Chapter 1

116 5 0
                                    

Chapter 1

Napatakip ako sa magkabilang tainga ko ng marinig ang mga hiyawan ng mga babae sa campus. Tila nakakita ng artista, hindi ko alam kung bakit patay na patay sila sa apat, gayong mga tao lamang din naman sila. Maraming gwapo dito sa Dubi University pero sa kanilang apat lang talaga sila nahuhumaling? Mga ignorante ba sila o talagang malakas lang ang appeal ng apat na ito sa mga babae?

Sus! Mga nakakairita. Nakakairita ang mga babae, nakakairita ang apat na mukha namang mga pugo. Nakakainis!

Talagang routine na nila ang mamalakat sa tuwing papasok ang apat. Ang apat na akala mo artista at may ari ng paaralan. Hindi ko talaga ma gets, araw araw naman nilang nakikita ang pag mumukha ng apat ngunit parang hindi sila mga nag sasawa, mga hindi napapagod. Jussko! Kung sina Lee Min Ho, Lee Jung Suk yan, dyan! Dyan ako mamalakat at mag sisigaw.

Napairap ako sa kawalan habang pinag mamasdan sin Drake, Marcus, Kian at Lienzo na animo'y artista na kumakaway sa mga babae.

"Uy Chanel!"

Agad akong napalingon ng marinig ko ang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko nga sina Ayesha at Zarene na papalapit sa akin. Mga kaibigan ko.

"Kayo pala," tipid na ngiting ibinigay ko sa kanila.

"Okay ka lang?" takang tanong ni Zarene. Bahagya akong tumango.

"Nako! Yung apat na naman ano?" taas kilay na tanong naman ni Ayesha, bahagya akong tumango.

Ayesha and Zarene were my best friends. Zarene became my friend when she transferred here, while Ayesha was my childhood best friend.

"Tsk! Hindi kana nasanay!" Singhal ni Ayesha.

"Sanay na 'yan. Rindi na nga lang." Zarene chuckled, I just shook my head.

Narinig namin ang bell ng school, kaya naman namaalam na sila sa akin. Mag kasabay silang umalis ni Zarene at ako naman ay nag lakad na papunta sa room ko. Mag kaklase silang dalawa dahil parehas ang strand na kinuha nila. Samantalang ako ay sa Gas. Meaning lang hindi pa ako sigurado sa buhay ko kaya 'yun ang kinuha ko.

Naglakad na din ako papunta sa ibang way para dumalo na sa unang klase ko. Nasa may pinto pa lamang ako ay may mala-pulbos na ang bumagsak sa ulo ko at isang malagkit na kung ano ang sumunod.

Agad naman akong napapikit at ninam-nam na lamang ang kung anong bagay ang bumabagsak sa ulo ko.

Here we go again.

Napabuntong hininga ako. Iminulat ko ang mga mata ko, wala akong nakita dahil nabalutan na ng kung ano ang salamin ko. Pinag aksayahan ko pa iyong tanggalin. At kahit malabo ang nakikita ko ay napansin ko roon ang mga natatawang mukha ng mga kaklase ko na nakatingin sa akin. May ibang hagalpak na ang tawa at may iba namang nag pipigil.

Imbes na pag-aksayahan pa sila ng oras ay agad na akong tumalikod at naglakad na papunta sa may cr kapa ang ginawa ko dahil wala akong salamin at malabo ang aking mata. Mabuti na lang at medyo malapit lang ang cr kaya nakarating din naman kaagad ako.

Halos araw-araw ko ata nararanasan ang mga ganitong pangyayari. Kung hindi man ganito ay yung i-lolock ko sa isang liblib na classroom o kung hindi naman ay iwawala ang mga gamit mo hanggang sa hindi mo na talaga sya makita. Wala sa isipin ko ang gumanti dahil alam kong mas-lalala lang kung makikipag away pa ako, ayokong madungisan ang napaka-ganda kong pangalan kaya kung makakapag timpi pa ako mag timpi nalang. Wala din namang magandang mangyayari kung papatol ako.

Napahinga ako ng malalim ng makapasok sa cr, kita ko sa isang malaking salamin kung anong pag-iitsura ang meron ako ngayon. Maputing mukha dahil sa baking powder at may itlog pa ang umaagos sa may buhok ko.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now