Chapter 42

15 3 0
                                    

Chapter 42

"Okay ka na?" tanong ni Ayesha.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon, ito lamang ang palagi naming tambayan sa tuwing walang klase.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Dapat hindi ka muna pumasok." si Zarene.

Umiling ako. "Hindi pupwede. Graduation na natin next week, ilang araw na akong hindi nakaka attend ng practice."

Ilang araw akong na confine sa hospital, napag alaman kong may sakit ako sa puso. Matagal ng alam ni Mama ngunit hindi nya nasabi iyon sa akin. Hinayaan nya akong mag enjoy na hindi alam na may tinatamasa na pala akong sakit. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sakit na ito, wala sa pamilya ni Mama ang may sakit sa puso, wala din naman sa mga Lee.

Kaya siguro bata pa lamang ako ay may something na sa puso ko, akala ko noon ay may hika lamang ako, kaya pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga. Ngunit mas malala pa pala doon ang inaakala ko.

Dagos na problema ito para sa akin, hindi pa ako okay sa family ko. Hindi ko pa matanggap ang lahat, tapos problema ko pa na may sakit ako sa puso. Kaya sa bawat kilos ko ay kailangang maingat. Hindi ako pupwedeng mapagod, hindi rin ako pupwedeng masaktan dahil na ti-trigger ang puso ko.

"Kailan mo binabalak mag pa opera?" Tanong ni Zarene sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko pa alam kung kailan, masyadong malaki ang gagastusin kapag nag pa opera ako, wala kaming ganoong kalaking pera ni Mama."

"Anong ginagawa ng pamilya mo? Anak mayaman ka Chanel, anong walang pera?" Sabi ni Ayesha na hindi ata natanggap ang sinabi ko.

"Apelyido ko lamang ang mayaman, hindi ako. Hindi kami mayaman ni Mama. Ayaw naming humingi ng tulong sa pamilya ni Papa, baka may masabi na naman sila sa amin ni Mama."

"Eh ang Papa mo? Hindi ba't nag kita na kayo? Hindi ba sya nag paplanong ipa opera ka?" Si Zarene na tiningnan ako at nag hihintay ng sagot.

"Matagal kong hindi nakasama si Papa, hindi ata maaatim ng sikmura ko na ngayon pa lamang kami magkikita ay laking problema na agad ang nadala ko sa kanya. Isa pa, may gamot naman na akong iniinom."

"Hindi sapat ang gamot, Chanel. You have a heart disease, hindi 'yan isang klase ng sakit na madaling gamutin." Narinig ko sa boses ni Ayesha ang pagsusumamo.

"Pupwede kitang pahiramin ng pera, Chanel." Ani Zarene na hinawakan ang kamay ko. "Basta magpa opera ka lang. After graduation, go into surgery."

Bahagya akong ngumiti ng madama ang pag-aalala nila.

"Hindi na, hindi pa malala ang sakit ko."

"Chanel!" Iritang tawag ni Ayesha sa pangalan ko. "Kailan ka magpapa opera? Pag malala na? Kapag hindi mo na kaya?! Ang daming araw na pupwede kang magpa surgery!" Dagdag niya na maririnig mo talaga ang iritasyon sa boses niya.

Sana nga ganoong lang kadali ang lahat. Ang daming pumapasok sa isipan ko, gusto kong magpa surgery, pero hindi kami mayaman, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipang papa opera ko. Ayokong umasa sa pamilya ng Papa ko dahil hindi din ganoong kadali. Isa pa sinagutan na ni Lola Immavel ang bill ko sa hospital noong nabaril ako, maging ang ilang gastusin. Hindi ko na kayang muling ipag kaloob ang bayarin sa kanila.

Isa pa, kapag nagpa opera ako, may tyansa na baka hindi na ako magising. Ayokong umasa na magiging successful ang operasyon ko. Dahil walang kasiguraduhan ang lahat.

Naglalakad ako ng mabagal sa hallway, iniisip kung ano na nga bang mangyayari sa buhay ko. Ang malamang may sakit ako sa puso ay nakaka pang lumo, pakiramdam ko ay hindi ako normal na tao tulad ng mga taong nakakasalamuha ko. Ngunit kung ito talaga ang kapalaran ko, wala na akong rason para pigilan pa 'to.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now