Chapter 38

20 3 0
                                    

Chapter 38

Ilang oras na ang nakalipas, nagsimula na ang party. Pero wala paring Drake ang syang nagpapakita sa akin. Kasama na namin sa table si Kian at Lienzo, maging sila ay hindi pa nakikita ang kaibigan nila.

"Ladies and gentlemen, let's all give a big round of applause as we welcome the star of the evening, Madame Victoria Mendez!" Iyon ang sigaw ng Emcee bago lahat ng tao ay syang nag tayuan at nag palakpakan.

Tumayo din ako at pumalaklak, bakas sa mukha ko ang kaba ng makita ko si Drake na syang hawak ang kanyang Lola sa kamay na umakyat sa maliit na stage.

Mas lalong nagpalakpak at nag sigawan ang mga tao lalo nang magbiro ang emcee na agad ikinatawa ni Drake kaya kitang kita ang kagwapuhan nito sa kanyang ngiti.

Huminto ang palakpakan, umalis si Drake sa stage at nagtungo sa isang mahabang table. Sinundan ko lamang sya ng tingin hanggang sa napagtanto kong naroroon din pala si Brianna.

Nagulat pa ako noong hinalikan ni Brianna si Drake sa pisngi, mabilis akong nag iwas ng tingin upang hindi ko na makita pa ang susunod na mangyayari.

Pakiramdam ko ay nangingilid ang luha sa aking mata. Pinapunta nya ba ako dito para ipamukha sa aking nagkabalikan na sila ni Brianna? What is the meaning of this? Why did he invite me on his Lola's birthday? Gusto nyang ipasaksi sa akin ang mga magaganap? How dare he!

Hindi ko na alam ang mga sinabi ng Lola ni Drake dahil naupo na ako kahit lahat sa kanila ay nakatayo parin, masyado ng nanlalambot ang tuhod ko.

"Chanel!" Marcus called my name.

Katabi ko si Ate Samara habang siya naman ay katabi ni Ate Samara kaya nilingon nya pa ako para lamang makita.

"What's wrong?" Tanong niya, nilingon na din ako ng ibang kasama namin sa mesa.

"Masakit lang 'yung paa ko." Pag dadahilan ko.

"Are you alright?" Tanong naman ni Kian na nasa tabi ko.

Tumango ako.

"Oo okay lang, masyado lang mataas ang heels nitong suot ko sa paa."

Bahagya siyang tumango at tumingin na muli sa unahan, ako naman ay nagpapanggap na masakit nga ang paa dahil iyon ang dinahilan ko sa kanila.

Pagkatapos ng mahabang sanaysay ng Lola ni Drake ay naupo na sila. Si Ate Samara ay tiningnan ako.

"Masakit padin?" Tanong nya sa akin.

"Medyo po."

"Marcus, akin na sapatos mo." Aniya kay Marcus na nanahimik sa tabi.

"Bakit?" Nakakunot nyang tanong.

"Masakit na ang paa ni, Chanel."

"Huh? Ay bakit sakin? Ano yung mataas nyang heels ang isusuot ko? Edi paa ko naman ang nanakit? No. As in no way. Magka paltos pa paa ko dyan." Tiningnan ako ni Marcus.

Inirapan ko ito at nilingon si Ate Samara.

"Hayaan mo na po Ate, ipapahinga ko lang po ito."

"Sigurado ka? Kapag hindi kana comfy, just tell me. Gagawa ako ng paraan."

Tumango ako, masyado ata akong pinagpala sa pinsan kong ito. Except sa isa nakakairita sya.

May mga hinain na sa aming mga pagkain. Nag umpisa na silang kumain habang ako ay nakatitig lamang sa aking pinggan na puro gulay samantalang ang iba ay may mga meat. Bakit naman ganito ang sinerve sa akin? I'm not a vegetarian my god!

Tiningnan ko si Marcus na taimtim na kumakain. Tinawag ko ito kaya nilingon nya ako.

"What? Don't bother me okay?"

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now