Chapter 40

18 3 0
                                    

Chapter 40

“Maganda ba Chanel?” tanong ni Ate Samara sa akin ng ipakita nya sa akin ang isang dress.

Tumango ako at ngumiti. Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon at namimili ng kung ano-ano, friday ngayon kaya naman tinuloy ni Ate Samara ang plano nyang mag sha-shopping kami ngayong araw.

Nagulat ako ng ibinigay ni Ate Samara sa akin iyong dress. Hindi ko na nagawang ibalik sa kanya dahil tumalikod na ito, muli syang naglakad-lakad.

“Chanel, maghanap ka din ng sa'yo dyan. Don't worry about the bill, this is my treat.” Sabi ni Ate Samara at nagtungo na sa likod ng mga damit.

Hindi na ako tumanggi at nag hanap na ng magagandang damit. Ilan na ang pang itaas na kinuha ko, kaya naman nag hanap ako ng dress, I like dress kaya naagaw ng pansin ko ang isang casual dress na kulay violet, hindi gaano katingkad ang kulay niya kaya nagustuhan ko, simple lang ang design, may ribbon sa gilid pero kung titingnan mo ay mamahalin.

Lumapit ako doon at inabot, pero bago pa makuha ng kamay ko iyon ay may kumuha na noon.

“Oh… I’m sorry.”

Nilingon ko iyon at namataan ko si Brianna. Malapad ang ngiti niyang nakatingin sa akin habang hawak iyong dress na balak ko sanang kunin.

“Aagawain mo din ba sakin? Tulad ng pag agaw mo kay Drake?” mapang asar itong ngumiti sa akin.

Nangunot ang noo ko, lalo ng mapansin kong nakatingin sa amin ang ibang mga sales lady.

“Nasa’yo na kukunin ko pa ba?” tanong ko sa kanya.

Tatalikudan ko na sana ito para hindi na lumaki pa ang kung anong mangyayari ngunit mabilis itong nag salita kaya natigilan ako.

“Nagawa mo ngang agawain ang taong mahal ko, hindi na bago sa’yo iyon Chanel.”

Suminghap ako, nasaan na ba si Ate Samara? Gusto ko ng umalis sa lugar na ito dahil pinag titinginan na kami ng ibang mga naririto. Ayokong sumama ang tingin ng mga tao sa akin dahil lamang sa mga mali-maling bintang ng babaeng ito sa akin.

“Hindi ko sya inagaw, huwag kang gumawa ng eksena Brianna.” kalmado kong pakiusap sa kanya.

“Inagaw mo sya! We were supposed to get married pero bida-bida ka!” dinuro niya ako.
Hindi na ako pumalag, hinayaan ko sya sa gusto nyang gawain. Kung mag sasalita pa ako ay mas lalo lamang lalaki. Isa pa wala naman na akong dapat sabihin pa dahil alam ko sa sarili ko na wala akong inagaw. At alam ng babaeng ito na matagal na silang hiwalay ng pumasok ako. Gumagawa lamang sya ng eksena para muling bigyan ako ng issue.

“Kung alam ko lang na ikaw iyong babaeng nabangga ko noon, sana hindi na ako humingi pa ng paulit-ulit na tawad sa’yo. Kasi mang-aagaw ka!” tinulak niya ako, mahina lamang iyon kaya hindi ako natumba.

Nagtaka ako sa sinabi nya, nabangga? Saan? Kaya ba parang familiar sa akin ang mukha nya ay dahil nakita ko na sya? Hindi ko maalala.

“You ruined everything Chanel! Dahil sa pagiging malandi mo nawala sa akin si Drake! Dahil sa’yo kaya hindi matutuloy ang kasal naming dalawa!” muli niya akong tinulak kaya napa antras ako dahil may bwelo na ang tulak niyang iyon.

“Hindi ko sya inagaw. Wala akong inagaw sa’yo. Hiwalay na kayo ni Drake bago pa ako pumasok sa pakikipagrelasyon sa kanya.” sabi ko.

“Hindi kami hiwalay! I'm only in the US and I'm studying there. Pero hindi kami hiwalay! We’re planning to get married when I'm back here in philippines! But you stole him!” kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. “Malandi ka!” balak nya sana akong sampalin ngunit mabilis na nakuha ni Ate Samara ang kamay niya at tinapon ‘yon palayo.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now