Chapter 39

16 3 0
                                    

Chapter 39

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay ako ang naging laman ng balita kinabukasan, marami akong nakitang bash tungkol sa akin. Marami ang nagalit at nainis dahil sinira ko daw ang selebrasyon na iyon. Napuno ang internet sa mga pangalan ko, marami akong nababasa na mang-aagaw ako at inakit ko si Drake. Bilang sa daliri ko ang syang nag tanggol para sa akin.

Ginawan ng paraan ng pamilya ko na ireport ang lahat ng issue tungkol sa akin, ngunit kahit anong report nila ay may mga pumupuslit paring mga issue. Marami ang nakapag sasabing sampid ako sa pamilyang Lee at ngayon naman daw ay sinisira ko ang mga Mendez.

Namulat ako sa mundong tanging sarili ko lang ang nakakakilala sa akin, naglalakad na mag isa, walang nakakakilala. Nag iisa lang ang kaibigan ko at iyon ay si Ayesha. Iningatan ko ang reputasyon ko bilang isang humahawak ng titulo sa pagiging valedictorian, iniwasan ko ang gulo kahit na bubully ako, hindi ako lumalaban dahil wala din namang mangyayari.

Ngunit iba na ang naging mundo ko ngayon, lumawak na tila marami na ang nakakakilala sa akin, simula ng umibig ako kay Drake. Marami ang nagalit, marami ang nainggit, marami ang natuwa, maraming nag selos. Hindi ko maintindihan, gusto ko lang naman mapabilang sa normal na mundo, yung kahit anong pagkakamali mo walang ibang may alam, sarili mo lang at ilang taong nakapaligid sa'yo.

Sinubukan kong huwag pansinin ang mga sinasabi ng iba tungkol sa akin, ngunit patagal nang patagal ay marami akong nalalaman. Patagal nang patagal ay mas lalo akong napapaisip.

Kung sino nga ba talaga ako, sino si Chanel sa pagkatao ko. Kilala ko nga ba talaga ang sarili ko? O kinikilala ko palang?

"Okay ka lang?"

Natigilan ako sa pagkain at nag angat ng tingin sa mga kaibigan ko. Nag-aalala silang nakatingin sa akin, pinag mamasdan ang reaksyon ko.

"Huwag mo ng pansinin 'yung sinasabi ng iba. Halos buwan na din naman simula ng mangyari iyon, okay naman kayo ni Drake. Hindi naman nasira ang relasyon nyo." sabi ni Ayesha na nginitian ako.

Ilang buwan na ang lumipas pero parang hindi humuhupa ang issueng meron ako. Palagi din silang nandyan para ipag tanggol ako. Drake was there too, iyon na lang ang tanging nag papagaan sa puso ko.

"Kamusta na pala iyong sa Papa mo?" tanong ni Zarene.

Umayos ako ng upo at tiningnan sila. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, kahit inuulan ako ng mga batikos ay sinubukan ko paring hanapin si Papa sa abot ng makakaya ko. Simula noon ay hindi na nawala ang mukha nya sa isipan ko, ilang beses kong kinausap si Mama tungkol kay Papa ngunit parang hindi sya interesado na malaman iyon. Hindi rin bakas sa mukha nya na natutuwa sya. Siguro ay dahil hanggang ngayon ay nag dudusa parin sya sa sakit na naramdaman nya noong umalis si Papa.

"Oo nga, Chanel. Ano na bang balita sa Papa mo? Nahanap mo na ba?" Tanong naman ni Leila.

Umiling ako, simula ng subukan kong hanapin si Papa. Hindi ko na ulit namataan pa ang hibla ng anino niya. Ayokong isiping namamalikmata lang ako dahil kitang kita talaga sya ng dalawang mata ko. Hindi ako pupwedeng magkamali doon.

"Hinanap nyo ba simula noong hindi sya nag paramdaman sa inyo?" Tanong ulit ni Leila.

Tumango ako. "Hinanap namin, halos nagugol ni Mama lahat ng oras nya para hanapin si Papa."

"Hindi kaya may pamilya na?" takang tanong ni Ayesha.

Nagkibit balikat ako. "Kung ganon man, okay lang."

"Hindi ka magagalit? Kasi syempre, iniwan ka tapos malalaman mo na may anak na pala."

Magagalit ba ako? Siguro ay hindi, dipende na lang sa magiging paliwanag nya. Ang gusto ko talaga ay malaman kung anong rason ng pag iwan nya sa amin ni Mama. At kung ang rason na iyon ay gusto nya ng bagong pamilya. Baka... baka magalit ako, baka ikasuklam ko sya ng buong puso. At baka kalimutan kong ama ko siya, kasi ang pangit ng rason nya kung ganon. Iiwan nya kami para lang sa bagong pamilyang gusto nya? Edi sana hindi nya na lang binuntis si Mama. Kung hindi pala sya handa para kay Mama, sana iniwan nya na lang ito at hindi na ako ginawa pa.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon