Chapter 13

30 4 0
                                    

Chapter 13

Tulala akong lumabas ng faculty ni Ms. Veron. Ang dami nyang sinabi sa akin na kailangan ko daw itutor si Drake dahil mababa ang grado nito sa kanya. At gusto daw ng Mommy nito na may matutunan si Drake. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko, hindi kami magkaka sundo noon for sure. Baka hindi din ako tumagal na turuan sya.

"Hindi ka pa nakakauwi?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may nag salita sa harapan ko. Napaatras ako ng makita ko si Drake sa harapan ko.

Speaking of the devil. Nakakainis naman! Edi araw araw ko na din pala talaga syang makakasama, kung ganon araw araw akong ma i-istress sa kanya.

"Ano? Bakit galit ka?" takang tanong nito.

"Wala epal ka. Umalis ka nga!" inis akong nilagpasan sya.

"Lagi kang galit sa mundo." aniyang nainis din ata.

Nilingon ko sya, nakataas ang isang kilay ko.

"Hindi sa mundo, sa'yo. Lagi akong galit sa'yo."
Nakita kong nag iba ang aura nito, nakangisi na ito at tila pinipigalan ang tawa.

"Sabay kana sakin, mag didilim na din. Wag kanang mag lakad." aniyang malambing kaya naramdaman ko na agad ang bilis ng tibok ng puso ko.

"A-ayoko nga." ramdam kong tila mapaos ang boses ko.

Ano na naman ba itong nararamdaman ko? Parang ang abnormal ng puso ko kapag ganto si Drake. Naiinis ako pero gusto ko 'tong ginagawa nya.

"Antayin mo ako, pupunta lang ako kay Ms. Veron. Pinapatawag nya ako e." aniyang paalis na sana ngunit pinigilan ko sya.

"Kahit wag kanang pumunta ako na mag sasabi sa'yo." sabi kong bumuntong hininga pa.

"Ha?"

"Mag tu-tutor ako sa'yo sa subject nya. Kakalabas ko lang din kanina noong nakita mo ako, sabi nya itutor daw kita."

"Bakit naman daw?"

Napairap ako, ngayon alam ko na kung bakit need ko syang itutor.

"Oo alam kong mababa ako sa subject nya. Ang mga mata mo halatang iniisip kung gaano ako kabobo. I mean hindi naman na need, kaya kong mag aral mag isa." aniyang nahalata ata ang iniisip ko.

"Kahit ako, hindi ko need mag tutor sa'yo. Pero request din ng Mommy mo."

Nakita kong may ngiting sumilay sa mga labi nya kaya tiningnan ko ito ng masama, mabilis nag seryoso ang mukha nya.

"Kung ganon hahatid na kita, text ko na lang si Ms. Veron na alam ko na."

"Ayoko. May mga paa ako at kaya nya akong iuwi sa bahay ko."

"Arte mo." aniya ay inunahan na ako sa paglalakad.

No choice na lang ako na sumunod na kanya. Kahit naman ayokong sumakay ay sige na, tinatamad din akong maglakad. Tyaka tama sya dumidilim na, wala naman na akong pwedeng masabayan pa.

"Ano? Seryoso? Kailan ka mag uumpisa?" tanong ni Ayesha sa kabilang linya.

Nasa bahay na ako ngayon at bago ko nga sinabi sa kanya ang tungkol nga doon sa tutor ay tinanong ko muna sya kung okay na ba kami, kung hindi na ba sya galit sa akin. Sabi nya naman ay hindi naman daw sya galit basta konting distansya lang daw para kay Lienzo, tinatanong ko sya kung bakit ba, ano bang problema nya. Pero wala syang ibang sinasabi kundi mag tiwala ako sa sinasabi nya.

"I don't know hindi naman nasabi ni Ms. Veron kung kailan pero siguro bukas ipapatawag nya ulit ako at baka kasama na naman si Drake." suminghap ako at dumapa sa kama.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now