko sa piling mo. Naaalala ko lang kung gaano ako kababa at kahina. Nanliliit ako sa sarili ko sa tuwing naaalala ko ang mga panahong pinagsamahan natin. Kaya ayaw na kitang makita. Ayokong maaalala ang mga pinagdaanan ko sa'yo. Ayoko. Ayoko." Nanghihina niyang sabi habang patuloy sa pag-iyak.

"I'm sorry... I'm sorry..." Paulit-ulit na sambit ni Andres habang pilit siyang inaabot.

"Makikiusap ako sa'yo." Sabi ni Scarlett saka pinunasan ang mga luha. "Please... Let me live my life. Alone. Now is my only chance. Ibalato mo na 'to sa'kin." Hiling niya.

Mabilis na inabot ng binata ang dalawa niyang kamay.

"How can I do that, Scarlett? How?" Tanong nito saka nagsimula na ring umiyak. "Simula nang iwan mo 'ko, natapos na rin ang buhay ko. Hinintay kong matapos ang annulment nang sa gayon ay pwede tayong magsimulang muli. Pwede akong magsimula sa tama para muli kong angkinin ang puso mo. And I am here to beg for a chance. Another chance for us." Anito saka lumuhod at umiyak ng umiyak sa kanyang hita.

Napapikit siya. Masakit din para sa kanya ang desisyon. Mahirap din para sa kanya ang gumawa ng isang bagay na labag sa kalooban niya. Subalit may magagawa ba siya?

Duwag na kung duwag ngunit takot na siyang sumubok muli. Duwag na kung duwag ngunit ayaw na niyang sumugal. Oo, nabigay na niya ang kapatawaran para sa mga taong nanakit sa kanya. Kasama na roon ang kapatawaran para kay Andres dahil hindi siya nito kayang mahalin.

Ngunit ang hinihiling nito ay nakakatakot, nakakakilabot, nakakasindak. At wala siyang sapat na tapang upang muling isuong ang sarili niya sa sakit. Wala siyang sapat na lakas upang igapo ang puso sa pait. At wala siyang kakayahang magmahal ng buo dahil nadala na siya.

She tried her hardest to make him fall in love with her but to no avail. Sabi ng iba, "love can conquer all" ngunit sa sitwasyon nila, napakahina ng pag-ibig niya dahil sa huli, wala iyong nagawa para tumatag ang relasyon nila at upang suklian ni Andres ang pag-ibig niya.

Humugot siya ng malalim na hininga. This is supposed to be the final and the last. At kailangang maintindihan iyon ng lalaki.

"I'm sorry, Andres, but you are three years late." Buong pahayag niya saka kumawala sa binata at nilisan na ang lugar na iyon.

÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷
Your time is up, Andres...
You are three years late...
You should have know earlier how precious Scarlett is to you...

🤦🤦🤦

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now