Chapter 32

21 2 0
                                    

Chapter 32

Nagising ako kinaumagahan. Wala na si Drake sa tabi ko, may suot na din akong damit. Binihisan nya ako?

Iginala ko ang paningin sa loob ng kwarto ko, hindi ito magulo. Maging ang table sa may study area ay ayos na ayos. I literally imagine what happened last night and I feel the pain on my part.

Bumangon ako sa kama ko, napaupo ako saglit ng maramdaman ang hapdi ng gitnang bahagi ko. Damn! This is fucking pain.

Pumasok ako sa banyo at tinitigan ang sarili sa salamin. Pinag masdan ko din ang suot ko. Iyong suot ko parin kagabi ang nasa katawan ko. How did he dress me?

Suminghap ako at umiling na lamang. Nag hilamos ako ng aking mukha at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok. Lumabas ako ng banyo, dumiretsyo ako sa pintuan ng kwarto ko at lumabas din doon.

Wala pa akong naririnig na ingay, hindi pa siguro gising ang pinsan ko. Siguro ay umuwi na si Drake at Kian dahil iyon ang sabi nila sa akin kagabi. Na dito lang sila mag papalipas ng gabi.

Bumaba ako ng hagdan. Dumiretsyo ako sa kusina at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Drake na abala sa pagluluto roon. Suot nito ang damit na pinahiram ko sa kanya kagabi, magulo pa ang buhok nito pero andoon pa rin ang kagwapuhan nya.

"Good morning." Bati niya sa akin.

"Good morning." Bati ko pabalik.

Nakita kong may timpla ng gatas sa lamesa. Nilingon ko si Drake na nakangiting nakatingin sa akin.

"How's your sleep?"

"It's good." Sabi ko at tumikhim.

Naupo ako sa upuan at kinuha na iyong gatas. Did he really ask me how's my sleep? Puyat ako 'no.

"Masakit pa ba?"

Halos masamid ako sa tanong nyang iyon. Lalo na ng pumasok si Marcus at Kian sa kusina, halatang bagong gising ba dahil nag kukusot pa sila ng kanilang mata.

"Sakit ng ulo ko, tangina." Si Marcus na agad pumunta sa banyo.

Si Kian naman ay naupo sa tabi ko at sumandal sa kinauupuan.

Tiningnan ko si Drake at pinanlisikan ng mata. Ang mokong nakangiti pa.

Pagkatapos ni Drake may luto ay nag hain na sya para sa amin. Pinag lagay nya ako ng pagkain sa plato, si Marcus at Kian naman ay sariling kuha.

"Anong oras tayo nakauwi?" Si Marcus habang ngumunguya ng pagkain nya.

"1 AM." Si Drake na ngayon ay seryosong kumakain sa tapat ko.

"Dito na din pala kayo natulog." Dagdag ng pinsan ko.

"Magkasama tayo sa guest room. Ewan ko si Drake kung saan natulog."

Natigilan ako sa pagkain ng sabihin iyon ni Kian. Nilingon ko ito na abala sa kanyang kinakain, maging si Marcus ay ganoon din. Nilingon ko naman si Drake na nakatingin sa akin ngayon.

"Sa sala ako natulog, you both snore, I can not sleep."

Sinungaling. Magkatabi kaming natulog kagabi. Oh well, I can't tell that.

"Talaga? Bumaba ako ng 4 AM wala ka naman dyan."

Kinuha ko ang tubig at nag salin sa baso ko. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako sa sinasabi ni Kian ngayon. Hinuhuli nya ba kaming dalawa ni Drake? O may alam sya? No way!

"Hindi ako makatulog, namamahay ako kaya lumabas muna ako."

Nilingon ko si Drake, seryoso lamang itong kumakain. Hindi halatang guilty habang ako dito ay pinagpapawisan na.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now