Chapter Seventeen

936 28 1
                                    

Dedicated toJhennieCapin

Setting you free

Napag-alaman ni Andres mula kay Nana Lora na bukod sa maagang umaalis ng bahay si Scarlett ay ginagabi na rin ito ng uwi. Matapos ang kanilang anibersaryo ay hindi na siya muli pang ipinaghanda ni Scarlett ng damit pangtrabaho pati na rin makakain para sa almusal at hapunan. Hindi pa rin sila nakakapag-usap dahil hindi sila nagkakatagpo sa bahay.

Kaya naman, ipinasya niyang umuwi ng maaga. Iniwan ang sandamakmak na trabaho sa opisina. Nais niyang magkausap na sila ni Scarlett at ayusin ang bagay na ito.

Ilang minuto makalipas ang alas diyes ng gabi ay dumating na si Scarlett. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo para ipagbigay alam dito ang presensya niya. Hindi na siya nagtaka sa mabilis na sulyap na ibinigay nito sa kanya. Just like the past days, her stares were cold and her face are still emotionless.

Karma for him.

"May we talk?" Nananantiya niyang tanong kay Scarlett.

Mataman siya nitong tinignan. Kahit na magkahinang ang kanilang mga mata ay hindi niya mabasa kung ano ang laman ng isipan ni Scarlett. Ngunit nakakaramdam siya ng kaba. Para saan ang kabang iyon?

Pagkuwan ay lumambot ang mukha nito saka lumamlam ang mata. Ngumiti ito. Isang matipid na ngiti kasabay ng isang buntong hininga.

"Sige. Sa study room na lang. May kukunin lang ako sa kwarto." Sabi nito saka nauna ng tumalikod.

Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok saka kinagat ang ibabang labi. Kinakabahan siya at hindi niya mawari kung ano ang nararamdaman niya.

Bumuntong hininga siya saka pailing-iling na tinungo ang study room. Umupo siya sa isang upuan ngunit tumayo rin. Nagpalakad-lakad siya dahil hindi siya mapakali.

What could be wrong? Natanong niya sa sarili.

Ilang minuto lang ang lumipas at pumasok na sa loob ng study room si Scarlett. May dala itong envelope. Bakit parang hindi maganda ang kutob niya sa laman ng envelope na iyon?

Isang malungkot na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni Scarlett habang palapit sa kanya. Agad nitong iniabot sa kanya ang envelope ng magtapat na sila.

Binigyan niya ang babae ng isang nagtatakang tingin bago dahan-dahan tinignan ang laman ng envelope.

Annulment!

Bigla ang pagkabog ng dibdib niya! Tama pala talaga ang kutob niya! Hindi maganda ang mangyayari ngayong gabi.

"I already filed an annulment case for our marriage." Umpisa ni Scarlett. "'Yan 'yung inaasikaso ko the last few days." Anito saka bumuntong hininga.

Pagkatapos ay tiningala siya ni Scarlett. She met his eyes. She sadly smiled while intently looking at him.

"Pasensya ka na, ha. Dinamay pa kita sa gulo ng buhay ko." Mabagal na sabi nito. Her voice full of sadness. "I'm sorry I dragged and trapped you in this horrible marriage. I became... I became so much selfish na hindi ko inisip kung ano ang kahihinatnan ng pagsasamang ito." Her voice faltered. "You were so good, Andres. You deserve more than this." Sabi ni Scarlett.

Tama bang karinggan pa rin niya ito ng papuri para sa kanya? Paano nito nasabi mabuti siya? Wala siyang natatandaang ginawang mabuti para sa babae. Lahat ng ginawa at pinakita niya rito ay puro kasamaan, walang kwenta.

"Pasensya ka na kung... sinayang ko 'yong isang taon ng buhay mo sa walang kwentang pagsasamang 'to. Una pa lang dapat gumawa na 'ko ng paraan para hindi na kita pinahirapan pa sa buhay mo." Patuloy ni Scarlett sa nanginginig na tinig.

"I'm sorry, Andres. I'm so sorry..." Sabi ni Scarlett saka tuluyan ng napabulalas ng iyak. "I'm sorry that I became so greedy of you. Minahal kita kahit pagmamay-ari ka ng iba. Inagaw kita sa dapat na asawa mo. Patawarin mo 'ko." Umiiyak na sabi nito.

"Akala ko," anito saka suminok. "Akala ko, kaya kitang paibigin. Akala ko, magagawa kong makuha ka, makuha ang puso mo. Pero nagkamali ako..." umiling-iling ito. "Hindi pala talaga natuturuan ang puso na magmahal. 'Yong tipong kahit ibigay mo na ang lahat, hindi kailanman magiging sapat sa isang tao na hindi ka naman mahal." Punumpuno ng hinanakit ang tinig ni Scarlett.

"Wala naman akong ibang hinangad kundi ang mahalin din ako. Hindi ko pa kasi naranasan 'yon kahit kailan. Hindi ko pa naranasang mahalin ng mga taong mahalaga sa'kin. Wala na 'kong ibang nakuha kundi ang pagdurusa." Saad ni Scarlett saka pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi nito. "Umasa akong mababago ang lahat ng iyon simula nang makilala kita pero nagkamali ako. Bigo na naman." Patuloy nito. "Pero hindi kita sinisisi." Mabilis na dagdag nito. "Hindi kita sinisisi kung hindi mo ako natutunang mahalin. It was entirely my fault. Nagmahal ako ng isang prinsipe samantalang isang hamak na basura lang naman ako." Panghahamak nito sa sarili.

Maya-maya ay bahaw itong tumawa.

"Hindi ko na nga alam kung ano ang paniniwalaan ko sa buhay ko, eh. Kung...ano ba talaga 'yong totoo?" Matalinghagang pahayag nito. "Sabagay, wala namang magbabago. I've already spent 30 years of my life dealing with loneliness, pain and this unending tears. Isang babae na may miserableng buhay na hindi nababagay sa isang katulad mo." Sabi ni Scarlett saka siya muling tinignan.

Buong pagsuyong tinignan.

"Hayaan mong makabawi ako sa'yo, Andres. Hayaan mong sa pamamagitan ng annulment na ito ay matapos ang pagdurusa mo." Masuyong pahayag ni Scarlett. "I sincerely want your happiness, Andres. You deserve all the good things in this world. At itong annulment lang ang naiisip kong paraan para makamit mo lahat ng iyon." Muling naglandas ang luha sa pisngi nito. "Pinapalaya na kita, Andres. Pinapalaya na kita kahit masakit. Pinapalaya na kita kahit mahirap. Hindi ko na kaya pang makita ka na pinapahirapan ang sarili mo. Pinapalaya na kita, Andres." Anito saka muling humagulgol ng pag-iyak.

Hinayaan niya itong umiyak sa dibdib niya. Hinayaan niya itong maglabas ng loob sa kanya.

Hindi na rin napigilan ni Andres ang mapaluha. Ramdam na ramdam niya ang hinagpis ng kalooban ni Scarlett. Ramdam na ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito. At wala siyang magawa upang maibsan ang lungkot na dinaramdam ng babae, ng asawa niya. Wala siyang maisip na sabihin dito upang gumaan ang loob nito.

Bakit ito pa ang humihingi sa kanya ng tawad? Bakit ito pa ang nagpapalaya? Hindi ba't siya ang dapat na humingi ng tawad dito? Hindi ba't siya ang dapat na nagpapalaya rito?

Siya ang may kasalanan kung bakit naririto sila sa sitwasyong ito. Siya ang dahilan kung bakit naghihirap ngayon si Scarlett. Siya ang dapat na sisihin! Higit sa lahat, siya ang mas dapat na naghihirap ngayon at hindi ito.

Scarlett have soft heart. Hindi nito tinignan ang mga pagkakamali niya. Hindi siya nito sinisi. Ni hindi nagsabi ng mga pagkukulang niya. Inako nito lahat ng pagkakamali. Inari nito ang mga pagkukulang. At ngayon, ito ang nagdurusa sa lahat ng mga kamalian at pagkukulang niya.

Makalipas ang ilang sandali ay tumahan si Scarlett. Pinunasan nito ang mga luha saka tumingala sa kanya. Mapait siya nitong nginitian.

"I'll be leaving, Andres. But I assure you that I will be cooperative in the annulment process. Its ground, unconsumation of marriage. My lawyer told me that just a year or two, magagarantiyahan na ang paghihiwalay natin." She cheerfully said. "Thank you for everything, Andres. Thank you for the memories." Pasalamat sa kanya ng asawa bago siya tuluyang iniwan sa silid na iyon.

=×÷×=×÷×=×÷×=×÷×=×÷×=×÷×=×÷×=×÷×=

Eng shekeeettt, boiii...
Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh...
Ano ka ngayon, Andres, ha???

jenpunongbayan, eto na po update... 😍

Unbreak My HeartWhere stories live. Discover now