Chapter 3

44 3 0
                                    

Chapter 3

Laking gulat ko ng bigla akong kuwelyuhan ni Vrixie.

"Sabi ko naman sa'yo hindi pa ako tapos diba?" maangas na sabi nya kaya natigilan ako lalo.

Pinag titinginan na kami ng iba pa naming kaklase at iba pang mga estudyante. Tumingin ako sa paligid, hinanap ang pinsan ko ngunit wala akong nakitang Marcus. Where the hell he is? Kanina ay kasama ko lang sya bakit agad syang nawala? Alam nya bang mangyayari ito sa akin kaya tinakasan nya ako?

Nilingon ko si Vrixie na halata na sa mukhang nanggigigil sa akin. Akala ko tapos na, pero heto na naman kami. Nagsisimula na naman, Simula ng bullyhin ako nina Drake ay halos lahat na sila binubully ako. Bakit parang naiiyak ako? Eh sanay na naman ako sa routine ng mga estudyante dito tuwing umaga.

"Ano bakit ka naiyak? Grabe tapang na tapang mo kahapon tapos ngayon naiyak ka? Sa'n na 'yung Chanel na nakalaban ko kahapon ha?" natatawang tanong nya.

"Pwede ba!" patapon kong tinanggal 'yung kamay nya sa kuwelyo ng uniform ko.

Tama Chanel fight! Wag mong hayaan na apakan ka nila.

"Aba lumalaban..."

"Pwede ba tigilan mo na ako! Wala akong kasalanan sa'yo Vrixie." sigaw ko sa kanya.

"Wala? At paano ka nakakasiguro ha?"

"Dahil wala nga eh! Ni hindi ko nga alam kung anong ikinagagalit mo sa akin." dinidiinan ko lahat ng salita na ibinabato ko sa kanya.

"What? Hindi mo alam? Diba nasabi ko na sa'yo kahapon?"

"Pero wala nga akong kasalanan Vrixie. Alin ba? Yung mang-aagaw ako? Vrix naman sa itsura ko bang ito mag kakagusto sa akin si Drake? Utang na loob Vrixie alam mo at kita ng dalawang mata mo kung paano ako bullyhin ni Drake hindi ba? Kita rin ng dalawang mata mo kung paano ako magalit sa kanya, kaya paano mo masasabing inaagawan kita? Vrix naman tama na! Pagod na pagod na ako sa pambubully ng iba, tapos dadag-dag ka pa? Napaka walang kwenta ng mga binibintang mo sa akin Vri–"

Napatigil ako sa pag sasalita ng bigla nya akong hawakan sa baba at mariin nyang pinisil ang aking mag kabilang pisngi.

"Wag mo nga akong pag mukhaing tanga Chanel, akala mo ba hindi ko napapansin na may gusto sya sa'yo? Baka nga pagpapanggap na 'yung pambubully nya eh para mapansin mo."

Inis ko ulit na inalis 'yung kamay nya sa may pisngi ko. "Kung nag aaway tayo dahil kay Drake pwes itigil na natin 'to. Wala akong alam sa mga sinasabi mo, tyaka ano ba Vrixie lalaki lang 'yon! Ganyan ka ba ka desperada ha? Gagawin mo ang lahat para bumalik sa'yo si Drake? Utang na loob Vrix tumigil kana dahil kahit kailan hindi na magiging kayo ni Dra--!"

Isang malakas na sampal ang natamo ko sa kaliwang pisngi ko at doon palang lumag-lag na ang luha ko. Pagod na ako, ngayon ko nararamdaman ang pagod at sakit. Ngayon ko nararamdaman ang lahat-lahat. Akala ko talaga manhid na ako pagdating sa ganito pero hindi parin pala.

Bahagya kong pinunasan ang luha ko at humarap ulit sa kanya. Nagulat na lang ako dahil bigla nyang itinaas 'yung kaliwang kamay nya na aktong sasampalin na naman ako kaya napapikit ako.

Ilang segundo akong nag antay ng pag lapat ng kamay nya sa pisngi ko pero wala akong naramdaman, kaya unti-unti kong iminulat ang aking mata at laking gulat ko ng makitang hawak-hawak na ni Lienzo ang kamay ni Vrixie.

"L-lienzo..." kabadong bigkas ni Vrixie sa pangalan ni Lienzo. "A-anong... Anong ginagawa mo?"

"Tigilan mo na 'to Vrix, wag kang gumawa ng gulo." mahinahon na sabi ni Lienzo at agad nyang binitiwan ang kamay ni Vrixie.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now