Chapter 20

26 3 0
                                    

Chapter 20

Balisa akong pumasok sa school, halos patanghali na yung subject na mga naabutan ko. Hindi ko alam parang pinaglalaruan ako ng mundo. Gustong gusto talaga yung nasasaktan ako, yung halos mamatay ako sa sakit ng pakiramdam.

Iniwasan ko si Drake, ang pinsan ko, lahat. Maging sina Ayesha at Zarene na patuloy akong tinetext ay hindi ko nirereplyan. They fool me, they lie to me. Hindi kayang sikmurain ng pagkatao ko kung papaano nila ako pinaikot.

Nang araw na iyon ay marami ng naglabasang chismis about sa humor girlfriend ni Lienzo. Parang dati rati wala akong naririnig about sa kanya, nakalabas lang ba ito dahil alam ko na? Talagang planado ang pangyayari.

Wala siya sa klase namin kanina, hindi ba sya pumasok dahil sa kasalanan nya sa akin?

Napasinghap ako bago tumayo sa kinauupuan ko, lumabas ako ng Classroom. Gusto kong mahanap si Leila, gusto kong malaman kung alam nya ba 'to. Na kung bakit sya pumayag. Gusto kong malaman upang mapawi kahit papaano ang galit ko, gusto kong malaman kung bakit ginawa ito ni Lienzo sa akin.

Palakad lakad lamang ako sa kabuuan ng university. Ni hibla ng buhok nila ay hindi ko matanaw tanaw. Wala akong ibang naisip kundi ang pumunta na lamang sa hideouts nila. Kung naroroon man sina Drake wala na akong pakialam. I need to know everything, hindi sapat ang mga nalaman ko kahapon.

Nakarating ako sa hideout. Wala akong nakitang tao, wala sina Drake. Wala ni isa, bumuntong hininga na lamang ako bago nahiga sa sofa.

Tila tinatakasan ako ng katotohanan, siguro nga ang mga narinig ko kahapon ay sapat na para huwag ng umasa pa na may totoo pa sa lahat.

"Kailan nya pa nalaman?"

Natigilan ako ng marinig ang boses ng isang babae. Bumangon ako sa pagkakahiga at inalam kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

"Kahapon. She was mad at me, Leila."

Naitikom ko ang bibig ko ng marinig ang boses ni Lienzo. Lumapit ako sa isang pintong bukas at doon nga'y natanaw ko sila ni Leila na nakaupo sa isang kama.

"Of course she is! You fooled her! Umaasa iyong tao sa'yo!" Sigaw ni Leila.

Kitang kita ko ang luhang tumakas sa kanyang mga mata.

"Hindi sya umasa sakin Leila. Hindi ako gusto ni Chanel. Si Drake ang gusto nya."

Nakita kong natigilan si Leila. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko kailanman nakitaan ng pag tingin ss akin si Chanel. Sinubukan ko ang makakaya ko para sa akin matuon ang atensyon nya ngunit hindi ko iyon makita sa kanya. Alam mong ginawa ko 'tong kagaguhang plano na 'to para paglapitin ang dalawa. Kahit na alam kong marami akong masasaktan, kahit alam kong masasaktan kita Leila."

Plano? Plano nya ito para pag lapitin kami ni Drake? Bakit? Anong dahilan? Gusto nyang pag selosin si Drake ganon ba? Tapos sa akin gusto nyang malaman na gusto ko si Drake ganon? Ganon ang gusto nya?

"I'm a red flag I know. Pero tumulong lang ako, kahit alam kong hindi dapat ako nangialam pero naiinis ako dahil parehas lamang silang nagpapakiramdaman. Gusto ko lamang maging totoo sila sa nararamdaman nila, pero mukhang mali yung naging plano ko. Dahil bukod sa nakasakit ako ng ibang tao, I hurt the girl I love the most." Dagdag ni Lienzo na marahang hinaplos ang pisngi ni Leila.

Kitang kita ko ang mga pag sisisi sa mga mata ni Lienzo. Parang napawi ang kung ano mang galit na naramdaman ko. He did this because he cares for Drake's feelings. Imbes na maging mabuti syang Boyfriend, naging mabuti syang kaibigan. Sinakripisyo nya ang relasyon nya para kay Leila para lamang sa kaibigan nya.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now