Chapter 10

31 2 0
                                    

Chapter 10

Pagkatapos kong maligo ay napatingin muli ako sa salamin ng banyo. At iginala ko ng mabuti ang mata ko sa kasuotan ko. Tila nawala ang ngiti sa mga mata at labi ko dahil sa duda at kaba na baka hindi parin ako ka level ng mga babae sa party na iyon.

Masyado akong malayo sa kanila. Hindi nila ako katulad, hindi ko alam kung nababagay ba ako sa party na iyon.

Natigilan ako ng kumatok si mama kaya naman muli akong tumingin sa salamin at bumuntong hiningang lumabas.

"Ayusan na kita." bungad ni mama sa akin ng makalabas ako ng banyo.

Tumango lamang ako. Si Mama ay nasa mid 30's palang, kahit nanay na sya ay hindi naman sya katulad ko na walang alam sa mga paglalagay ng kuloreta sa mukha. Hanggang pulbo at lip gloss lang ako.

Pagkatapos akong ayusan ni Mama ay muli kong nakita ang sarili ko sa harap ng salamin, tila nakailang kurap ako. Panay ang pintig ng puso ko sa sobrang saya.

Ang ganda ko...

Nakangiti kong pinag masdan ang sarili ko. Ako ba talaga 'to? Hindi ba parang ang layo ko sa noon?

"Ano? Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong saakin ni Mama habang nakaharap sa may salamin.

"Sobra ma, hindi ko na makilala ang sarili ko, dahil sa ayos na ginawa mo." sabi kong may ngiti sa mga labi.

"Lagyan ko na ng contact lens 'yang mata mo." pangunguna ni Mama at tumango na lang ako.

Medyo may kalabuan na kasi ang mata ko at hindi ako sanay na walang salamin. Marunong naman akong mag lagay ng contact lens dahil gumagamit din ako nito ang kaso mas nagustuhan ko ang salamin, parang doon ako mas komportable.

Pagkatapos akong lagyan ni mama ng contact lens sa mata ay muli akong humarap sa salamin. Doon ko napag isipang, ka level na ako ng mga babaeng inaasam-asam nila Drake.

Natigilan kami ni Mama ng may bumusina pamula sa labas ng bahay namin kaya naman nag paalam si Mama upang bumaba ng kwarto ko at tingnan iyon.

Nanatili akong nakaharap sa salamin. Tila parang panaginip lamang ang nangyayari na ito, hindi ko inaakalang mas makikita pa ang kagandahan ko kung mag aayos talaga ako.

Nag desisyon na din naman akong bumaba ng kwarto, naabutan ko nga si Mama na pinapasok si Lienzo sa loob ng bahay namin. Ang gwapo nito sa suot nyang tuxedo.

"Hi..." bati ko sa kanya, bahagya pa syang natigilan bago ako batiin.

"Uhm... hi Chanel." aniyang medyo nahihiya ata sa hindi ko malamang dahilan.

Tumaas ang dalawa kong kilay. "Bakit ikaw? I mean, yung pinsan ko nasaan?"

"Sabi ko naman diba, kakausapin ko si Marcus para ako ang sumundo sa'yo." malapad itong ngumiti sa akin.

"Talagang ginawa mo?" gulat na tanong ko rito, tumango ito at lumingon kay mama.

"Tita, hihiramin ko po muna ang anak ninyo, we will take care of her."

"Salamat hijo, mag iingat kayo." ani mama na nilingon pa ako.

Nag paalam na rin naman kami ni Lienzo kay mama at lumabas na. Iginiya nya pa ako sa kanyang sasakyan, pinagbuksan ako nito ng pinto at pumasok na ako roon.

Nag paalam pa muli sya kay mama at sumunod na din naman sa akin pumasok ng sasakyan. Nag seat belt lang kami pareho at pinaandar nya na iyon.

Tahimik lang kami sa buong biyahe, nahihiya akong mag salita, hindi ko alam bakit parang sobrang tense ng paligid.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now