Chapter 30

20 3 0
                                    

Chapter 30

Mas marami na ang tao sa covered court, kumpara sa semi finals. Mas dumog ngayon ang tao. Ang iba ay nakatayo na dahil wala ng space para sa upuan. Tinitigan ko ang paligid, may mga banner ang Dubi university. May mga mukha pa nila Drake. Sa kabilang banda ay ang Agase University.

Napalingon ako sa gilid ko ng makita ko sina Vrixie na maarteng nakikipag siksikan sa mga nakaupo. May pinandilatan ito ng mata kaya naman takot na tumayo iyong babae at umalis, pinalitan ni Vrixie iyon na tumabi pa sa tabi ko.

"Ginagawa nyan dyan?" Si Ayesha sa kaliwa ko na siniko pa ako.

"Manonood. Hindi ba obvious?" Pag mamaldita ni Vrixie na narinig iyong sinabi ni Ayesha kahit sobrang ingay na sa paligid.

"Alam kong manonood ka. Pero bakit kailangan dito pa sa row namin ka maupo? VIP ka ba?"

"Excuse me? Kayo? Bakit kayo nandito VIP ba kayo?"

"Volunteer kami sa pagbibigay ng tubig kina Marcus."

Umirap si Vrixie. "Whatever. Can you just shut up, ingay na nga sa paligid sumasabay ka pa. Nakakadagdag air pollution. My gosh!" maarte nyang inalis ang nakalaylay na buhok sa kanyang mukha.

Ramdam ko ang panghihimutok ni Ayesha sa gilid ko. Tiningnan ko ito at bahagyang inilingan, naintindihan nya naman ang ibig kong sabihin kaya bumuntong hininga ito at humalukipkip na lamang sa kanyang inuupuan. Si Zarene naman ay nasa tabi nito at busy sa pagkukutingting sa kanyang cellphone.

Nanahimik na ang lahat ng tinawag na ng announcer ang team nina Drake. Natanaw ko sya ng tuluyan na silang pumasok sa gymnasium. Kinawayan ko ito ang ngumiti. Matamis na ngiti naman ang iginawad niya.

"Pahinging tubig Chanel." Si Jay na ka team nila Drake ang sumulpot agad sa harapan namin nina Ayesha.

"Bakit pawisan ka?" tanong ko rito at yumuko para kumuha ng tubig sa jug.

"Nag practice kami kanina."

Iniabot ko iyong tubig sa kanya. Natigilan ako ng makita ko si Drake na papalapit sa amin, tiim bagang itong naglakad sa pwesto namin.

Kinuha ni Jay iyong tubig sa aking kamay at umalis na, nagkatagpo pa sila ni Drake. Tinapik ni Jay ang balikat ni Drake gayong si Drake naman ay nakakunot lamang ang noo sa kanya.

Tumingin ito sa akin, iniwan nya na si Jay at tuluyan na akong nilapitan.

"Magtutubig ka?" tanong ko dito na kukuhanan na sana sya ng tubig ngunit hinila nya ako sa aking kamay. "Ano-"

Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko ng lumapat na ang kanyang labi sa aking labi. Natigilan ako, maging ang mga tao sa paligid ay natigilan din. Lumayo sya, bahagya nyang kinagat ang ibabang labi nya.

"Thank you." kinindatan ako nito bago tumalikod at pumunta na sa mga ka team niya na mukhang gulat din sa nangyari.

Tulala akong naupo sa upuan ko. Si Ayesha at Zarene ay panay ang kulit sa akin, habang ang isa naman sa kanan ko ay galit na galit na.

"Patunay na wala ng dapat umagaw sa'yo." si Ayesha na tumatawa pa.

"Shut up please. My gosh!"

"Bakit? Hindi lamang sinabi ni Drake iyon, pero iyon talaga ang punto nya sa ginawa nyang pag halik sa'yo."

Napatakip na lamang ako sa mukha, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong trip ni Drake at hinalikan nya ako sa harap ng maraming tao. Gosh!

"Girls? Wala kayong dalang energy drink?" ang coach nila Drake ang biglang sumulpot sa kung saan kaya naman natigilan kami nila Ayesha.

"Wala po ba kaming nadala coach?" si Zarene.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now