Chapter Five

722 18 1
                                    

Dedicated to mariogabaisen

Love Me

Hindi maiwasan ni Scarlett ang makadama ng selos sa magkaparehang sina Andres at Penelope habang magiliw na humaharap sa mga bisita. Kasalukuyan silang nasa function hall ng isang hotel kung saan idinaraos ang engagement party ng dalawa.

At hindi lang selos ang nadarama niya nang mga sandaling iyon. Higit lalong nangingibabaw ang inggit na nadarama niya. Inggit kay Penelope. Na ang isang katulad nito ay madali lang na nakukuha ang kahit na ano at kahit na sinong gustuhin. Samantalang siya, bata pa lang ay pinagkaitan na ng tadhana ng pagmamahal at ng kalayaan.

Napabuntong hininga siya. Kahit kailan yata ay talagang hindi na siya magiging masaya. Na ang kalungkutan at kamalasan ay kaakibat na ng buhay niya.

She's getting older. About to leave a calendar on its last day. Ang tingin ng ibang tao ay mayroon na siya ng lahat ng ninanais niya. Magandang trabaho, magandang bahay at sasakyan ngunit nagkakamali ang mga ito. Those were nothing compared to the happiness that she longs ages ago. The freedom to take an action without any hesitation. The freedom to take her life to the fullest. The freedom to love and be loved.

At kahit na paulit-ulit niyang hilingin na sana ay hindi na siya isinilang sa mundong ito ay wala na rin mangyayari. Because the truth is, she has everyday in the world to face reality. The sad reality where cruel fate resides in her world.

Kagaya na lang ngayon, talagang pinasasakitan siya ng tadhana. The couple seems too happy at hindi iyon maitatatwa ng palitan ng mga tingin ng mga ito. How she wish there is also someone who would look at her the way Andres looked at Penelope --- full of fondness and love.

How does it feels to be kissed by those thin lips? How would her cheeks feel to be caressed by those soft big hands? How strong could she stand the weigh of his lovely stares?

Hindi niya kailanman naalala na may pinagpantasyan siyang lalaki sa tanan ng buhay niya. Mula nang kupkupin siya ng mga Sandoval ay wala na siyang ibang ginawa kundi paluguran ang mga ito. Wala siyang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga lalaking umaaligid sa kanya.

But this certain Andres, whom she met thrice, have awaken every senses that she have. Mula sa malagom na boses nito sa parke na hindi nagpatulog sa kanya noong gabing iyon hanggang sa sandaling pagdadaiti ng kanilang mga balat, nabuhay ang kanyang pagpapantasya. Animo'y nagkakulay ang kanyang buhay. Na nagkaroon siya ng pag-asa na balang araw iibig siya at ang pag-ibig niyang iyon ay masusuklian sa katauhan ni Andres.

But fate always have its own interference. May sarili itong bersyon ng tadhana na hinahanap niya. At lagi itong may sariling paraan upang pasakitan siya.

How many times should she self pity? Wala siyang natatandaang araw sa buhay niya na hindi niya kinahabagan ang sarili. Paulit-ulit lang ang nangyayari. At kahit na gaano man niya abalahin at pagurin ang sarili sa buong maghapon ay sa kalungkutan pa rin bumabagsak ang kanyang pag-iisip.

Luminga siya sa paligid. Masyadong maraming bisita. Kapwa malalaki at kilalang tao. May mangilan-ngilan ring mga media na pinahintulutang makapasok sa bulwagan. She had enough for that day. Hindi naman siguro kawalan ang presensya niya kung lisanin man niya ang lugar na iyon.

Walang paa-paalam sa kahit na sinumang naroroon ay tinahak ni Scarlett ang daan palabas ng bulwagan at tinungo ang isang suite na inilaan para sa pamilya ng dalawang magkapareha. Mabuti na lamang at kanya kanya sila ng kwarto kung kaya naman kahit papaano ay makakapagpahinga siya ng maayos.

Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama. Ang pagal na pakiramdam ay kinasanayan na niya sa lumipas na maraming taon. Ilang sandali pa ay tinungo na niya ang banyo at inayusan ang sarili.

Kasalukuyan siyang nasa harap ng isang salamin nang mapagmasdan niya ang sarili. Tinignan niya ang kanyang repleksyon. Kung ihahambing sa kanya ang salitang maganda ay humigit pa siya roon. Mula sa magandang hugis ng kanyang mukha ay pinagmasdan niya ang kanyang labi, manipis ngunit makurbang mapupulang labi. Maliit na matangos ang kanyang ilong. Hanggang sa salubungin niya ng tingin ang mga mata sa salamin. Sabi nga, "The eyes are the window of the soul". Sa pamamagitan ng mata ay madali mong makikita kung ano ang damdamin ng mga tao. Maaaring nakakangiti ang mga labi ngunit hindi ang mga mata lalo na kung puno iyon ng kalungkutan. At ang mga mata niya ay hindi lang kalungkutan ang ibinabadya ngunit labis na hinagpis rin.

Ni hindi pa niya nakitang masaya ang sarili sa tunay na kahulugan niyon. Sa tuwina'y kalungkutan na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos. At hindi siya nakatitiyak kung may katapusan nga iyon.

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Scarlett. Marahil ay hindi siya sanay na walang ginagawa bago matulog. Kadalasan kasi ay nag-uuwi pa siya ng trabaho at titigil lang kapag nakaramdam na ng pamimigat ng mga talukap ng mata.

Alas onse trenta y kwatro ng gabi ang nakalagay sa oras ng kanyang cellphone. Inilapag niya iyon sa side table at handa nang pilitin ang sarili na matulog. Ngunit hindi pa man niya naipipikit ang mga mata ay nakarinig siya ng kaluskos na nagmumula sa labas ng silid.

Kunot noo siyang bumangon sa kama. Pinakiramdaman niya ang naririnig na kaluskos sa labas. Ramdam niya na may taong nasa pinto niya.

"S-Sino 'yan?" Takot na tanong niya.

"Scarlett." Bulong ng tao sa labas ng pinto.

At sapat ang bulong na iyon upang makilala ng kanyang sistema ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Andres.

Binuksan niya ang pinto at hindi nga siya nagkamaling ang lalaki ang mapagbubuksan niya ng pinto.

"Andres?" Naguguluhang tanong niya rito. Hindi maintindihan kung ano ang ginagawa ng lalaking ito sa kwarto niya.

"Hi!" Nakangiting sabi nito sa kanya. Medyo nahihiya. "I saw you left the party early. Naisip kong baka hindi ka pa kumain. Kaya heto, pinagdala kita ng food." Anito saka itinuro ang bitbit na isang tray na naglalaman ng pagkain.

Hindi makapaniwalang tinignan niya ito.

"T-Thank you." Aniya saka malawak na ibinukas ang pinto ng kanyang silid upang patuluyin ang lalaki.

Pumasok naman si Andres at ipinatong sa isang bilog na lamesita ang dala-dalang tray.

"Are you okay? May masakit ba sa'yo? Parang namumutla ka?" Tanong ni Andres sa kanya nang lingunin siya nito. Nasa boses nito ang pag-aalala.

"I-I'm fine." Nauutal niyang sagot sa lalaki.

Lingid sa kaalaman ni Andres ay napakadami niyang damdamin na inihatid sa sistema ni Scarlett. Nerbiyos, antisipasyon at kung anu-ano pa.

Totoo naman na mabuti ang pakiramdam niya. Ayos lang siya. Iyon nga lang, bigla na namang umagos sa sistema niya ang kabang nadarama sa tuwing nasa malapit ang binata. Abot-abot na nerbiyos ang nararamdaman niya sa tuwing nagkakalapit sila.

"You don't look okay, Scarlett." Anito.

Buong tapang niyang sinalubong ang tingin ng binata. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya nang mga oras na iyon upang humakbang ng kusa ang kanyang mga paa palapit sa direksyon ng binata. Animo'y may sarili ring isip ang kanyang mga kamay na humaplos sa dibdib ng binata at nangunyapit sa batok nito.

"Scarlett---"

"Love me, Andres. Love me." Kusa ring sambit ng kanyang mga labi.

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now