Chapter Twenty Six

904 21 1
                                    

Dedicated to MissBxBLover

Her Seductive Plan

Mabilis na naisagawa ang engagement party nina Andres at Penelope. Mga bigating tao ang dumalo sa pagtitipong iyon. Mayroon ding nga inimbita na ilang miyembro ng media upang pormal na ianunsyo ang nakatakdang pagpapakasal nina Andres at Penelope.

Hapon ng magsimula ang pagtitipon sa isang bulwagan ng hotel. Lahat ng dumalo ay nagpakita ng kagalakan para sa kanilang magkapareha. Excitement were written all over their faces. Iyon nga lang, taliwas doon ang nadarama ni Andres. Nakakaramdam siya ng mali sa sarili. Kakaiba. Hindi kayang ipaliwanag.

Sandali silang naghiwalay ni Penelope upang pakiharapan ang mga bisita. At ganoon na lang ang habag na nadama niya nang makita si Scarlett mula sa isang sulok. Walang kausap, walang kasama. Nasa mukha nito ang lungkot na taglay nito sa unang pagkikita.

Katunayan ay kanina niya pa pinagmamasdan ang dalaga. Pasimpleng kinikilatis ang mga kilos nito. Mayroon siyang gustong patunayan sa sarili dahil nahihirapan siyang tanggapin ang katotohanan sa likod ng pagkatao nito. Ang totoo'y ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Penelope sa kanya. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang kung intindihin niya ang kalagayan nito. Nasa kaibuturan ng puso niya ang pagnanais na pagmalasakitan ang babae sa kabila ng mga pangit na nalaman niya tungkol dito.

Mula sa pagdating nito ay hindi na niya ito hiniwalayan ng tingin. Parang ayaw niya itong mawala sa kanyang paningin. Gusto niyang natatanaw ang mukha nito. At sa kabila ng inis na nadarama niya para sa dalaga ay mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang baliin ang maling paniniwala niya ukol rito.

Kasalukuyan siyang nakamasid kay Scarlett nang bigla siyang lapitan ni Penelope. Mabilis niyang sinalubong ang nagtatanong na tingin nito.Bago pa ito makapagtanong ay sakto namang lumapit ang ilang bisita upang batiin sila ng buong kagalakan na masaya nilang pinaunlakan. Nakita niya ang pagtayo ni Scarlett mula sa pagkakaupo nito at bumaling sa direksyon nila. Katulad ng dati ay malungkot ang magandang mukha nito. Idagdag pa ang selos at inggit na nababanaag sa mga mata nito.

Naunang nagbawi ng tingin si Scarlett. Hanggang sa makita na lang niya ang likod na bahagi ng katawan nito na nilisan na ang bulwagang iyon. Base sa direksyong tinahak nito ay malamang na sa hotel suite na nakalaan sa mga ito ang tungo ng dalaga. Ayaw na niyang isipin pang may iba pa itong pupuntahan dahil baka kung ano pa ang magawa niya.

Matapos ang kasiyahan ay inihatid na niya sa hotel suite si Penelope. Nagpaalam rin siya ng maayos sa mga magulang ng nobya. Talagang naglaan sila ng mga kwarto para sa dalawang pamilya. At dahil siya ang personal na nag-asikaso niyon ay pinili niyang pagtapatin ang kwarto nila ni Scarlett na lingid sa kaalaman ng lahat. Kung bakit niya ginawa iyon ay hindi niya alam. Sabihin nang gusto lang niyang masubaybayan ang kilos ng dalaga.

Malalim na ang gabi ngunit wala pa sa kondisyong matulog ang katawan niya. Kahit pagod ay hindi niya makuhang magpahinga. Ang isip niya ay okupado ng isang babae na simula noong makilala niya ay hindi na siya pinatahimik pa. Idagdag pa ang mga impormasyong nalaman niya tungkol rito mula sa nobya. Bigla ay gusto niyang sakalin si Penelope upang ipabawi rito ang mga sinabi nito. Ngunit kung iyon ang sumisigaw na katotohanan ay mukhang wala na siyang magagawa. Ayaw man niya ngunit talagang nakuha ni Scarlett ang atensyon niya. At hindi niya alam kung bakit pinapayagan niya ang sarili tungkol sa bagay na iyon.

Katunayan ay kanina pa nagtatalo ang loob niya kung pupuntahan ang dalaga. Mula sa pagmamasid na ginawa niya rito sa party ay alam niyang hindi ito kumain. Nakontento na ito sa pag-inom ng juice.

Ibinato ang babasaging baso sa isang sulok na may lamang alak. Naiinis siya. Dahil dapat ay wala siyang pakialam sa Scarlett na iyon. Ngunit heto siya, umorder pa ng pagkain sa reception na dumating may beinte minutos na siguro ang nakakalipas. Kanina ay nagdadalawang-isip siya kung ibibigay iyon sa dalaga o hahayaan na lang na naroon.

Tumayo siya saka napasabunot sa mahaba at makulot na buhok. Nagtatagis ang mga bagang niya nang kuhanin niya ang tray na naglalaman ng pagkain. Naghihimutok na lumabas siya ng silid saka tinawid ang distansya ng pinto ng silid na inookupa ni Scarlett. Kung gaano na siya katagal doon ay hindi niya alam.

Hanggang sa makarinig siya ng bulong mula sa kabilang panig ng pinto. Masasalamin sa tinig nito ang takot. Siguro ay natatakot ito sa mga nilikha niyang kaluskos sa paroo't parito.

"S-Sino 'yan?" Takot na tanong nito.

"Scarlett." Bulong niya mula sa labas.

Ilang segundo ang lumipas bago siya tuluyang pinagbuksan ng dalaga. Marahil ay nakilala ang kanyang boses. Nakita niya pa ang panlalaki ng mga mata ni Scarlett nang marahil ay makumpirmang siya nga ang nasa labas ng silid nito.

"Andres?" Naguguluhang tanong nito sa kanya. Siguro ay hindi nito maintindihan kung ano ang ginagawa niya sa labas ng silid nito.

"Hi!" Nakangiting sabi niya rito. Katunayab ay medyo nahihiya siya. "I saw you left the party early. Naisip kong baka hindi ka pa kumain. Kaya heto, pinagdala kita ng food." Aniya saka itinuro ang bitbit na isang tray na naglalaman ng pagkain.

Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Scarlett.

"T-Thank you." Anito saka malawak na ibinukas ang pinto ng silid upang siya ay patuluyin.

Pumasok naman si Andres at ipinatong sa isang bilog na lamesita ang dala-dalang tray.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo? Parang namumutla ka?" Tanong ni Andres kay Scarlett nang lingunin niya ito. Hindi maiwasang ilahad sa boses ang pag-aalala nang makita ang hitsura ng dalaga.

"I-I'm fine." Nauutal na sagot ni Scarlett sa kanya.

"You don't look okay, Scarlett." Aniya rito saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng babae.

Nakasuot ito ng puting roba. Nakalugay ang mahabang buhok nito. Wala itong kahit na anumang kolorete sa mukha. She looks like a wife goddess waiting for her husband to make love to her.

Damn! He silently cursed! Sa lahat ng maaari niyang isipin ay ang bagay pa na iyon. Napakasimpleng isipin ngunit sapat na upang tumugon ang sariling katawan niya. Sapat na upang papagningasin ang init na dumadaloy sa mga ugat sa katawan niya.

Damn this woman for making this to him! Mura niya sa isip. Ngunit batid naman kaya ni Scarlett ang ginagawa nito sa kanya?

He was about to leave when Scarlett met his eyes. Nasa mga mata nito ang tapang at determinasyon. And she slowly move towards his place. Hanggang sa tumaas ang mga kamay nito at humaplos sa kanyang dibdib paakyat sa batok niya at nangunyapit doon.

Shit! He swallowed hard!

"Scarlett---" Sambit niya sa pangalan nito. He wanted to say her name with a reprimanding sound ngunit naging taliwas iyon nang traydurin siya ng sariling bibig. Her name came out from his mouth sounding like a need, a soft need.

"Love me, Andres. Love me." Malamyos na sabi ni Scarlett sa kanya.

He gritted his teeth! This is it! Penelope was right all along. Talagang marumi kung kumilos si Scarlett. Talagang handa nitong ipagkaloob ang sarili sa kahit na sinumang lalaking matipuhan nito.

He wanted to strangle her neck for doing this act to him! Tunay ngang tuso ang babaeng ito. Naisip niyang kung hindi ba siya ang kumatok sa kwarto nito ay ganito rin ang magiging asta nito? Or was she waiting for someone at ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya sa labas ng pinto ay isang pagpapanggap lang?

He could kill Scarlett for this!

=÷•÷=÷•÷=÷•÷=÷•÷=÷•÷=÷•÷=÷•÷=÷•

Galit na galit, gustong manakit...

Vote ng vote, guys! The more you vote, the more chances of winning... 🤣🤣🤣

Unbreak My HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang