Chapter 25

26 3 0
                                    

Chapter 25

"Manonood ka ng laro nila Drake? Kalaban nila 'yung taga kabilang school." sabi ni Zarene na kasama kong bumibili ng pagkain sa cafeteria.

Noong isang araw pa nag simula ang laro nila Drake, kapag nanalo sila sa laro ngayon ay mapapasama sila sa semi finals. Hindi ako nakanood nitong dumaan na araw dahil busy ako sa maraming bagay. Isapa gumagawa ako ng way upang kahit papaano ay maka distansya ako sa kanya. Kahit madami kaming way upang makapag usap ay iniiwasan ko parin.

Nandito na naman ako sa katayuan kong iiwasan ko sya ng iiwasan pero at the end mahuhulog at mahuhulog parin ako sa kanya.

"Pansin ko lang, hindi na kayo masyadong nagsasama ni Drake? LQ kayo?" tanong niya.

Binayaran na namin ang pagkain namin, nasa table na si Ayesha at Leila at nag aantay na nag pagkain namin.

Umiling ako. "Busy lamang sya, busy din ako. Tyaka kailangan nyang mag focus sa laro nya."

Tila hindi sya naniwala sa sinabi ko. Nag tungo na kami sa table namin. Inilapag na naming dalawa ang mga biniling pagkain at naupo na. Kumain na lamang ako upang hindi na mapansin pa ni Zarene ang pag iwas ko sa kanya.

"Will you watch Drake's game? Chanel?" tanong ni Leila.

Umiling ako. "Madami akong ginagawa e."

"Like?" tanong nya pang muli.

Napatingin ako sa kanila, tila nag aantay sila ng sasabihin ko. Bahagya akong ngumiti sa kanila.

"Sa semi at finals na lang ako manonood." sabi ko.

"Bakit ba? Ano bang ginagawa mo? Wala naman tayong klase, wala din naman sigurong binigay yung mga guro ng gawain? Kaya anong gagawin mo? Noong isang araw pa nag start ang laro nila Drake pero never kitang nakita sa court para manood." si Ayesha na nahihinuha ko ang pagtataka.

"May mga kailangan lang talaga akong gawain. Alam ni Drake iyon."

"Sinungaling. Drake was not in the mood lately. Wala syang kagana-gana mag laro nitong nag start na ang laro nila. I bet he was thinking about you. Magkaaway ba kayo? Nag iiwasan kayo pansin namin."

This is it. I was planning to not open this topic but Ayesha did. And I know papaulanan nila na ako ng mga tanong kung hindi pa ako mag iisip ng dahilan.

"Hindi kami mag kaaway, were just busy. That's it." sabi ko at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.

Hindi ako nakatakas sa kakulitan nila, kaya nag desisyon na lamang akong manood upang hindi na sila mag tanong pa. Hindi ko na alam ang idadahilan ko, ayoko din naman na malaman nila iyong tungkol sa arranged marriage ni Drake to his ex? I don't know. Nalilito na ako, at kung sasabihin ko sa kanila pa ang tungkol doon ay maguguluhan lang din sila, baka magalit din sila kay Drake. Lalo na ang pinsan ko.

Nakaupo na kami sa mga benches ng court. Madami na ang mga nanonood galing sa ibang school at sa school namin. May mga kani-kanila na ding banner. Rinig na rinig ko din ang mga hiyawan ng mga kababaihan sa mga pangalan ng manlalaro. Naririnig ko din ang pangalan ni Drake.

Wala pa sila at mukhang nagbibihis na, busy na ang ilang referee, semi finals at finals pa kami naka schedule para sa pag aabot ng tubig at towel sa mga manlalaro. Kaya iyon talaga ang araw na binabalak kong manood. Ngunit dahil sa kakulitin ng mga kaibigan ko ay wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila dito.

"Sina Drake!" sigaw ni Ayesha sa gilid ko. Tumingin ako sa kung saan lumabas sina Drake kasama ang ilang mga manlalaro.

Namataan ko ang mata nya na tila may hinahanap. Nag iwas ako ng tingin dahil alam ko naman sa sarili kong ako iyon. Lalo na noong tumayo si Ayesha at sinigaw nya ang pangalan ni Drake.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now