Chapter 14

30 3 0
                                    

Chapter 14

Naalimpungatan ako sa mga mahihinang salita na nanggagaling sa kung saan. Marahan kong iminulat ang mga mata ko, tumama agad ang puting kisame at ang liwanag ng ilaw sa aking mga mata.

"Nagpa file na po ng case si Mommy, Tita Chaney. You don't have to worry." Napatingin ako sa paanan ko at natanaw ko nga si Marcus na kausap ni Mama.

"Halos dalawang araw ng walang malay ang anak ko Marcus! Papaano akong hindi mag aalala. Napahamak ang anak ko!" Sigaw ni Mama.

"Tita calm down. Everything's gonna be okay, magigising din po si Chanel." Hinagod ni Marcus ang likod ni Mama.

Bahagya akong gumalaw, ngunit nanlalambot ang aking katawan.

Napukaw ng atensyon ko ang syang pagbuksa ng pinto, iniluwa nito si Ayesha at Zarene na may dalang mga prutas. Agad nalaglag ang panga ni Ayesha ng makita ako.

"Oh em gee! Gising na si Chanel!" Sigaw nito kaya agad akong nilingon si Mama at Marcus.

Nang makita ako ni Mama ay agad itong dumalo sa akin. Nakita ko ang namumuong pag-aalala sa kanyang mga mata at halos magtubig na iyon.

"Ma..." namamaos kong imik.

"Gising kana anak ko. Thank you!" Sabi ni Mama na hinalikan ako sa mga kamay. "Halos pinag alala mo ako ng husto anak ko. Dalawang araw kang walang malay. Sobrang nag alala ako anak ko." Pumatak ang luha sa kanyang mga mata na marahan kong pinunasan.

"Okay na po ako..." namamaos ang boses kong sinabi iyon.

"Tita, I'll call Chanel's doctor so she can check up." Marcus say's and he went outside my room.

Nanatili ang mga tingin ni Mama sa akin na hindi man lang tinapunan ng tingin si Marcus. Naghalo halo ang emosyong nakikita ko sa mga mata ni Mama. Hindi ko maiwasang hindi maaawa sa kanya.

Nag iisa lamang akong anak nya, nahirapan sya noong nawala si Papa, nakita ko noon ang takot sa mga mata nya. At ng makita ko rin ang takot sa mga mata nya ngayon ay tila binabanlian ng mainit ng tubig ang pagkatao ko.

Ayokong isipin ni Mama na iiwan ko din sya tulad ng ginawa ni Papa. Pero sa nangyayari sa akin na palagi na lang ako napapahamak ay iyon na ang nakikita kong nararamdaman nya.

May mga dumating na nurse at doctor sa room kung nasaan ako. Lumayo ng bahagya sila Mama sa akin dahil chineck up ako ng doctor. Inalis nila ang benda sa aking ulo, pinaltan ito ng mga nurse at nilinis ang sugat sa aking ulo.

Nakita kong nilapitan ng doctor sina Mama.

"Don't worry Mrs. Marcell, your daughter is finally okay. Kailangan nya lang muna mag stay pa ng dalawang araw dito sa hospital para malaman namin kung may posible ba na makaramdam ito ng sakit ng ulo nya." Sabi noong doctor at nilingon ako.

"Masyadong may kataasan ang pinaghulugan nya kaya ganon na lamang katagal ang naging tulog nya. Mabuti na lamang at hindi gaanong napuruhan ang ulo nya dahil maaari syang magkaroon ng Traumatic Brain Injury." Sabi nooong doctoro na nakatingin lamang sa akin.

Tumikhim ito at nag paalam na naman kina Mama, natapos ang mga nurses sa pag aayos ng benda sa ulo ko, nilapitan naman na nila ako upang kamustahin na.

Si Mama ay naging abala sa paghahanda ng pagkain para sa akin, sina Ayesha naman ay inaalalayan ako kapag gusto kong maupo at sumandal.

"Buti na lang at okay kana Chanel. Masyado mo kaming pinag alala." Sabi ni Zarene na nakaupo sa may gilid ko.

"Dalawang araw ba talaga akong tulog?" Takang tanong ko.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now