Chapter 34

14 3 0
                                    

Chapter 34

Hindi nagtagal si Drake sa hospital dahil may tumawag dito kaya naman nag paalam muna siya. Dumating si Mama na may dala ng mga gamot. Nilapitan ako nito.

"Nakita ko si Drake, galing sya dito. Bakit umalis?" tanong niya na inilagay na ang mga gamot sa may gilid ng kama ko.

"May tumawag po sa kanya, may aasikasuhin po ata."

Bahagya akong natigilan at pinag masdan si Mama na abala sa pag aayos ng gamot. Tiningnan ako nito ng mapansin ang titig ko.

"May problema ba?" tanong niya.

"Sino po palang nag dala sa akin dito sa hospital noong nabaril ako?"

"Si Drake at ang pinsan mo."

"Umalis po ba agad si Drake pagka dala sa akin dito?"

Umiling ito at naupo sa tabi ng kama ko.

"Dalawang araw ka nyang binantayan, nag aantay sa paggising mo. Pero kahapon ng hapon e, umalis ito at may aasikasuhin daw sila ng pinsan mo."

"May aasikasuhin sila ni Marcus?" takang tanong ko. "Tungkol saan naman, Mama?"

"Kaso ata sa mga dumukot sa'yo. Iyon ang pinag uusapan nila ng pinsan mo noong araw na dinala ka dito."

Kung ganon sya ang nag bantay sa akin ng halos dalawang araw? Pero bakit ngayon lang sya nagpakita sa akin? Dahil ba may inaasikaso siya? Pero bakit hindi nya naman nabanggit sa akin ang tungkol doon?

Pinainom lamang ako ni Mama ng gamot at nag tungo na sya sa may couch at binuksan ang TV. Ako naman ay hiniram ang cellphone ni Mama para icheck ang social media acc ko. Tumabad agad sa newsfeed ko ang post na nahuli si Dayson ng mga pulis, nagbasa ako ng comment halos lahat nag tataka kung bakit ito hinuli at may isa naman na nakapag sabi na may kinidnap daw ito. Hindi na naman nailagay sa post kung sino ang kinidnap nito. Mabuti na din para wala ng maki usyosyo pa.

Napatingin kami ni Mama sa pinto ng may kumatok doon. Bumungad agad sa akin sina Ayesha, may mga dala ito na agad lumapit sa akin.

"Hello po Tita." si Leila na binati si Mama, ngumiti naman si Mama sa mga ito at kinuha ang mga dala para ipatong sa lamesa nandoon sa may tabi ng couch.

"Ngayon lang kami, namili kami ng mga prutas. Kaninang umaga sinabi sa amin ni Tita na gising kana daw." Si Ayesha na naupo sa gilid ng kama ko.

"Kamusta ka, Chanel?" si Zarene.

"Okay na naman. Kamusta pala? Hindi ba kayo natuloy sa swimming?" tanong ko sa mga ito.

Pinatay ko ang cellphone at nilapag sa lamesa sa tabi ng kama ko.

"Paano matutuloy kung ganan? Hindi na kami sumama, pero tuloy sila ngayon. Ilan sa team ni Drake ang natuloy." si Ayesha na kinuha ang kamay ko. "Sobrang nag alala kami sa'yo. Hindi namin lubos maisip na ganon ang kahahantungan mo."

"Dayson are in jail na. Drake and your cousin are already handling Dayson's case, para hindi na ito makalaya pa." si Leila na nakatayo katabi ni Zarene.

"Nalaman din namin na si Dayson–"

"Zarene, iabot mo ang mga strawberry, gusto iyon ni Chanel." pagpuputol ni Ayesha sa balak na sabihin ni Zarene.

"Ah, sige sige." aligaga si Zarene na lumapit sa pwesto ni Mama at kinuha ang mga naka plastic na strawberry.

"Ano pala iyong kay Dayson?" takang tanong ko sa dalawa habang si Zarene ay hinuhugasan iyong mga strawberry.

Nakita ko kung paano malito ang mga mata ni Ayesha sa akin. Tumikhim ito at hinaplos ang mga kamay ko.

"May case sya about drugs,"

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now